Share

Chapter 6

IYAK ng iyak si Xandra nang malaman niyang wala na ang kaniyang bunsong anak na babae. Habang buhat niya ang kambal ay hindi matigil ang kaniyang luha at maging ang kambal na tila alam kung ano ang nangyayari.

Nang kinuha sa kaniya ang kambal ay ibinigay naman sa kaniya ang bunso niyang babae na wala ng buhay. Pakiramdam niya ay malaking parte ng kaniyang pagkatao ang nawala dahil sa pagkawala ng kaniyang anak.

Ngunit kahit anong pagluluksa niya ay hindi siya pwedeng maging mahina dahil mayroong dalawang sanggol pa ang naghihintay sa kaniya. Nang maiwan siya mag-isa sa silid niya at kasama niya ang kambal na natitira, napapatanong siya sa kaniyang isipan.

Paano niya ito mapapalaki?

Kakayanin niya ba gayong nanghihina pa siya sa pagkawala ng bunso niya?

Anong ipapakain niya sa mga ito o ipanggagatas?

Napapikit siya ng mariin dahil doon kasabay ng pagtulo ng luha niya. Kung hindi lang siya nalooban ng mga magnanakaw edi sana ay magagawa niyang palakihin ng ayos ang kaniyang mga anak. Ang kaniyang card naman ay blocked na at alam niya kung sino ang may gawa niyon—ang mama at ate niya.

Napapaisip nga siya na baka ang mga ito ‘rin ang may gawa ng panloloob sa bahay niya ngunit ayaw naman niyang mangbintang dahil masama iyon. Sa ngayon kailangan niyang umisip ng paraan kung paano mabubuhay ang kambal para hindi matulad ang mga ito sa bunso nilang kapatid.

Maya maya pa ay napadilat siya kasabay ng paglabas ng biological daddy ng kaniyang mga anak sa TV. At dahil sikat na sikat na si Alexander ngayon dahil isa na itong billionaire ay maging ang magiging anak nito ay sisikat ‘din.

Ayon sa news ay nanganak na ‘din ang ate niya at baby girl ito. Masaya si Xandra kasi maayos na nanganak ang ate niya pero naisip niya ‘din ang kaniyang anak. May babae ‘din sana siya ngunit wala na ito ngayon.

Napatigil siya ng maisip niya na dalhin ang kambal sa ama nito. Nanlaki ang mata niya at nabuhayan, kung hindi niya kayang palakihin ang kaniyang mga anak malamang ang ama nila ay kaya silang palakihin!

***

DAHIL na ‘rin desperado na si Xandra ay mabilis siyang nakagawa ng plano para mailabas ang mga anak niya. Sa totoo lang ay hindi pa siya gaanong okay pero sapat na ang tatlong araw na pinahinga niya para umalis sa ospital.

Wala ‘rin naman siyang pambayad sa hospital bills kung kaya tatakas nalang siya kasama nag mga anak. Okay lang na makulong siya basta mapunta lang sa puder ni Alexander ang mga anak niya.

Balot na balot siya ng bumaba sila ng hospital maging ang mga anak niya. Kinakausap niya ang mga ito na ‘wag iiyak at tila naiintindihan naman siya ng mga ito dahil tahimik lang sila at hindi umiiyak.

Nang makalabas sila ay dali-dali siyang nagtawag ng taxi at pinapunta sa subdivision kung saan sila nakatira noon. Habang nasa loob ng kotse ay abot abot na kaba ang nararamdaman ni Xandra ngunit tinatatagan nalang niya ang kaniyang loob para sa kambal.

Sinusulit na ‘rin niya ang mga sandaling oras na makakasama niya ang mga ito dahil maya maya ay hindi na niya makakasama ang mga ito.

Nang makababa sila sa taxi ay binayaran niya ito ng perang natitira sa kaniya at dala ang isang malaking basket kung saan kasya ang dalawang sanggol ay inayos niya ito sa harap ng bahay nila. Hindi na napigilan ni Xandra ang maiyak dahil sa kaniyang ginagawa ngunit wala siyang choice.

