Share

CHAPTER 20

TULALA ako kinabukasan nang magising at wala ng ni anino ni Silas sa tabi ko. Marahan akong kumurap-kurap habang dinadama ang kanyang puwestong wala ng gusot, ibig sabihin lamang ay umalis na talaga siya. Sa ilang buwan pa lamang naming magkasama ay may napapansin na akong bagay sa kanya.

Una na roon ang pagiging malinis niya sa kama. Bago pa man siya makalabas ng kuwarto ay kailangang hindi gusot ang sapin o ang comforter, ang unan ay nasa tamang lagyanan at hindi rin gusot. Una niyang ginagawa sa umaga ay magsipilyo bago maghilamos at saka pa bababa para ipagluto ako ng agahan at iaakyat dito. His reason? Ayaw niyang mapagod ako dahil mabigat na ang kambal.

"Ang suwerte ng babaeng mamahalin mo siguro 'no?" Tanong ko habang inaabot ang kanyang unan saka iyon niyakap. Napapikit ako nang manuot sa aking ilong ang kanyang panlalaking amoy. "Kasi kahit madalas kang masungit, sweet ka pa rin at maalaga. Malinis din hindi lang sa labas na pangangatawan pati rin sa kuwarto, plus points iy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status