Share

CHAPTER TEN

My dearest Harken,

I hope you will take the time to read this letter until the very end. I don't have the courage to introduce myself to you. Not yet. I am still gathering some courage and I hope you are interested to know who I am…

Mariing binura ni Hendell ang itinipa niyang sulat para kay Harken. Napakamot siya ng ulo habang pinagmamasdan ang nakasabit na kalendaryo. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng oras kahit wala namang ibinigay na palugit si Monica kung kailan niya dapat tapusin ang pinapagawa nitong love letter. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa rin na magmadali. Baka isang araw ay biglang sumulpot si Monica at bulyawan siya kapag nalaman nitong wala pa siyang nagagawa kahit dalawang paragraph.

Eh kasi naman! Ang hirap talaga ng ipinapagawa nito. Oo nga't nakasama niya si Harken sa mall at sa cliff noong nakaraang araw, but that doesn't mean na magkakaroon na kaagad siya ng idea kung paano gawing makatotohanan ang love letter.

 'Cause love is complicated! And so does love letters!' sigaw ng isip niya. 

Napasandal na lang siya at hinayaan ang sariling tumitig sa kaniyang computer screen. Tutal ay nabablanko siya ngayon, lulubus lubusin niya na lang ang kaniyang kalutangan. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyaring 'date' sa pagitan nila ni Harken. She had never been into dates before. Wala rin namang nagyaya sa isang weirdo na katulad niya, kaya sobrang bago sa kaniya ang nangyari kahit sabihin pang friendly date lang iyon. 

Hindi siya assuming at lalong hindi siya nakakalimot sa kaniyang misyon. Iyon nga lang ay hindi niya maiwasang mag isip ng posibilidad na malinis ang intensiyon sa kaniya ni Harken. Natatakot na talaga siyang magtiwala pero pagdating kay Harken, parang gusto niya ulit sumubok. Sadyang takot lang ang pumipigil sa kaniya. 

"Sino naman kaya ang nagtapon ng b****a rito?" mahinang bulong niya sa sarili nang mamataan ang isang plastic ng b****a sa gilid ng bahay niya.

"Ako, bakit? May reklamo ka?" ani Marcio na nakatayo malapit sa kaniyang bakuran. Wala namang bago rito bukod na lang sa t-shirt nitong hindi itim. Himalang nagsuot ito ng kulay baby blue polo shirt. Iyon nga lang, napapaligiran parin ng kadiliman ang aura nito. 

 

"Bakit?" tanong niya kahit alam niya naman ang dahilan. Wala itong concern sa nature at gagawin lagi  nito ang gusto nitong gawin.

"Pinapatapon ni ermat 'yang mga b****a na 'yan sa akin. Naisip kong malungkot ang isang b****a kung wala siyang kasamang isang b****a kaya sasabay ang b****a namin sa mga b****a mo. In short, ikaw ang magtatapon ng b****a," nakahalukipkip na sagot nito at ngumisi na parang isang greatest idea na makakatulong sa mankind ang sinabi nito.

"Okay," sagot na lang niya. Ayaw niyang kumontra at tulad nga ng sinabi niya, ayaw niya ng kaaway. Kuntento na siya sa tahimik niyang buhay. 

"Hindi ka man lang pumalag? What a boring human," nanunuyang wika nito. 

Pinilit niya na lang ngumiti kahit naapektuhan siya sa narinig. "Ayos lang naman sa akin na ako ang magtapon ng b****a niyo," aniya. "But you should've asked nicely."

Tumawa ito ng pagak na parang hindi makapaniwala. "Ako?" sagot nito sabay turo sa sarili. "You think this kind of guy will ask nicely? Naalog yata ang utak mo ineng?"

Hindi na siya sumagot pa. Tahimik na dinampot niya na lang ang plastic ng b****a at inilagay ito sa trash can. Maya maya rin lang ay dadaan sa kalye nila ang garbage collector kaya hindi siya ganoon ka apektado na isabay ang pagtapon nito ng b****a. At saka kahit papaano ay maayos naman ang pagkakalagay ng b****a nito sa itim na plastic. Iyon na lang ang nakikita niyang konsolasyon.

Habang papauwi si Hendell mula sa pamamalengke ay nakasalubong niya si Harken na mukhang magjojogging. Hindi niya mapigilang mapatingin sa katawan nito. Nakasuot ito ng itim na sport Sando, itim ring running shorts, at puting sneakers. He looks very cool and she can't help but admire the guy in front of her. 

Nang makita siya nito ay maaliwalas at malapad itong ngumiti sa kaniya. "Good morning Hendell! Namalengke ka pala? Yayain mo naman ako next time," sabi nito. 