“M-mga anak, patawarin niyo si mommy. Sa ngayon ito ang alam ko na makakabuti sa inyo keysa ang ipa-ampon ko kayo sa iba. Sigurado akong ma-aalagaan kayo ng daddy niyo keysa saakin.”

Gising na ang dalawang sanggol at tila nakikinig sa kaniyang sinasabi lalo pa’t nakatitig ang mga ito sa kaniya.

“Hopefully makita ko kayo kapag lumaki na kayo. Malulusog, mabait at masipag na bata. Hindi niyo ‘man ako maaalala pero hinding hindi ko kayo makakalimutan. Nandito kayo sa puso ni mommy okay?”

Agad na pinahid ni Xandra ang kaniyang luha dahil kailangan na niyang tumalikod at iwan ang kambal. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya at tinignan sa huling pagkakataon ang kambal pagkatapos ay pinindot niya ang doorbell.

Pagkapindot niya ay dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon at nagtago sa isang malaking poste upang tignan kung paano kunin ang mga anak niya.

Ngunit hindi niya inaaasahan ng biglang mayroong dumating na lalaki at kinuha ang isa sa kambal.

“H-hoy! San mo dadalhin ang anak ko?!”

Tila nagulat ang lalaki ng marinig ang boses niya at dali-dali itong tumakbo paalis doon. Narinig pa ni Xandra ang pag-iyak ng dalawang sanggol na tila alam nila ang nangyayari.

Hindi siya nag aksaya ng panahon at dali-daling tumakbo upang habulin ang kumuha sa anak niya.

“Tumigil ka! Ibalik mo ang anak ko!” sigaw niya dito ngunit hindi ito humihinto.

Nakakita siya ng malaking bato sa gilid ng daan at agad niya iyong pinulot at ibinato sa lalaking hinahabol niya. Hindi niya alam kung tatami ito pero nagbakasalaki siya at kung sinuwerte nga naman ay natamaan niya ito sa ulo na ikitigil nito dahil dumugo ang ulo nito.

“Ibalik mo ang anak ko!” sigaw na sabi niya at hinablot ang anak niya mula dito.

Dahil sa paghablot niya ay nahawi ang hood ng jacket nito at nagtagpo ang mata nilang dalawa ng lalaki.  

Nang marealize ng lalaki na wala na ang kaniyang hood ay dali dali itong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Hindi na hinabol pa ni Xandra ang lalaki dahil ang mahalaga ay nakuha na niya ang anak.

“Hush tahan na. Ligtas na ikaw anak, andito na si mommy.” Pagpapakalma ni Xandra sa kaniyang pangalawang anak.

Bumalik naman agad sila sa bahay para ibalik ang anak kasama ang kambal nito ngunit natigilan siya ng makitang kinukuha na ng isang maid ang anak niya.

“Jusko isang bata! Saan ka nanggaling?!” tanong ng matanda na kilala ni Xandra dahil na ‘rin nakasama na niya ito sa bahay nila.

Agad siyang napatago ng sinubukan nitong tumingin sa paligid. Napayakap ‘din siya ng mahigpit sa anak hanggang sa makita niyang pumasok na ang mga ito sa loob.

“A-anak, paano na ‘yan? Naiwan ka dito.” Alalang sabi ni Xandra habang tinatanaw ang mga ito.

Samantalang sa loob ng bahay ni Alexander, paalis na dapat ito para puntahan si Tara at ang anak niyang si Tanya sa ospital.

“What is happening here?” kuno’t noo na tanong ni Alexander ng makita niyang nagkukumpulan ang mga ito sa sala at nagtatalo kung sino ang tatawag sa kanilang amo para sabihin ang nangyari.

Nagulat ang mga ito dahil sa boses ni Alexander at hindi pa nakakasagot ng biglang umiyak ang sanggol.

“Baby? Bakit may sanggol sa bahay ko?!” inis na sabi ni Alexander.

