Share

CHAPTER NINE

We arrive at the mall after about one hour of driving. 'I missed the mall.'  My first thought when we arrived. It's been a long time since I stepped into this big and wide mall near San Madrid, which is the town where you can find Route 88. I honestly like to hang out with myself in the mall but lately, my money is hindering me from doing so. My salary is just fine to secure my primary bills like electricity, water, groceries, and a wifi subscription. Only when I have spare money, I go to the mall to breathe.

Honestly speaking, based on my own perspective, introverts like me really love to be in a place without anyone with them but will need someone when it involves and needed to talk to other people on our behalf. It's like having a representative to talk about things that we cannot say alone. But in the end, I am still alone and I need to speak or else I will be in trouble for not asking. Kahit hirap na hirap ako ay sinisikap kong labanan ang malakas na tibok ng puso ko kapag nasa alanganing situwasyon na ako. Sometimes I managed but half of the time I really sounded stupid. 

I look up at Harken. His aura is the exact opposite of my aura. I am gloomy and he is like sunny. And I don't know how this friendship will gonna work out. I doubt it. Really. Pakiramdam ko pinipilit lang namin na gustuhin ang isa't isa. Kasi kung titingnan, malayong malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. He is already an accomplished bachelor while me, still having a hard time asking for an extra soup in the restaurant. At sa tingin ko ay wala kaming common interest. Magkaiba 'yong personality naming dalawa. 

 "Ano kayang magandang gawin ngayon?" tanong ni Harken ngunit hindi para sa akin 'yon. Parang tinatanong niya ang sarili niya. Dahil wala naman akong maisasagot, hinayaan ko na lang siyang mag isip. Inilibot ko na lang ang tingin ko. There's a lot of different individuals displaying their best personality inside the mall. Hindi ko alam pero sa mall ako minsan kumukuha ng mga characters na isinusulat ko sa aking mga nobela. Marami kasing pagpipilian at saka hindi naman nila malalaman 'yon. It's not like I am using their names or what. I just used them as a reference to be more realistic.

"Gutom ka na ba Hendell?" rinig kong tanong ni Harken. This time the question is for me. 

Mabagal akong umiling. "Hindi pa. Kakakain lang natin ng lunch eh."

Tumango tango siya at muling inilibot ang tingin na wari'y nag iisip. "Eh movie? Do you watch movies?"

"Sometimes. Pero hindi ako mahilig manuod."

In the end, he brought me to the arcade and we played different kinds of games. At first, I was kind of hesitant to play but his encouragement really helped me to somehow loosen up a bit. Though I failed to match his energy, but all in all I really had a great time. It is so overwhelming that it feels like I have knots on my belly. I feel nauseous however things will get ruined if I will go to the bathroom and tell him that I am not feeling well. Ayokong mag alala siya sa akin at ayaw kong sirain ang lakad namin. 

"Okay ka lang? Namumutla ka," nag aalalang sabi ni Harken na hindi ko napansing nakatingin pala sa akin.

"Ayos lang ako," pagdadahilan ko. 

Hinawakan niya ang braso ko at marahang hinila ako paharap sa kaniya. He still have a worry in his eyes. "No, you're not. Anong nararamdaman mo?"

"Maybe I have anxiety attacks again. Puwede ba munang maupo tayo?" sabi ko habang sapo sapo ang tiyan ko.

"Sure."

Dinala niya ako sa isang coffee shop. Somehow the smell of the coffee calmed my nerves. Nawala na ang nararamdaman ko na parang masusuka. Pero nanginginig parin ang kamay ko. Napapitlag ako nang hawakan ni Harken ang dalawa kong kamay at mariing pinisil. Gusto ko itong bawiin mula sa kaniya ngunit hindi niya hinayaang mangyari 'yon. He's still holding my hand like it was normal for him to do it. Strangely, my hand stopped trembling. 

Tumikhim ako. "Umm… 'Yong kamay ko," sabi ko matapos ang ilang minuto. Habang tumatagal ang pagkakahawak ng kamay namin ay nagkakaroon ng ideya sa isip ko. At hindi magandang senyales iyon.

Mabilis naman siyang bumitaw. "Oh, I am sorry." saka niya binitawan ang kamay ko. All of a sudden, my hand felt empty. I shook my head to dismiss the thought out of my head. 

Ibinaling ko na lang ang pansin ko sa paligid ng coffee shop. Medyo matagal na akong hindi nakakapasok sa mga public establishments kaya nakakapanibago. Parang tuwing nagpupunta ako ay marami kaagad nababago. 

"Ayos ka na ba?" tanong ni Harken nang mapansin ang matagal na pananahimik ko. 

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Harken. Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya ngunit dapat ba niyang maramdaman iyon sa akin? Dapat ba akong maniwala? 

Mahina akong tumikhim. "Okay na ako. Pasensiya pala sa abala," sagot ko at dinampot ang isang tasa ng kape at sinimulan kong inumin iyon. Napansin kong nagiging maayos na ang pakiramdam ko. 

"Wala 'yon. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa iyo dahil masiyado kang napagod sa paglalaro kanina," anito at itinaas ang dala nitong pulang paper bag. Kinuha nito mula roon ang isang puting teddy bear na may pulang laso sa leeg. Ito 'yong teddy bear na napalanunan namin kanina sa claw machine. 

Nanlaki ang mata ko nang iabot niya ito sa akin. "A-anong?"

Ngumiti ng malapad si Harken at pilit na inaabot sa akin ang teddy bear. "Para sa'yo. Napansin ko kasi kanina na tinititigan mo 'yan. At saka hindi ko naman 'yan magagamit," ngumisi ito. "Lalo na ni Marcio."

