Share

Chapter 4

MIA'S POV

"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "

" Hindi, ah!" tanggi niyo.

"Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito.

Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.

'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.

Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at hindi na teenager. Mas matanda siya ng tatlong taon ky Merna. Nagpang- abot sila nito sa kolehiyo dahil dalawang taon siyang nahinto sa pag- aaral bago nakapagkolehiyo.

Kinakailangan kasi niyang magtrabaho muna nang maging sakitin ang nanau niya noon.

" Ano, Mia? pumayag ka na," hirit pa rin ni Merna.

"Eh..."

"Please? for me? for Lola? please?

"Sigurado ka bang kasado na ito sa kuya mo?

I mean, pumayag na siya na ako ang maging girlfriend..... este, pretend girlfriend niya?"

Sunud- sunod na tumango ito.

"Hanggang 3months lang, ha?" paniniguro niya.

"Yup!" excited na sabi nito,"

"In- specify din ni Kuya na hanggang three months lang. Funny, pero yan din ang sinisiguro sa akin ni Kuya."

Well, hindi lang si Matthew Delos Reyes ang ayaw tumagal ang pagpapanggap na gagawin nila. Siya rin naman.

Akala yata nito ay atat siyang maging girlfriend nito kahit pa nga kunwari lang. Bonus na lang ang perang ibibigay nito aa kanya. Sabi nga ni Merna, kahit tanggihan niya iyon, hindi raw papayag ang kuya nito na hindi bayaran ang serbisyo niya. Pero kakayanin nga kaya niya ang tatlong buwan na kasama si Matthew?

Bumuntong- hininga na lamang siya sa iisiping magkasama sila ng taong mailap at napakasungit pa.

MATTHEW POV

KABABABA lang ni Matthew ng kotse niya nang marinig niya ang ugong na paparating na motorsiklo.

Sa tabi ng kotse niya sa parking lot ng restaurant na iyon pumarada ang motorsiklo. Napasimangot siya dahil sa tingin niya ay masyadong mabilis magpapatakbo ang driver niyon. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala kung sino ang naturang driver na iyon nang magtanggal ito ng helmet. Ang driver pala niyon ay walang iba kundi ang taong katatagpuin niya sa lugar na 'yon, si Amia Acosta aka Mia ang babaeng taga ibang planeta.

Ito ang maituturing niyang pinakakakaibang babaeng kamalas- malasang nakilala niya. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakasanayan na niyang makahalubilo na pawang mga pormal at sosyal. Ni wala yata sa bokabolaryo nito ang salitang 'mahinhin'. Patunay ang uri ng sasakyang napili nito.

Sinong matinong babae ang gagamit ng motorsiklo bilang pangunahing transportasyon nito? Bukod sa panlalaki iyon, napakadelikado pa. At napakabilis pa nitong magpatakbo!

Babaeng- babae naman ang hitsura nito kahit palagi itong naka- jeans o naka- cargo shorts. Pero kung kumilos ito daig pa ang isang lalaki.. ang siga. Magkasalungat na magkasalungat ang hitsura at paraan ng pagkilos nito. Mahaba at parang napakalambot ng alun- along buhok nito na natural na kakulay ng buhok ng mais. Maamo at maganda rin ang mukha nito. ,Papara nga itong mayaman dahil maputi at makinis ang kutis nito. Marami itong ilalampasong socialites na mga kakilala niya na kailangan pang maglagay ng katakut- takot na koloretes sa mukha bago lumabas ng bahay.

Samantalang itong si Amia ay nakapaka effortless lang nito kapag nag-aayos sa sarili. Parang simpleng polbo lang atang ginamit nito ni walang bahid ng lipstick sa mga labi, natural lang itong mapupula na parang kay sarap halikan. Saglit siyang natigilan sa naisip tungkol sa hitsura ng babaeng taga ibang planeta.

Patuloy na napansin niya na hindi rin pala ito mahilig magsuot ng burloloy sa katawan na karaniwang nakikita niya sa mga babae. Kahit kailan ay di niya rin ito nakikitang magsuot ng maiksing palda o shorts dahil laging lampas tuhod ang suot nitong cargo shorts.

Hindi rin nakakaligtas sa mga mata niya ang makikinis nitong binti. Maganda rin ang hubog ng katawan nito na laging nagtatago sa suot nitong t- shirt o di kaya'y mga loose shirts.

Ipinagtataka nga niya kung paano nito napapanatili ang ganoong kutis samantalang napakasimple lamang nito.

Minsan nga ay naisipan niyang magtanong kay Merna tungkol sa bagay na iyon. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang magtataka ang kapatid niya at baka isang nakakatakot na pangangantiyaw ang aanihin niya. At baka pagtatawanan pa siya ng kapatid kaya mas pinili na lang niya na huwag na lang magtanong ng kung ano tungko sa buhay ng kaibigan nito.