“S-sir nakita ho namin sa tapat ng bahay! Kamukang kamuka niyo po ang sanggol kaya kinuha ko dahil baka anak niyo.”

Napakunot ang noo ni Alexander dahil doon ngunit maya maya lang ay agad na nabuhayan at mabilis na pinuntahan ang sanggol.

Nakabalot ito ng maayos habang nakalagay sa loob ng isang basket at umiiyak. Tama ng kasambahay niya, kamukang kamuka niya ang baby.

Hindi siya nagdalawang isip na buhatin ang sanggol at bigla namang tumigil ito sa pag-iyak. At nagtagpo ang mata nilang dalawa na kaparehong kapareho ng babaeng nag-iisa sa puso niya.

Hindi napansin ni Alexander ang pagtulo ng luha niya kasabay ng pagtaas ng kamay ng sanggol at humawak sa pisnge niya na tila mayroong gustong sabihin sa kaniya.

“Find his mother! Sigurado akong nasa paligid pa siya!”

Nagulat ang mga ito ng biglang sumigaw si Alexander kung kaya dali-dali silang nagsikilos. Hindi sila maaaring magkamali, anak ito ng kanilang amo dahil kamukang kamuka nito ang bata at ang mata nito ay pareho ng una nilang madam na si Xandra.

***

UMIIYAK na naglalakad si Xandra habang buhat ang anak at hindi alam kung saan sila pupunta. Hindi niya nagawang iwan ang anak niya sa labas dahil wala na itong mapapaglagyan at takot siya na baka kung mayroong dumapo na kung ano sa anak kapag iniwan niya.

Bale dalawang anak na ang nawala sa kaniya at tanging isa nalamang ang natitira. Masakit man ngunit kailangan niya ‘ring iwan ang natitira sa kaniya sa kung saan.

Sa haba at layo ng nilakad niya hindi niya alam kung saan na siya napunta. Hanggang sa mapahinto siya dahil nakarinig siya ng ingay ng mga bata sa di kalayuang bahay sa gate.

Natigilan siya ng mabasa ang orphanage sa itaas niyon at mayroon pang basket na nakasabit sa gilid ng gate. Mukang sinadya iyon ng orphanage para ilagay doon ng mga di kayang palakihin ang anak nila.

Tulog ang anak niya ng mga oras na iyon ng magpasya siyang ilagay doon ang anak ngunit bigla nalamang bumuhos ang ulan. Nataranta siya dahil ayaw niyang magkasakit ang anak. Ilalagay nalang niya ang anak sa basket kapag hindi na umuulan.

Tatawid sana si Xandra papunta sa waiting shed ng bigla siyang makarinig ng malakas na busina ng isang kotse. Tila tumigil ang mundo niya dahil doon at napapikit nalamang.

Mahigpit na yakap niya ang anak upang hindi ito mapahamak dahilan para magising ito at umiyak. Ngunit wala namang tumama sa kaniyang kahit na ano kung kaya napadilat siya ng makarinig siya ng boses.

“Miss! Are you okay?! Sanggol ba ang hawak mo?!”

Nasilaw si Xandra ilaw na nagmumula sa kotse ng babae na nasa likuran nito. May dala itong payong at pinapayuangan siya.

“T-tulungan niyo po ang anak ko.”

Iyon ang unang nabanggit ni Xandra dahil pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay sa sobrang pagod.

“X-xandra ikaw ba ‘yan?”

Napakunot ang noo ni Xandra dahil doon at pilit na inaninaw ang muka ng kaharap hanggang sa maging malinaw ito at magsimula siyang umiyak ng makilala ito.

“M-mommy?”

“A-anak ikaw nga!”

Hindi na nagawa pang magsalita ni Xandra ng nawalan na siya ng ulirat.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lumbre Marissa
or mura na makakalibo ata Ako Bago matapos Ang kwento.
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
Ang mahal nmn niwa mga mucha pera talaga to good novel sayang Ang ganda pa nmn kwinto
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Sorry Ms A ayaw KO Ng basahin nakakatanga at nakaka high blood
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status