Share

CHAPTER 21

"I'M SORRY..." Aniya nang magmulat ng mga mata. "I didn't mean to—" he shook his head "I meant to call you by her name because I am seeing her in you..." Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi ngunit nakikitian ng kakaibang emosyon ang kanyang kulay asul na mga mata.

Lungkot, pagkamiss, pananabik at matinding pagmamahal.

Bumitaw siya mula sa hawak sa likod ng aking ulo at unti-unting humakbang paatras, hindi na makikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha. Lalong-lalo na ang kanyang mga mata. Madilim na ito ngayon.

Umatras din ako at walang salitang tumungo sa rocking chair na gawa sa rattan na siyang nakaharap sa malawak na magandang tanawin, itinuon ko ang aking paningin sa karagatan. Ang daming mga salitang tumatakbo sa aking isipan, pagtatalo, pagsisisi at simpatya sa sarili. Daghan-dahan akong humugot ng hininga at tulalang nakatanaw sa kulay asul na dagat. Inaasahan ko bang magkukwento siya? Hindi. Istorya niya iyon, pinagdaanan niya iyon kaya wala akong karapatang magdemand
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status