Salungat na salungat sa pagkikilos at pananalita nito ang kabuuang anyo ni Amia. Walang pakimi- kimi sa bawat galaw nito. Hindi ito natatakot na madumihan ang kamay at kuko nito kapag kinakalikot ang makina ng motorsiklo. May ilang pagkakataon pa noon na nasira ang kotse niya at nagkataong nasa bahay nila ang babae. Magpapatawag pa sana siya ng mekaniko pero tinawanan siya nito. Naalala ko pa ang sinabi niya noon.

'Di na kailangan. Yakang- yaka ko na 'yan. Easy lang 'yan.

Hindi ako makakapaniwalang wala kang alam sa basic na pagkukumpuni ng sasakyan. Ibang klase talaga ang mga mayayaman, ayaw madumihan ang mga kamay. Lahat ng simpleng sira ng sasakyan ay i- asa agad sa mga mekaniko. Aksayado sa pera'.

Iyon ang sinabi nito noon sa kanya.

Napahiya siya sa tinuran nito. Kalalaki naman niyang tao, mas alam pa nito ang tungkol sa pagkukumpuni ng sasakyan. Ngunit ngayong naalala niya ang pangyayaring iyon, wala siyang nadamang anumang inis rito. Bagkus ay nangingiti pa nga siya at naaaliw.

Ganoon talaga ito. Noong una, nakita niyang ilag ito sa kanya. Ngunit nang tila magsawa ito sa cold treatment niya rito, hindi na ito nag- abala pang maging pleasant sa kanya. Hindi na siya nito pinapansin at minsan pa nga ay nahuhuli niyang palihim siya nitong iniirapan. At kapag hindi niya matiis na hindi magparinig dito, nagpaparinig din ito sa kanya. Hindi talaga ito nagpapautang lahat ng ginawa ko sa kanya ay ibinalik rin niya sa akin. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

Noong nasa kolehiyo pa ito, sumasali ito sa basketball kapag intramurals. Iyon ang kuwento sa kanya ni Merna. Kababaeng tao ay basketball ba naman ang sinalihang sports. Marunong din itong magtubero. Nang minsan ding magkaproblema ang lalabo nila, ito ang umayos niyon kahit pa naroon naman siya. Kaya nga tuwang - tuwa rito ang abuela niya. Para daw kasi itong lalaki dahil napakaraming kayang gawin.

Naalala ko rin ang sinabi niya noon..

'Wala naman ho kasing lalaki sa gagawa ng mga ganito sa bahay namin. Tatlo ho kaming magkakapatid na babae at malaki ang tanda ko sa kanila. Para ho kasi akong inihanda ng tatay ko para kung mawala man siya...." sabi nito noon sa lola niya.

Napalapit nang husto ang kanyang abuela. Maging ang mga kasambahay nila ay kinatutuwaan ito. Kapag pumasok siya sa bahay at narinig niya ang malalakas na tawanan mula sa kusina, alam na niyang naroon ito. Siya lamang ang tanging umiiwas dito. Hindi niya alam ngunit tila sinuman ang makahalubilo nito ay magugustuhan agad ito. Pagbabalik tanaw niya noon.

"Ano, pasado naman ba?" tanong ni Mia na nakapagpahinto sa paglalakbay ng isip niya.

Nang tingnan niya ito , prente itong nakaupo sa motorsiklo nito, paharap sa kanya. Nakapatong ang braso nito sa manibela niyon. Nakangisi ito.

Mukhang kanina pa siya nito pinagmamasdan.

"Ayos lang ba sa'yo ang attire ng girlfriend mo?" nanunudyong dagdag nito.

Awtomatikong sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. Maong na jeans at T-shirt na tamang- tama lamang ang sukat sa katawan ang suot nito.

Naka-print sa T-shirt na suot nito ang mga katagang

"when I'm good, I'm very good and when I'm bad, I'm even better." Puting sneakers ang sapin nito sa mga paa. Ang buhok naman nito ay hinayaan lamang nitong nakalugay.

Simpleng itim na sports watch ang tanging alahas nito sa katawan na tipong panlalaki dahil malaki iyon sa may palapulsuhan niya.

"Pasensiya ka na, honey at hindi ako nakabestida, ha? Hindi na rin ako nag- abalang magpunta sa parlor. At mahihirapan lang ako kung pipilitin kong magsuot ng may takong sa sapatos. Kaya, eto, I came here to meet you as you knew me," sabi nito.

"I'm sorry if I disappointed you. Pero hindi naman siguro kasama sa pagtanggap ko sa trabahong alok mo ang pag- iiba ko ng bihis, hindi ba?"

"You looked fine," simpleng sabi niya.

"Good!" agad namang sagot nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status