Share

CHAPTER FOURTEEN

First time na maramdaman ni Hendell ang kalayaang ipinagkait sa kaniya nang matagal na panahon. Kalayaang, sabihin ang nasa loob ng kaniyang puso. She finally confessed. At wala siyang makapang pagsisisi o pangamba. He made her brave and she will be forever grateful because he managed to awaken her inner strength. At sa pamamagitan nito iyon unang lumabas. 

She's trembling but she anticipating his response. Oo nga't nagtapat ito sa kaniya noong nakaraang linggo, pero maaaring mag iba ang magiging sagot nito ngayon. Kailangan niyang maging handa sa kung ano man ang kalalabasan.

"You like me?" Basag ni Harken sa ilang segundong katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa. 

Nakagat niya ang ibabang labi niya saka tumango. "Oo. Gu- gusto kita."

She is proud of herself for not sounding stupid. She wants to congratulate herself for finally being true to her own emotions. Na sa wakas, napagbigyan niya na rin ang tinitibok ng puso niya. 

Masuyong hinawakan ni Harken ang kaniyang mga kamay at inilapit ito sa bibig upang halikan. Nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang mga kamay, hindi niya napigilan na mapaluha. She's feeling too much and her heart wants to explode. 

"I am so happy to hear that from you Hendell," anito habang tinitigan siya nang nakangiti. "Nandito sana ako para opisyal na manligaw kahit na hindi mo ako gusto. Pero ako ang nasorpresa sa pagtatapat mo."

"Gusto mo akong ligawan? Tama ba ang pagkakarinig ko?" pagkaklaro niya dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya, hindi niya gaanong narining ng maayos ang sinabi nito. 

Umayos ito nang pagkakatayo at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "Tama. Gusto kitang ligawan, will you allow me?" anito na hindi pa rin nilulubay ang tingin sa kaniyang mga mata. She is so sure that Harken is sincere towards her. She has never been so sure of anything, ngayon lang. 

She didn't hesitate, even a little bit. Sinalubong niya ang tingin nito. "Yes, Harken. Pumapayag ako."

A satisfied smile came out of his lips and he pull her into a hug. "Thank you for giving me a chance. God, I am so happy."

The following days have been so wonderful for both of them. They found peace in each other's company. Isa lang ang siguradong sigurado siya, sa mga araw na dumadaan, si Harken lang ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan niya. And at the same time, natututo siyang mas maging open sa mga bagay bagay, which was a very good thing on her part. 

Everything about Harken is beautiful and people might not be seeing it the way she sees it, but she is certain that he is a good man. A good man that will never break her heart. Marami itong naituro sa kaniyang mga magagandang bagay. Dahil doon ay unti-unti niyang natututunan na magpatawad at kalimutan ang lahat ng masasakit na parte ng kaniyang alaala. She is like an empty glass, but he is able to replenish the goodness that made her empty in the first place. Having him put so much happiness in her life. And hoping that everything will never last. 

Finally, after a few months, she said 'yes' to him. 

Their relationship has been smooth sailing. It was progressive in a good way, mostly favorable for her, but all in all, they both grow together. Palagi silang magkasama at hindi na siya nakakaramdam ng sobrang kalungkutan. Hindi nawawala ang pagtatalo ngunit mabilis naman nila 'yong naaayos. 

"Love," tawag nito sa kaniya gamit ang kanilang endearment. Since day one, hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya tuwing ganoon ang tinatawag sa kaniya ni Harken. Kinikilig pa rin siya. 

Nilingon niya ang binata. "Bakit?" mahinhing sagot niya habang patuloy na inaayos ang kaniyang garden. Kasalukuyan silang nagtatanim ng panibagong set ng mga lilies na nagawa niyang gawing negosyo, of course, Harken help her to make it happen. Dahil sa pagiging social butterfly nito ay marami itong nahanap na regular buyer ng mga bulaklak. 

"May gusto akong ipakita sa iyo," anito sa excited na tono. "I'm sure you'll like it."

Kuryosidad ang agad na naramdaman niya. "Ano 'yon, love?"

Ngumisi ito. "Secret muna," Napakamot ito ng ulo. "Surprise kasi."

Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pagtatanim ngunit hindi pa rin maalis sa kaniya ang excitement at curiosity. Sure, Harken loves to surprise her and he never failed to do so, even in little things. But it felt different this time. 

Pagkatapos nilang magtanim ay umuwi muna si Harken para maligo at mag ayos. Ganoon din ang kaniyang ginawa. This is the usual routine they were following for the past months of being in a relationship. They always make sure that they have time for each other every day, went out and hang out often if they have extra time, talk and checking in on each other's mental health, and of course spoiling each other. 

She smiled while looking at herself in the mirror. Pakiramdam niya ay ang ganda ganda niya sa suot niyang yellow off-shoulder maxi-dress na nagpalitaw sa kaniyang kaputian. She put on a little amount of make-up and curled her long straight hair. Dressing up and making herself beautiful is not just for her boyfriend, but also for her own self-care. Lately by doing a self-care routine increases her self-esteem and decreases her self-doubt. Nakatutulong rin ang palagiang pagpapaalala sa kaniya ni Harken na maganda siya at mahalaga siya para rito. With that, she felt at ease. 

Her thoughts were interrupted when she heard a soft knock on her door. Mabilis niyang inayos ang sarili bago niya binuksan ang pinto. 

"Hey, love," bati niya na parang hindi sila magkasama kanina. 

Harken smiled and looked at her with admiration. "Love, you're so beautiful."

Pasimple niyang inipit ang kaniyang buhok sa kaniyang tenga. "Thank you, love. Ang guwapo mo rin," aniya rito. One thing she also learned about being with him is that never be ashamed of giving back a compliment. 

"Let's go?" He offered his hand and she gladly accepted it. Habang papalabas sila ay narinig nila ang malakas na tunog na nanggagaling sa bahay nila Marcio. His hard rock music playing over again. Hindi na lang nila pinansin iyon at nagpatuloy na lang papunta sa sasakyan ni Harken. Ang orihinal nitong plano na mag stay sa Route 88 nang ilang buwan ay biglang nag iba magmula noong maging sila. He brought all his stuff kasama na doon ang sasakyan nito at nagdesisyon na mag apply sa isang firm sa San Madrid para makasama siya.

After a few minutes of driving, they arrive at Monte Claro estate, a famous subdivision in San Madrid. It was fifteen minutes away from Route 88 and compare to it, mas malawak at mas malalaki ang kayang iaccomodate na bahay ng Monte Claro. 

Sinundan niya ng tingin si Harken. Bumaba ito at mabilis na umikot para pagbuksan siya ng pinto. Inilahad nito ang kamay nito at tahimik niya naman itong tinanggap.

Nang makabawi sa pagtataka ay binalingan niya si Harken. "Anong ginagawa natin dito?"

Huminga ito ng malalim at imunuwestra ang kamay nito patungo sa isang malaking bahay. "Surprise!"

Nanlaki ang mata niyang nagpalipat lipat ang tingin sa bahay at kay Harken. "What- what do you mean?" nabibiglang tanong niya. Parang na blanko ang isip niya. 

He moved and hugged her from behind. "I am honestly thinking of settling down. I am twenty-eight and I think this is the right time for me to set my priorities. Nakikita mo ba ang bahay na 'yan? Sa atin 'yan," anito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayap nito. 

"Sa atin? Why? Are you sure of me?" diskumpyadong tanong niya. Oo nga't sobra siyang naooverwhelmed pero, sigurado na ba talaga ito sa kaniya?

"Alam ko na nabibilisan ka sa mga nangyayari at kahit ako ay hindi rin makapaniwala na umabot na tayo sa ganitong punto. Pero gusto kong malaman mo na sobra na akong sigurado sa iyo at kasama ka na sa mga pangarap ko. I made this for you, through the help of my architect friend Ward. This is your design, right?" wika nito.

Nalipat kaagad ang tingi niya sa bahay. Now that he mentioned, nakikita na niya ang desenyong nabuo niya. May touches ito ng architect kaya mas lalo itong naging maganda sa paningin niya. The house was huge. Like a dream come true. Two-storey ang bahay at kulay krema ang pintura nito, habang ang bubong naman ay kulay tsokolate. Gustong gusto niya na minimal lang ang kulay, parang ang ganda sa mata kung titignan.

"Ye-yes," tanging naisagot niya. Kulang ang salitang speechless sa sobrang out of words niya sa lahat ng nangyayari.

"This will be our home, love. Hindi kita pinepressure o minamadali kung iyon ang iniisip mo. Hindi ko na kasi kayang itago pa sa iyo ito. Sobrang excited ko kaya ayaw ko nang patagalin pa. Nagustuhan mo ba?"

  Hinarap niya ito at marahang hinaplos ang mukha nito. Puno nang pagmamahal na tinitigan niya ito. "Sobra love. Sobrang nasorpresa at sobrang nagustuhan ko itong bahay," aniya at pinahid ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. "Why I am so lucky to have you, Harken?"

He teared up a little. "Masuwerte rin ako na kasama kita. Wala na akong ibang bagay na mahihiling pa love. Mahal na mahal kita."

Buong pagmamahal niyang sinagot ito. "Mahal na mahal rin kita Harken, sobra."

Harken leaned to kiss her. She lifts her chin and their lips meet. The kiss was slow, full of love, and it was perfect. She keeps on kissing him and ignores her pounding heart. Too much emotion, but she liked it. Right now, their feelings for each other are the only thing that matters. Nothing else. 

Saturday night when Hendell and Harken decided to spend dinner at Fred's Diner, a famous restaurant in San Madrid. Gusto nilang icelebrate ang katatapos lang na launching ng kaniyang florist shop business. Marami na siyang naging kaibigan mula noong naitayo ang kaniyang negosyo at patuloy pa ang paglago nito katulad ng pagpapalago niya sa kaniyang mga bulaklak. In span of months ay napakarami nang nagbago sa buhay niya, and all thanks to her better half, Harken. 

"Saan punta niyo?" tanong ni Marcio na nakatambay sa labas ng bakuran. May kasama itong matangkad na lalaki na mukhang naimpluwensyahan din ng kadiliman. Ang kaibahan lang ay may malaki itong salamin sa mata na parang nerd na emo. 

Si Harken ang sumagot. "Sa Fred's kuya."

Tumango tango ito. "Puwede ba kaming sumama? Alam mo na? Tao rin kami at nagugutom."

Tumingin sa kaniya si Harken bago ulit hinarap ang kapatid. "It is our annual dinner date kuya." His words came out heavy, which means 'NO.'

But Marcio is still Marcio, magsuot man ito ng ibang kulay ng damit. "So what? Pare-parehas lang tayong gutom dito, 'no. Sasama kami, right H?" tanong nito sa kaniya na tila sinisindak siya. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Harken sa mga kamay niya. 

Alam niyang gusto nitong makapagsolo silang dalawa, but it wasn't that bad if sometimes, let others join. Tutal selebrasyon naman talaga ito. 

"Okay lang," sagot niya. Aangal sana si Harken ngunit pinigilan niya ito gamit ang ngiti niya. Mabilis naman nitong naintindihan ang gusto niyang iparating. 

He sighed. "Fine," sumusukong saad nito.

Ngiting tagumpay si Marcio. "Siya nga pala, kahit ayoko, ipinakikilala ko ang taong 'to," anito at tinuro ang katabi nitong lalaki. "This guy is Tres, I am not sure if he's a friend or a foe but yeah. Tres, ang kapatid ko nga pala na si Harken at ang girlfriend niyang si Hendell."

Tumango ito at matipid na ngumiti. "Nice to meet you both." anito at tiningnan siya na parang may ibig sabihin. Hindi niya na lang ito pinansin. 

Nang makarating sila sa Fred's ay siya ang naatasang maghanap ng upuan. Dahil hindi naman iyon ang unang beses na nagpunta sila sa naturang restaurant, alam niya na kaagad kung saan pupuwesto. Gustong gusto niya personally ang puwesto sa gilid ng piano dahil malapit ito sa may bintana. She loves the whole place lalo na ang ambiance ng buong restaurant. 

Naputol ang pagmuni-muni niya nang mahina siyang tapikin ni Marcio. "Bakit?" tanong niya.

His expression is blank. Kung nakakatakot ito, mas lalo na itong naging nakakatakot ngayon. The playful Marcio is nowhere to be found. "Umalis si Harken. Something happened to his dad."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status