*SIX YEARS LATER*ANIM na taon na ang nakalipas simula ng umalis ng Pilipinas si Xandra kasama ang anak na ni Xander at ang kaniyang ina na si Xyra. Anim na taon na ‘rin sila sa new york at doon na namumuhay lalo pa’t andoon ang kanilang mga negosyo.Negosyo na nagawang palaguin ni Xandra sa nakalipas na mga taon. Hindi nalang properties ang mayroon sila dahil ginawa iyong negosyo ni Xandra at pinarerenatah niya ito sa mga gustong mag book.A(i)rbnb kung tawagin. A(i)rbnb, Inc. is an American company operating an online marketplace for short- and long-term homestays and experiences. Jan na inspired si Xandra hanggang sa siya na mismo ang magtayo ng sarili niyang kumpanya na ganoon ang ginagawa.Sa ngayon ay nag-eexport na sila ng mga properties sa ibat ibang bansa at patuloy na lumalago ang kaniyang negosyo. Hindi lang ‘yun, malaki ang posibilidad na makapagpatayo na siya ng sariling hotel kapag nagpatuloy ang takbo ng negosyo niya sa loob ng isang taon.Hindi nalang for rentals na hi
Nasa New York kasi ngayon si Alexander at Axel para sa one-week business trip nito doon para sa kaniyang negosyo. Kadarating lang nila sa airport ng maisipan ni Axel na maglaro dahil bored siya at mahaba ang kanilang naging byahe. Hindi kasi sila nakapag private jet at iyon ang unang beses niyang bumaba sa public airport kung kaya enjoy na enjoy siya sa paligid. At doon na nga sila nagkapalit ng kambal niyang si Xander. Katulad niya ay nagtataka ‘rin si Xander kung sino ang Axel na tinutukoy ng lalaki sa kaniya at kung bakit kamuka niya ito. Natatandaan niya na sabi ng kaniyang ina na wala na ang kaniyang ama at hindi na babalik pa. Sa tuwing magtatanong siya dito ay iyon palagi ang sinasabi nito at iniiba ang usapan kaya alam niyang sensitive ang topic na iyon. Dahil ayaw niya ‘rin naman ma-at ease ang ina ay hinayaan nalang niya ito. Ngunit ngayon tingin niya ang daddy niya ang kasama niya ngayon lalo pa at kamukang kamuka niya ito. Nang makarating sila sa condo unit na tinuluya
KADARATING lang ni Xandra at Axel sa kanilang tinutuluyang hotel ngunit kahit ganon ay busy na agad si Xandra sa kaniyang telepono lalo na at katanghaliang tapat ngayon sa Hawaii. Napapakunot nalang ang noo ni Axel dahil doon, hindi nagkakalayo ang ugali ng mommy niya at kaniyang daddy.Palagi itong busy, kung hindi sa cellphone sa kumpanya. Kaya nga lagi siya nitong kasama lalo na ayaw naman niya maiwan sa bahay. Ang kapatid naman niya kasing si Tanya ay madalas sa bahay ng kaniyang lola, ang ina ng kaniyang daddy.Hanggang sa inabot na ng dalawang oras ang paghihintay niya sa ina. Kahit kumakain sila mula sa inorder nitong pagkain sa hotel ay busy pa ‘rin ito sa kaniyang laptop. Hindi niya alam kung paano iyon na-hahandle ng kambal niya pero kung siya tatanungin baka hinack na niya ang laptop nito para matuon lang sa kaniya ang atensyon nito.Yes, marunong siyang mang hack dahil na ‘rin wala siyang ibang ginagawa kundi ang mag ipad or cellphone iyon nalang pinagkaabalahan niya. Alam
“GRANDMA?” kunot noo niyang tanong. Hindi niya alam na may lola pa siya sa side ng ina. “Yes.” Natatawang sabi ni Xandra. “Nakakapagtaka ka na anak ha, ang dami mong hindi maalala. Anyways, sabi ng grandma mo ibili mo ‘daw siya nung sinabi niya sa’yo. Diko alam kung ano kasi ayaw sabihin sakin, may tinatago kayo sakin ah! Ano ‘yun?” Napangiti nalang ng alanganin si Axel at hindi nagsalita dahil hindi naman niya alam kung ano ang tinutukoy ng grandma niya. Excited na tuloy siyang makilala ito, ngunit ang tanong ay makikilala pa kaya niya ito? Sabagay matagal pa naman iyon kaya ang mahalga ngayon ay may makuha siyang information mula sa ina. “Mommy, can you tell me about you and grandma?” Alam ni Axel na magtataka ang ina sa tanong niya pero wala siyang magagawa dahil gusto niyang malaman ang tungkol sa kanila. Isa pa pwede naman siyang magdahilan na hindi niya maalala e. “Huh? Out of the blue? Siguro gusto mo nanaman marinig ang kwento ko tungkol sa nagkita kami ni mommy ulit noh?