Hindi ko na mapigilang ngumiti. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nakaramdam ng ibat-ibang emosyon habang kasama ko si Harken. This is new to me. Everything is new to me. At kailangan ko munang bantayan ang mga susunod pang pagbabago na may kinalaman kay Harken. Inaamin kong natatakot pa ulit akong magtiwala ngunit siguro, kaya ko naman buksan kahit papaano ang puso ko para magtiwala ulit. Para masanay ulit ako kung paano maging normal. 

Pagkatapos 'non ay naglibot pa kami kung saan saan. Pinasukan namin lahat ng arcade at kumain sa mga fast food restaurant. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa ginagawang pag libre sa akin ni Harken. Kapag binabayaran ko siya ay agad siyang tumatanggi at kapag ipinilit ko raw ay magtatampo siya. Sa huli ay hindi ko na lang ipinilit. 

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko kay Harken. Nasa isang cliff kami at nakikita ko ang buong syudad ng San Madrid sa puwesto namin. Mag aalas-syete na ng gabi. Akala ko ay uuwi na kami pero sabi ni Harken ay may isang lugar pa kaming pupuntahan. Nagpatianod na lang ako dahil hindi ko pa rin gustong umuwi. Parang ayaw ko munang matapos ang araw. Sa Route 88 ako ipinanganak at lumaki pero ni minsan ay hindi pa ako nagagawi sa parteng ito ng San Madrid. Nakakagulat na alam kaagad ito ni Harken kahit kararating niya lang rito at hindi pa siya gaanong pamilyar sa buong lugar.

Nginitian niya muna ako bago inalalayang umupo sa hood ng kaniyang sasakyan. "Si Marcio ang nagdala sa akin rito. Noong nalaman kasi ni Tita Sabel na anak ako ng tatay ko, nagalit kaagad siya at halos kumuha na ng itak para paalisin ako. So, habang hindi pa 'non kumakalma si Tita Sabel, dito muna ako iniwan ni Marcio. Siya na lang daw ang kakausap sa mama niya," pagkukuwento nito.

"Alam mo? Bago ako pumunta rito sa San Madrid, inihanda ko na ang sarili ko sa mga dapat kong asahan. Alam ko na hindi nila ako basta basta matatanggap dahil malaki ang galit nila kay daddy but I took the risk. Kailangan ko kasing dalhin si Marcio kay daddy," pagpapatuloy ni Harken sa kaniyang kuwento. 

Humarap ako kay Harken habang siya naman ay nakatingin sa mga bituin sa langit. "Bakit kailangan mo siyang dalhin sa daddy mo?" kuryosong tanong ko. 

Huminga ito ng malalim, hindi pa rin inaalis ang tingin sa langit. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ngunit nakita kong may bahid ng lungkot sa mga mata ni Harken. "He loves Marcio more than he loves me," maikling sagot nito. 

Lumipas ang ilang minutong katahimikan. Lakas ng hangin at kuliglig lang ang maririnig. Hindi ko alam ang sasabihin kaya mas pinili ko na lang na hindi magsalita. I feel like I am not in the position to say something because I am not sure if my words will cooperate with the situation. Ayaw ko naman na magbitaw ng isang salita na maaaring makaoffend kay Harken.

Isa pa, nakakapanibago ang Harken na nasa harapan ko. Parang hindi siya ang Harken na kasama ko kanina sa mall na masayahin at palangiti. Nasa langit parin ang tingin nito. I wonder what is in his mind right now. 

"I am the legitimate son pero hindi ko 'yon maramdaman," he stopped. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Anyway, nag enjoy ka ba sa mini-date natin?"

Nanlaki ang mata ko. "Date?"

"Well," Napakamot ito sa kaniyang kilay at nahihiyang ngumiti. "Sa akin oo. Pero depende sa iyo kung anong tingin mo."

Date nga ba 'to? Marami namang uri ng date eh. Tama, isa itong friendly date para sa kaniya kaya ganoon din ang iisipin ko. Ayaw ko naman na mag assume ng kung ano. 

"It is a date then. Friendly date," sagot ko at ngumiti din. Gusto ko rin na suklian kahit papaano ang ginawa niyang kabutihan ngayong araw. May motibo man siya o wala. 

"Masaya akong nakilala kita Hendell. Alam kong napakaaga pa para sabihin ito pero sana habang buhay kang maging parte ng buhay ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita," mahinang wika ni Harken. 

My heart almost explode when Harken said those words to me. Hindi ko napigilang mapaluha. Naalarma naman kaagad si Harken pero sinenyasan ko siyang ayos lang ako. Niyakap niya na lang ako at nakapagtataka sa sarili ko na hindi ko siya magawang itulak palayo. His hug felt so right. And I wouldn't want to remove his arms on mine. 

"Let's go home?" aniya at inalalayan ako pababa. 

"Yes. Thank you for today Harken. I really appreciate your efforts," I said. I mean what I've said. Hindi araw araw makakatagpo ako ng tao na magagawang palabasin ako sa bahay. Hindi rin araw araw makakahanap ako ng dahilan para maging masaya kahit saglit lang. Today is really memorable and I will treasure it forever. 

Napansin kong natahimik si Harken kaya tinignan ko siya. Napatawa ako nang makitang pinapaypayan niya ang kaniyang mukha dahil namumula siya. Did I made him blush? O baka naman sumama ang pakiramdam niya?

"Hey, are you okay?" nanantyang tanong ko nang lalong pumula ang kaniyang mukha.

"I am okay. Thank you for asking and you're welcome. Grabe ka Hendell," anito at pinagbuksan ako ng pinto ng kaniyang kotse.

"Grabe ako? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"You made this guy blushed," anito sabay turo sa sarili pagkatapos ay inalalayan ako papasok. Now it's my turn to blush. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status