Share

CHAPTER THIRTEEN

 Kusang loob na sumama si Hendell kay Harken, hindi dahil sa nakokonsensiya siya o napipilitan. Gusto niya subukan na maging normal katulad nito. Now that Harken is beside her, she suddenly felt brave. Not the brave like no fear like. Iyon bang nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa dahil alam niyang nasa tabi niya lang ito.

"Ready?" nakangiting tanong nito nang makarating sila sa orphanage. She gulped. Ngayong nasa harapan na siya ng gate ay parang hinigop yata ang lahat ng lakas niya. Nanginginig at pinagpapawisan na rin ang mga kamay niya. It is funny because nothing happened yet but here she is, acting like everyone already harmed her. 

"Yeah, I think so," alanganing sagot niya. 

"Kung hindi mo talaga kaya, puwede naman tayong bumalik. Hindi kita pinipilit o inoobliga kitang samahan ako. My intention was to help you come out of your shell and I thought, this was the perfect place you could adjust. Dito kasi walang manghuhusga sa iyo. But if you are not ready, I understand," Harken said. 

After a few minutes, she managed to get herself altogether. Siya na mismo ang nagsabi kay Harken na pumasok na sila. Noong una ay parang nag aalangan pa ang binata pero sa huli ay sabay nilang iwinaksi ang kanilang pag aalinlangan.

Sinalubong sila ng dalawang madre na sa tantiya ay nasa 40's na ang mga edad. May dalang lobo ang mga ito at mukhang inaasahan na ang kanilang pagdating. 

"Magandang umaga po sister Mia at sister Romella!" masiglang bati ni Harken sa dalawa. Hinapit siya nito sa bawyang at inilapit sa dalawang madre. "Si Hendell nga po pala, kaibigan ko."

Nanlaki ang mata ni sister Mia. "Ito ba ang sinasabi mong kaibigan mo na gusto mong dalhin rito?"

Nahihiyang nagkamot ng batok si Harken bago tumango. "Opo."

"Ikinagagalak kitang makilala iha!" magiliw na bati sa kaniya ng dalawang madre na dahilan ng kaniyang pag ngiti. Ang sincere kasi ng pakiramdam. Nakakagulat na nakagaanan niya kaagad ng loob ang mga ito. 

Pagpasok nila ng mismong hall kung saan nakaupo ang mga bata ay nakita niya sa mga mata ng mga ito ang excitement. Halatang kilala nila si Harken dahil umalingawngaw kaagad ang pangalan nito pagkapasok pa lang. At kitang kita rin niya ang kislap sa mga mata ni Harken ang kasiyahan nang mag unahan ang mga ito na lumapit rito. Humahanga siya sa paraan nito ng pag aappreciate sa mga bata. Bibihira lang ang lalaking malalapit sa mga ganitong klaseng institusyon. 

Pinakilala siya ni Harken sa mga bata. Noong una ay nahihiya pa siya at panay lang ang dikit kay Harken ngunit kalaunan ay napalagay na rin ang loob niya. They made her feel welcome. That she is part of them. And her heart is happy with the new experience.

"Ang batang iyon talaga. Hindi nakakalimot na bumisita dito sa ampunan," ani sister Mia, sabay upo sa tabi niya. Katatapos lang nilang kumain ng lunch at kasalukuyang nililibang ni Harken ang mga bata sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba't ibang alamat. 

"Matagal na 'ho siyang volunteer dito?" tanong niya. 

Nakangiti itong tumango. "Magsasampung taon na rin magmula noong hinahanap pa niya ang kapatid niya. Ngayong nahanap na niya ay akala namin ay titigil na siya sa pagpunta dito sa ampunan. Pero nandito pa rin siya at tumutulong," pagkukuwento nito.

"Mabuti pong tao si Harken," aniya. Kahit sandali pa lang silang magkasama ay nakikita niyang totoo ito. Na hindi ito katulad ng iba. Na maaari niya itong pagkatiwalaan.

"Oo naman," sagot nito at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "At nararamdaman kong ikaw rin. Alam mo bang ikaw lang ang kaisa-isang taong isinama ni Harken dito? Madalas ka niyang naikukuwento sa amin at masaya kaming nandito ka. Sana ay hindi ito ang huling pagkakataon na pupunta kayo dito."

"Sana nga po," wika niya. Sana nga ay may kasunod pa lahat ng ito. "Masaya rin po akong nandito ngayon. First-time ko po ditong pumunta sa ampunan."

"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may mga tao pa rin na nagagawi dito. Karaniwan kasi sa mga ganitong institusyon ay naiignora na lang dahil mas ito ang nangangailangan kaysa ito ang nakakatulong. Pero kahit mahirap, kinakaya naming bumangon araw-araw para salubungin ang isang panibangong bukas. Ang mga bata ang nagbibigay sa amin ng lakas dahil sila nga na pinabayaan, pinamigay, at inabandona nagagawa pang mangarap at maniwala. Bakit namin ipagdadamot sa kanila ang tiwalang ibinigay nila sa amin?" Huminga ito ng malalim at marahang pinisil ang kaniyang kamay. "Maraming pinagdaanan ang mga bata. May iba sa kanila na inabuso at pinagsamantalahan pero nakakaya pa rin nilang ngumiti. Nagagawa pa rin nilang harapin ang mundo."

Tumingin si Hendell kay sister Mia, at bakas sa mukha nito ang pag asa para sa mga bata. Bigla siyang nagkaroon ng bagong perspective sa buhay. Kung kaya ng mga ito na bumangon pagkatapos ng bagyo, siguro makakaya niya rin na lampasan ang sarili niyang delubyo. 

Sumandal si Hendell sa puno ng Narra at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Masaya siyang nakasama ang mga bata pati na rin sila sister Mia. Iyon nga lang ay sobrang naoverwhelmed siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya nang dahil kay Harken. Aminin niya man o hindi, malaki ang naging impact nito sa buhay niya. Nag iba ang monotonous na buhay niya dahil kada araw na dumadaan, laging may bago dahil rito. Lagi siyang may inaabangan. Sana lang ay palaging ganoon. Paano pala kung wala na ito? Babalik ba siya sa dati?

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," puna ni Harken. Hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit alam niyang nasa kanya ang atensyon nito. 

"Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang ito," Iminuwestra niya ang kamay niya sa harap nito. "Itong ganito. Itong palagi kang nandito para tulungan ako. Hindi ko alam kung kailan 'to matatapos."

Umusog ito papalapit sa kaniya at hinawakan nito ang mga nanginginig niyang kamay. "Sisikapin kong huwag itong matapos. Ang lahat ng ito, ayaw ko ring tapusin."

She frustratedly squeezed his hands. "But what if it'll end? I am not trying to sound ungrateful but what if? Please Harken, may oras ka pa. May pagkakataon ka pa para layuan ako. Please."

Kaya pa niya. Kaya pa niyang kalimutan na minsan sa buhay niya ay may isang lalaking naging bahagi ng buhay niya. Hindi pa naman gaano kalalim ang pinagsamahan nila although she already opened up a bit of herself. But she's sure that she will redeem herself just like the old times. Kung sa sugat, daplis pa lang ang lahat ng ito. 

But Harken never let go of her hand. "I can't. Even if I want to, I can't. I am bewitched by you Hendell and I can't find my way out," he took a deep breath and look at her crying eyes. "Gustong gusto kita. Kung iniisip mong nagbibiro lang ako, sinasabi ko na sa iyo ngayon na hinding hindi. Kakakilala mo pa lang sa akin kaya alam kong wala kang tiwala pero magpapakilala ako. Wala akong itatago."

She just keep on crying. Alam niyang nasa orphanage pa sila pero hindi niya talaga mapigilan. Parang nagpapaligsahan ang mga luha niya sa pagpatak. "You don't mean that," aniya at umiling iling na wari'y ang sarili niya ang kinukumbinsi imbes na si Harken. 

"I mean it. And I will forever mean it. Hendell look at me," wika nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya paharap rito. "Let me like you. Let me pour my heart out liking or maybe in time, loving you. I am sure I'll get there."

"Bakit ako? Bakit sa akin pa? Madaming iba diyan na babagay sa iyo. Hindi mo ba nakikita? Halos tawagin na akong baliw ng mga tao dahil ganito ako. Tell me, do you still want me? Kaya mo bang mabuhay kasama ang isang tulad ko?" tanong niya. 

Nakita niyang parang naiiyak na rin ito. She saw different emotions in his eyes and she's scared to name all of them. "You are wonderful. Ano bang ginawa ng mundo para hindi mo iyon makita? Do you know what I am thinking right now? That I wish I was there. Sana nandoon ako noong mga panahong nagsisimula ka pa lang matakot. O sana may isang tao man lang na nagligtas sayo habang wala ako. Hendell, hindi ka na nag iisa ngayon. Andito na ako."

Lalong lumakas ang pag iyak niya. Sobrang nakakapanibago ang pakiramdam na iyon sa kaniyang sistema. She was alone all her life, then all of a sudden may isang taong dumating para samahan siya. It is too good to be true at hindi niya maiwasang isipin na babawiin rin sa kaniya lahat ng ito.

"I am not forcing you, but please consider taking risks with me," he said. 

   

Gulong gulo ang isip ni Hendell magmula noong isang linggo na sumama siya kay Harken sa bahay ampunan, pati na rin sa biglaang pag amin nito sa kaniya ng nararamdaman. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak niya ang lahat. Gusto niyang sumubok dahil gusto niya si Harken, oo aaminin na niya. Hindi ito mahirap na magustuhan dahil napakabuti nitong tao. Iyon nga lang ay marami siyang tanong at pag aalinlangan. Ngunit katulad ng sinabi nito, take a risk with him. Kung tataya ba siya, magiging worth it kaya sa dulo?

Napasambunot siya at napadukmo na lang sa lamesa. She never thought that this day would come to her. Wala siyang experience sa mga ganitong bagay at never pa siyang na-involve kahit kanino romantically. Kaya ngayon ay para siyang kiti-kiti na hindi mapakali. And as usual, isang tao lang ang napaglalabasan niya ng mga ganitong sentimiyento.

"Syria," she called her internet best friend again. Wala na talaga siyang choice, kailangan niya ng makakausap dahil kung hindi ay baka sumabog na siya. 

A static sound welcomed her pero agad 'yong nawala. "Hey! Anong atin?" masiglang sagot nito. 

Hendell sighed. "I need your magical words again," she said. "I think I am in love with him."

Inilayo niya ang telepono dahil sa narinig niyang pagtili nito ng sobrang lakas. Kunot-noong ibinalik niya ang telepono sa kaniyang tenga. "Tao ka na Hendell!" sigaw nito at muling tumili.

"I am serious here. I think I have feelings, you know?" she barely spits out the sentence. Her hands are trembling and she is panting heavily. Nangyayari iyon kapag nakaramdam siya ng napakatinding emosyon. Dahil hindi niya naman madalas makaramdam ng ganoon, ay hindi niya alam ang madaling paraan para humupa iyon. 

"Love is a wonderful feeling, friend. Bakit hindi mo subukan? In love ka naman kamo?" anito.

"I am not in love. May nararamdaman lang ako sa kaniya na hindi ko pa naramdaman dati. Palagi ko siyang iniisip tapos masaya ako kapag nakikita ko siya." salaysay niya. 

"Sa love na papunta 'yan. Ano pang hinihintay mo? Sunggaban mo na," panghihikayat ni Syria.

"Pero paano si Monica?" Bigla siyang nawalan ng pag-asa. Oo nga pala, hindi niya dapat kalimutan ang pinapagawa nito sa kaniya. 

"Iyon ba 'yong babaeng nagpagawa ng love letter sa'yo? Hay nako! Hayaan mo na 'yon. Hindi na nga nagawi diyan, 'diba? Baka inabduct na 'yon ng mga alien. Kaya kung ako sa iyo, kahit ngayon lang, magpaka selfish ka. The guy confessed, I think you should too. Mahirap mabuhay nang mayroon kang what-ifs at too lates. Kaya go na, friend. Support kita," wika nito na parang mahikang nagpalakas ng loob niya. Tama ito. Walang mangyayari kung palagi siyang maghohold back. At wala ring mangyayari kung magmumukmok lang siya sa isang tabi. 

Right. She should confess. 

Mabilis na nagpaalam siya kay Syria at ibinaba ang telepono. Huminga muna siya nang malalim at pumikit ng ilang segundo at nagbilang hanggang sampu. Pagpatak ng siyam ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya ng malalim bago sambitin ang panghuling bilang. 

"Sampu."

Hindi na siya nag abalang mag ayos pa. Tinali niya lang ang kaniyang mahabang buhok at tinupi ang manggas ng kaniyang long sleeves shirt. This can't wait anymore. She needs to see Harken or else babalik na naman siya sa umpisa. Aaminin na niya sa binata ang kaniyang nadarama. 

Napahinto siya nang makitang papunta ito sa direksyon niya. Nang magtama ang kanilang mata ay mas lalo niyang napatunayan sa sarili na ayaw niyang mawala si Harken sa buhay niya. Kung kinakailangan na labanan niya ang takot niya para hindi na ito mawala, hindi siya magdadalawang isip na isantabi ang takot. She's more afraid of waking up one day, without any trace of him. Without telling him that she likes him too. 

Magsasalita na sana ito nang sinenyasan niya itong tumahimik. Tumalima naman ang huli. "Huwag ka munang magsalita. Ako muna," she said with a trembling voice. It is now or never.

'Kaya mo 'to Hendell!' she mentally cheered herself.

"I- I like you, Harken!" Her tears fell. "I like you so much."

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status