Share

Chapter Seventeen

Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.

Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami.

"Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla.

"Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya.

"Himala." Natatawang komento nya.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status