Nahihiya siyang napakamot sa kanyang batok. "Ah oo. Si- sige, walang problema."

"Anong ulam ang lulutuin mo?" kuryosong tanong nito at sinipat ang plastic bag na dala niya. 

"Adobo lang naman. Matagal na kasi akong hindi nakakakain 'non," maikling pagkukuwento niya. Napansin niyang parang may gusto itong sabihin kaya inunahan niya na. "May gusto kang sabihin?"

Nakita niyang namula ito at nahihiyang tumikhim para itago ang kaba nito. "Aalis kasi si tita Sabel. Dalawang araw yata siya sa Tagaytay dahil may dadaluhan siyang kasal doon. Si Marcio naman eh, alam mo namang lagalag 'yon at hindi mapirmi sa bahay. Ano kasi eh,"

She giggled. "Gusto mong sa bahay ka muna kumain habang wala sila?" pagtatapos niya sa gusto nitong sabihin. 

"Parang ganoon na nga. Iyon ay kung ayos lang sa'yo. Marunong naman ako magluto, kaya lang alam mo 'yon? Malungkot kumain nang mag isa."

Tama ito. Sa hinaba haba ng taon na kumakain siya nang mag isa, ngayon niya lang naisip na talagang malungkot nga. She didn't really mind eating alone until Harken said that it is. And it is indeed true. 

Tumango tango siya bilang pagsang-ayon. "Oo naman. Doon ka na kumain sa bahay habang wala pa si Mrs. Palmeras," nakangiting sagot niya.

Bakas sa mukha nito ang tuwa sa narinig. And God, he is getting more attractive because of that. She might be crazy but she found herself staring at his perfection. Kung totoong walang perpekto, bakit nag exist ang isang taong katulad ni Harken sa mundong ito? He is too good to be true!

"Thank you Hendell! Don't worry, sagot ko na ang dessert. At kung gusto mo, ako na lang palagi ang magluluto," alok nito. 

"Nakakahiya naman sa iyo. Marunong naman ako kahit paaano, hindi nga lang kasing perpekto ng luto mo," aniya. Lately lang siyang natuto magluto. Nagkaroon kasi ng pagkakataon na nagkasakit siya sa palagiang pagkain ng instant foods kaya napilitan siyang itigil iyon kahit gaano man ito ka-convinient para sa kaniya. Mabuti na lang at naimbento ang teknolohiya at natuto siya sa tulong ng panunuod niya ng mga cooking tutorials sa internet. So far, maayos na siyang nakakapagluto kahit walang guide ng tutorials dahil madali lang para sa kaniya ang kabisaduhin ang mga recipe at ingredients ng mga paborito niyang putahe. 

"Hindi naman perpekto ang luto ko. Ilang ulit rin akong nagkamali bago ko maachieve 'yong tamang lasa ng mga pagkaing niluluto ko."

Napatingin siya sa kaniyang wrist-watch at nakita niyang matagal na yata silang magkausap si Harken sa daan. Isa pa, magjojogging pa ito. "Harken baka gusto mo nang ituloy ang pagjojogging mo? Malapit na kasing umakyat ang araw at nakakasunog 'yon sa balat. Magkita na lang tayo sa bahay mamaya."

"Oh shoot! Oo nga pala," anito nang marealize na kanina pa sila nagdadaldalan sa kalsada. "Pasensiya na. Sige, kita na lang tayo mamaya sa bahay… mo."

Nangingiting umiling siya at tumalikod na. Ayaw niyang ipakita rito ang pamumula ng mukha niya. 

Kalmado at payapang inihanda ni Hendell ang lamesa. Mag aalas dose na at siguradong parating na si Harken. Hindi niya maiwasang ngumiti. She never felt so alive, ngayon lang. Ilang taon rin na naging monotonous ang routine ng kaniyang buhay o kung buhay pa ba na matatawag iyon. Ngayon lang siya na excite sa tanang buhay niya. At dahil iyon sa isang lalaking nakilala niya lang nitong mga nakaraang araw. 

"Stop following me kuya!"

Napatingin siya sa pintuan nang makitang naroon si Harken kasama si Marcio. Napakunot ang noo niya nang lapitan niya ang mga ito. 

"Huwag mo akong tawaging kuya. Anong akala mo sa akin? Uugod ugod?" paghihimutok ni Marcio na halatang napipikon na sa kapatid. 

"Fine. Just go away for a while. Akala ko ba may gig ka?" tanong ni Harken. 

Ngumisi naman ito at napatingin sa kaniya. "Aba naman brother, mukhang gusto mong makapagsolo kayo nitong si H ah. 'Yong totoo? Tayo tayo lang naman ang nandito, kayo na ba?" malisyosong tanong nito at binunggo bunggo ang balikat ni Harken. 

