MIA On the last day of their honeymoon in the Maldives, Mia and Matthew were busy buying souvenirs to bring home to the Philippines.Including traditional Maldivian handicrafts, coconut-based products, handmade jewelry, local spices, and miniature models of traditional Maldivian boats. They were so excited to reunite with their family back home. She had been away for almost two weeks, so she anticipated many questions and knew she would need to provide explanations. "Wow! I love this, honey!" wika ni Mia sa asawa na itinaas ang hawak niyang miniature maldivian boat. Ewan ba niya talagang mahihilig sa mga maliliit na obra. "Then, pick that one, hon." sagot ng asawa na abala rin sa pamimili ng pasalubong. Nasa isang siyudad sila ngayon dito sa Maldives. Naisipan nilang mamimili ng mga pasalubong. Dahil ito ang huling araw nila dito sa bansa ay mas lalong sinusulit nila ang pagkakataong suyurin ang buong siyudad.They even tour the Malè city. They visit the Sultan Park and Natio
MIA "Hon, can you wait for a while. I need to use the restroom?" paalam ni Mia kay Matthew habang pigil na pigil na sa sariling maihi. Nasa Manila International Airport sila ngayon ng asawa. Kaka-landing lang nila dito galing Maldives. Tumango naman ito. "Sige, hon but please make it faster dahil nasa labas na 'yong tinawagan kong driver na susundo sa atin." Tanging tango lang ang tinugon niya rito at nagmamadaling tinungo ang pinakamalapit na restroom. Sa kanyang pagmamadali hindi niya napansin ang isang babaeng nakakasalubong kaya nabangga niya ito."Ooppss! I-im sorry Miss, nagmamadali kasi ako pasensiya na." paulit ulit niyang paghingi ng paumanhin sa babaeng nabangga. Bahagyang ngumiti lang ito sa kanya na tila napipilitan lang, pero siya namang kanyang ikinagulat ng makilala ang babae. Ito yong seksing babaeng nakita niya sa Maldives. Bakit niya ito nakita rito? Nakasabay niya ba ito sa pag uwi? ipinagtataka niya.Aktong aalis na sana ito nang bigla niyang pigilan. Nagtatakan
NASA BUKANA na ng mansiyon sina Mia at Matthew ng mga Delos Reyes. Hindi naman maiiwasan ni Mia ang hindi kabahan. Kahit pa na alam niyang mabait naman ang abuela ni Matthew na si Donya Lina. Kahit nong nag- aaral pa lamang sila ng kolehiyo ng apo nitong si Merna na kapatid ng kanyang asawa, ay hindi siya kailanman sinalakay ng ganito katinding kaba. Maging ang ginawa nilang panloloko noon sa matanda, noong nagpapanggap pa lamang sila ni Matthew na magnobyo ay iba pa rin ang sitwasyon ngayon dahil ay nagpapakasal sila na hindi man lang napag- abisuhan ang Lola nito. Na kung tutuusin ay mas ikakasiya pa siguro nito kapag ito ay nakadalo. Ngunit hindi nila inaasahaan ang mga pangyayari kaya't nagawa nilang maglihim sa Donya. "Come on, hon. Let's go inside." yakag ng asawa sa kanya. "H-hon, parang kinabahan ako. Baka magagalit si Lola Lina sa atin.""Stop thinking that way, honey. You know that Lola Lina isn't like what you imagine. In fact, she wanted you to be her daughter-in-la
Araw ng linggo, nagmamadaling umalis si Matthew nang mabasa ang ibinigay na mensahe ng kapatid na si Merna. Siya ay pupuntang ospital na kung saan naka admit ang kanyang lola."How's Lola?" puno ng pag alalang tanong niya sa kapatid na si Merna. Kadarating lamang niya sa ospital. Huli na nang matanggap niya ang mensahe sa kanya ng kapatid.Agad na nabaling ang tingin niya sa abuela na nakahiga sa hospital bed. Maputlang- maputla ang mukha nito, mababakas doon ang pinagdaanan nitong hirap."Lola had a heart attack again, Kuya Matthew, " tugon ni Merna. Namumugto ang mga mata nito. "Nang pumasok si Manang Adelfa sa room niya kanina, nakahandusay na si Lola sa sahig. Kung nahuli pa ng ilang minuto bago siya nadala sa hospital, malamang.... malamang wala na siya..." Umiiyak ito habang nagsasalita.Nilapitan niya ito upang yakapin at aluin. "Kumusta na siya ngayon?" tanong niya na nakatingin pa rin sa abuela. Ang kanilang abuela na si Doña Tranquelina Delos Reyes ang solong nagpalaki sa
"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito. "Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all
MIA'S POVANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna."Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulo
MIA'S POV"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "" Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at
"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy