Share

CEO's Love Redemption
CEO's Love Redemption
Author: Funbun

Chapter 1

Araw ng linggo, nagmamadaling umalis si Matthew nang mabasa ang ibinigay na mensahe ng kapatid na si Merna.

Siya ay pupuntang ospital na kung saan naka admit ang kanyang lola.

"How's Lola?" puno ng pag alalang tanong niya sa kapatid na si Merna. Kadarating lamang niya sa ospital. Huli na nang matanggap niya ang mensahe sa kanya ng kapatid.

Agad na nabaling ang tingin niya sa abuela na nakahiga sa hospital bed. Maputlang- maputla ang mukha nito, mababakas doon ang pinagdaanan nitong hirap.

"Lola had a heart attack again, Kuya Matthew, " tugon ni Merna. Namumugto ang mga mata nito. "Nang pumasok si Manang Adelfa sa room niya kanina, nakahandusay na si Lola sa sahig. Kung nahuli pa ng ilang minuto bago siya nadala sa hospital, malamang.... malamang wala na siya..." Umiiyak ito habang nagsasalita.

Nilapitan niya ito upang yakapin at aluin. "Kumusta na siya ngayon?" tanong niya na nakatingin pa rin sa abuela.

Ang kanilang abuela na si Doña Tranquelina Delos Reyes ang solong nagpalaki sa kanila ni Merna mula nang maulila silang magkapatid. Bata pa ang papa nila nang mabiyuda ang kanilang lola. Ito ang tumayong ama at ina ng papa nila at nagpatuloy sa pamamalakad ng kompanya ng pamilya.

Noong seventeen years old siya at twelve years old si Merna, sabay na namatay ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Muli ay tumayong solong magulang para sa kanila ang kanyang abuela. Muli nitong tinanggap at kinaya ang ikalawang trahedya sa buhay nito. Sa negosyo at sa kanila ni Merna nito itinuon ang buong panahon at atensiyon nito.

Malaki ang paggalang, pagmamahal at utang na loob nila ni Merna rito. Kaya naman ginagantihan nila ang lahat na ibinigay at sakripisyo nito para sa kanila sa pinakamabuting paraang alam nila. Noong una itong atakihin sa puso ay ipinasya niyang pagpahingahin na ito at siya na lamang ang mamahala sa kanilang kompanya. Naging napakasaya niya nang mapagtagumpayan niya ang obigasyong naatang sa mga balikat niya. Naging napakasaya niya nang sabihin sa kanya ng abuela kung gaano ito ka proud sa lahat ng accomplishments niya.

Ginawa niya iyon dahil gusto niya itong mapapasaya. Gusto niyang patunayan dito na hindi ito nagkamali sa pagtitiwala sa kanya. Lahat ng mga bagay na gusto nito para sa kanya ay gusto niyang sundin. Kaligayahan na niyang makitang maligaya ito. Sa dami ng hirap at sakripisyo nito,gusto niyang suklian ito ng pagmamahal at ipakita o iparamdam dito ang pagiging ulirang apo.

Sa buong buhay niya ay isang bagay lamang pinagtatalunan nilang maglola. Iyon ay nang sa kauna- unahang pagkakataon ay nagmahal siya. Sa kanyang dating sekretarya na si Jenny. Nagmula si Jenny sa isang mahirap na pamilya. Buo sa isip niya na ang pagiging mahirap ng babae ang dahilan ng pagtutol ng kanyang abuela kahit pa paulit- ulit nitong sinasabi sa kanya na hindi mahalaga ang estado sa buhay ni Jenny. Iba lamang daw talaga ang kutob niya sa babae.

Kahit nang paimbestigahan ng abuela niya si Jenny at natuklasan ng matanda na nakatapos ito ng kolehiyo dahil sa pakikipagrelasyon sa mayayamang lalaki, hindi niya pinakinggan ang abuela. Dahil umamin naman sa kanya si Jenny. Iyon daw ang nakaraan nitong takot na takot na ipagtapat sa kanya. Ngunit nakaraan na raw iyon at pinagsisihan na nito ang lahat.

Pinaniwalaan niya ito. Pinanindigan niya ang kanilang relasyon at minahal niya ito ng lubos. Para lamang matuklasan na totoong pagkatao nito na isa palang doble-kara. Nalaman niya sa bandang huli na kalaguyo pala ito ng mataas na opisyal ng advertising company na pangunahing kalaban ng kanilang kompanya. Kaya pala nananakaw ng kalabang kompanya ang mga ideyang ipiprisinta sana nila sa malalaki nilang kliyente ay dahil sinasabi iyon ni Jenny sa kalaguyo nito. Hanggang sa unti- unting na pull- out sa kanila ang malalaking account na muntik nang ikabagsak ng Delos Reyes Advertising Company.

Kung hindi pa kinutubang muli ang kanyang abuela ,hindi pa nila malalaman na si Jenny pala ang nasa likod ng lahat na pananabotaheng iyon. Nang iprisinta sa kanya ng abuela ang lahat nga ebidensiya ay nanlulumo siya. Hindi siya makapaniwala na nagagawa ito ng kanyang pinakamamahal na nobya. Muntik nang bumagsak ang kompanyang pinaghihirapan nito at ng kanyang abuelo dahil sa katangahan niya.

Ang pinakamasakit sa lahat ay hinayaan niyang mapaikot siya ng dating nobya sa mga palad nito. Bago pa niya makompronta ang babae ay nawala na ito na parang bulang biglang naglaho. Nakatunog marahil ito sa pag iimbestiga ng kanyang abuela. Iyon ang pagkakamaling hanggang ngayon ay dala- dala niya pa sa kanyang dibdib. At labis na pinagsisihan kung bakit ay hindi siya nakinig sa lahat ng mga sinasabi ng kanyang abuela noon na di sana mangyayari ito sa kanilang kompanya.

Ginawa niya lamang ang lahat sa abot ng kanyang makakaya na muling maibangon ang kompanya at sa awa ng panginoon ay napagtagumpayan niya itong muli. And he had learned his lesson very well.

Mula noon ay nag- iba na siya. Naging mahirap na para sa kanya ang magtiwala muli sa ibang tao. Inalis na rin niya sa kanyang puso ang paniniwala sa salitang pag- ibig. Kahit anong sabi ng abuela niya na kalimutan na niya ang nakaraan at muling magmahal ay hindi na niya magawa. Pakiramdam niya ay masyado niyang pinapairal sa damdamin kaya hindi niya nakikita ang tunay na ugali ng isang babae. Na kahit kinukumbinsi siay ng abuela na muling magmahal ay hindi siya sumang- ayon. Sinabi niya ritong hayaan na lamang siya ang importante ay hindi niya pinapabayaan ang kanilang kompanya.

Alam niyang nasaktan niya ang abuela sa lahat ng mga sinasabi niya dito. Alam niyang wala itong ibang hangad kundi ang mapabuti siya. Ngunit ano ang magagawa niya? Tapos na ang panahon na minsan ay naging tanga siya sa larangan ng pag-ibig.

"She's stable now, Kuya," narinig niyang sabi ni Merna pagkatapos niya itong aluin. "According to the doctors, the third time could be very fatal. Kuya, these past few weeks, Lola seemes mesirable. Palaging parang malalim ang iniisip niya. Parang may problema siyang inaalagaan sa kanyang dibdib at sinasarili lang. And last night, I saw her cyring..." umiiyak na sumbong ng kapatid sa kanya.

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.

"Naabutan ko siyang binubuklat ang family albums natin sa library. I joined her in reminiscing the past. Hanggang sa mapunta kami sa mga pictures mo noong college ka, lalo na noong graduation mo, doon siya lumuha nang lumuha. And I couldn't do anything to stop her tears. Hanggang sa maihatid ko siya sa kuwarto niya, ang lungkut- lungkot pa rin ng mukha nito. Tapos sabi niya bago niya ipikit ang mga mata niya, Merna, wouldn't it be nice to have our old Matthew back again? Don't you miss him?

Muli niya itong niyakap at hinagud -hagod ang likod nito.

"I think Lola is so worried about you, Kuya... Para pa ngang sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa 'yo... sa naging pagbabago mo. Nahihirapan siyang makitang parang may galit ka sa mundo."

"Sshhh.. tahan na. Huwag ka ng umiyak. Baka biglang magising si Lola at makita ka niyang umiiyak," aniya sa kapatid. Nag - alala ako sa kanya, Kuya. " anito. " I've never seen her so sad.... so lonely. I don't like to see her that way, Kuya. She had always been our strength. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang pasayahin pero... pero hindi ko naman alam kung pa paano."

"Sshhh, everything will be all right, bunso," pag- aalo niya muli rito. Please do something, Kuya. Do something to make Lola happy. Please! I don't want to lose her, Kuya."

Napapaisip si Matthew sa sinabi ng kanyang kapatid, maging siya man ay ayaw niyang mawala sa kanila ang abuela, ito na lang ang meron sa buhay nila. At hindi niya hahayaang mangyayari itong muli.

Napabuntung- hininga na tiningnan niya ang matanda. Kinailangan niyang gumawa ng paraan upang maibalik ang dating sigla ng abuela.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status