Kahit wala siyang iniinom ay pakiramdam niya ay nasamid siya dahil sa narinig. Silang dalawa ni Harken, magiging magkasintahan? Parang imposible naman yata 'non. Not that she's underestimating herself, pero ang mga tipo ni Harken ay masiyadong kumplikado. Iyon bang ang mga babaeng babagay rito ay katulad nitong successful na sa buhay, matalino, at confident sa maraming bagay. Okay, now she is underestimating herself. Aware siyang hindi sila bagay. At saka kawawa naman ito kung sa kaniya lang mapupunta. Ang dami pa niyang unresolved issue at hindi niya alam kung mareresolba pa ba niya iyon o dadalhin niya ang mga iyon habang buhay. 

"Ano naman sa iyo? The last time I've checked, wala ka namang pakiaalam sa mga bagay bagay. Pero bakit ka nandito?" dudang tanong ni Harken. 

But Marcio is always Marcio. Nauna itong pumasok ng bahay niya at prenteng umupo sa upuan. "I want to ruin your day that's why I'm here. H, pakidagdagan ng isa pang plato rito at nagugutom na ako," utos nito sa kaniya. Saglit niya pang tiningnan si Harken na masama ang tingin kay Marcio bago niya sinunod ang utos nitong kumuha ng isa pang plato. 

Naramdaman niyang pumasok na rin si Harken at tinulungan siyang kunin ang ilang gamit. "Pasensiya ka na ha? Hindi ko alam na aatakihin siya ng topak niya ngayon. Ang akala ko kasi ay kila Alejandro siya muna habang wala si tita Sabel."

"Okay lang. Wala namang problema iyon. At saka, para namang hindi natin kilala 'yang si Marcio," aniya at kumuha ng isang pitsel ng tubig sa fridge. 

Naging payapa naman kahit papaano ang kanilang tanghalian dahil siguro sa mahabang pasensiya ni Harken sa kapatid nito. Natawa na lang siya. They are so adorable. Naisip niya, ano kayang feeling na may kapatid? She is an only child so she has no idea how it feels to have a sibling fight, to have a healthy competition, to annoy a sibling in the sweetest way. Ang sarap siguro sa pakiramdam 'non.

Dahil nakikain ang dalawa ay ang mga ito ang naghugas ng pinagkainan. Todo reklamo si Marcio ngunit may kung ano yatang mahika si Harken at napapayag niya ito. Hindi niya inakalang kahit sandali ay magiging ganoon ka ingay ang bahay niya. 'Yon bang buhay na buhay at maaliwalas. 

"Salamat sa paghugas niyo ng pinggan. Hindi na sana kayo nag abala pa dahil bisita ko kayo," aniya. Nahihiya man siya, mas lumalamang parin ang pagiging grateful niya sa ginawa ng mga ito. 

"Oo nga naman. Bisita kami dito pero nag epal 'tong isa," pabulong na komento ni Marcio na mukhang hindi naman pabulong. Sinadya nitong iparinig sa kanila ang nasa isip nito. 

"May manners ako kuya. Si Hendell na nga ang nagluto tapos tayo walang gagawin." sagot nito sa patutsada ni Marcio. 

"Sinasabi mo bang wala akong manners?" naiiritang tanong nito. 

Ngumiti si Harken at uminom ng tubig bago sumagot. "Parang ganoon na nga."

Bigla namang nagdilim ang mukha ni Marcio at walang sabi sabing tinalikuran sila at lumabas ng bahay. Naiiling lang na natawa si Harken sa inasta ng nakakatandang kapatid. 

"Pasensiya ka na ulit kay Marcio. Baka talagang totoo 'yong chismis na kinulang siya ng buwan sa tiyan ni tita Sabel," biro nito. 

She went to the kitchen to get some dessert. Isang chocolate cake ang dinala ni Harken at iyon ang lalantakan nila. Pagbalik niya sa sala ay muntik niya nang mabitawan ang hawak niyang platito at tinidor nang makitang hawak hawak ni Harken ang scratch paper na pinagsulatan niya ng draft ng love letter para dito. 

Seryosong napatingin sa kaniya si Harken at nagtanong. "Ano 'to?"

Nanuyo ang lalamunan niya at nagsimulang manginig ang kaniyang buong katawan. Bago pa siya makasalita ay biglang nagbukas ang pintuan;

"I'm back again to ruin the moment," deklara ni Marcio at tumawa ng malakas. Nakuha nito ang atensiyon ni Harken kaya mabilis niyang nahablot ang papel.

Saved by the hell- este bell. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status