“Ahh I heard it form you when your sleeping,” napakuyom siya ng kamao at napapikit kasabay ng pananalangin niya na sana maniwala ang ina.Naalala niya kasi ang ama, palagi nitong binabanggit ang pangalang Xandra which is ang mommy niya.Samantalang si Xandra naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ng anak. Hindi malabong mabanggit niya nga ang kambal nito dahil nananaginip siya lagi tungkol sa anak. Syempre iniwan niya ang anak sa puder ng daddy nito at miss na miss na niya ito.“I’m sorry anak,”Napadilat si Axel ng marinig iyon mula sa ina pagkatapos ay tumingin siya dito. Kita niya ang pagtulo ng luha ng kaniyang ina bago nagsalita.“Y-yes, mayroon kang kambal. Sa totoo lang tatlo kayo, triplets kayo ng inilabas ko.” nakangiting sabi ni Xandra habang may lungkot sa ngiting iyon.“T-triplets?”“Yes, anak. Pero sa kasamaang palad namatvy ang bunso niyong kapatid na babae, ang munting anghel ko…” agad na pinunasan ni Xandra ang luha niya at nagpatuloy sa pag kukwento.“Noong nanganak ak
GABI na at nakasimangot si Xander sa kanilang kwarto ng ama dahil kanina pa niya ito inaantay. Halos hindi na nga sila nagkausap ng ama simula ng dumating sila dahil naging busy na ito at palaging kausap ang tito Liam niya.Isama mo pa na kung hindi ang tito Liam niya ang kasama nito ang cellphone o laptop naman ang kaharap. Kapag hindi siya nakapagtimpi baka sirain niya ang laptop nito. Maiksi pa naman ang pasensya ni Xander, alam iyon ng kaniyang ina kaya lagi nitong sinisigurado na may oras ito sa kaniya.Naisipan niyang lumabas para kausapin kahit na sinong free na sakama niya, its either ang daddy niya o ang kaniyang tito Liam.Kahit dinner nga nila business pa ‘rin pinag-uusapan nila. Gusto niyang pigilan ang mga ito pero baka magtaka ang mga ito sa pagababago ng ugali niya gayong ang ama nila siya si Axel. Hindi pa naman niya alam kung anong ugali mayroon ang kambal niya.Palabas na sana siya ng silid nila ng matigilan siya dahil nag ring ang cellphone niya.“Tanya?” basa niya
PAGKABUKAS ni Xander ng kanilang pintuan ay nagkagulatan silang dalawa ni Liam na siyang kakatok sana sa pintuan nito.“Axel! Sakto pala, sasabihin ko sana sa’yo na ‘wag mo na ‘daw intayin ang daddy mo, may need pa kasi kaming tapusin e,” sabi nito sa kaniya habang kinakamot ang batok nito na tila nahihiya sa kaniya.“But I need to talk to daddy right now.” Seryoso niyang sabi na ikinalunok ni Liam.Alam niya kapag seryoso si Axel ay masama ang mood nito. Oo laging seryoso si Axel pero alam nila kung ano ang pinakang seryosong mood nito at takot sila dito kapag ganon na si Axel. Para siyang si Alexander gowrn up version kahit pa na bata palang siya what more pa kaya kapag lumaki siya diba?Kaya nga minsan hindi nila alam kung masaya ba na mayroong little version na Alexander silang kaibigan e.“Busy pa ang daddy mo Axel, ano ba need mong itanong saakin mo nalang itanong baka alam ko.” ngiting sabi ni Liam.Mahal pa niya ang buhay niya pero need niyang lakasan ang loob niya dahil baka
“GANITO kasi ‘yan Axel, kasal ang mommy at daddy mo ng limang taon, kaso sa ika fifth anniversary nila bigla nalang umalis ang mommy mo. Hindi ‘rin kasi naging maganda ang pagsasama nila since it was a loveless marriage pero later on minahal ng daddy mo ang mommy mo. Kaso nabuntis niya si Tara, ang tita Tara mo, kaya nanjan ang kapatid mong si Tanya.I know matured enough ka na para maintindihan ang lahat ng to dahil hindi ka simpleng bata lang Axel. Pero maniwala ka saakin, ang ina ni Tanya ang sumira sa relasyon nila ng daddy mo. Malakas ang kutob ko lalo na naabutan siya ng daddy mo sa restaurant kung saan dapat sila magkikita nung anniversary nila at siya nagsabi na sumama sa ibang lalaki ang mommy mo.” Naupo si Liam sa dulo ng kaniyang higaan at doon nagpatuloy ng kaniyang kwento.“Kilala ko ang mommy Xandra mo. Kaya ‘din sinasabi ng daddy mo na ‘wag mong husgahan agad ang mommy mo ng iwan ka niya sa harap ng bahay niyo. Malamang may dahilan si Xandra, mabait na tao si Xandra kah