Share

Chapter 5

*SIX MONTHS LATER*

ANIM na buwan na ang nakalipas simula nang umalis si Xandra sa puder ng kaniyang asawa. Ang araw na dapat ay anniversary celebration nila ay nauwi sa isang gabi na hinding hindi niya makakalimutan. Wala na nga siyang kinuhang gamit na kahit na ano sa bahay ni Alexander basta basta nalang siyang umalis sa lugar na ‘yun at hindi na nagpakita pa.

Sa anim na buwang lumipas ay marami na ‘ring nangyari sa kaniya. Nakahanap siya ng kahit papaano ay sapat na sa kaniyang apartment pagkatapos ay nagagawa niyang mamuhay ng tahimik at walang gulo.

Kahit papaano ay kumikita siya sa tulong ng kaniyang maliit na income sa pag gawa gawa niya ng mga cup cakes at cakes na mayroong nag-oorder sa kaniya online. Gamit ang pera na naipon niya noon sa bangko at bigay ng kaniyang ama, iyon ang ginamit niyang panimula.

Kahit na hinahanap hanap niya si Alexander ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para iwasan iyon. Ultimo kaunting news about him ay iwas na iwas siya dahil baka umuwi lang siya at tumakbo muli sa yakap nito.

Buong akala niya talaga ay mahal na mahal na siya ng lalaki, iyon pala ay inaantay lang nito ang tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya na wala ng bisa ang kasal nila. Hindi siya pwedeng magkamali dahil iyon ang divorce papers na ibinigay niya noon sa lalaki.

Ngayon ang araw na pupunta siya sa kaniyang Ob-gyn upang makita ang kaniyang anak. Sa nakalipas na anim na buwan kasi ay napapansin ni Xandra ang hindi birong paglaki ng kaniyang tiyan kung kaya gusto niyang malaman kung bakit. Normal ba ito o hindi normal? Iyon ang gusto niyang malaman.

Suot ang isang color red na dress ay kapansin pansin na si Xandra. Lahat ng madaanan niyang mga tao ay napapatingin sa kaniya. Kahit kasi na siya ay nagbubuntis ay halatang halata mo ang ganda nito at ang pagka bloom niya.

Marami pa nga ang nagsasabi na babae ‘daw ang magiging anak niya dahil sa laki ng ikina-bloom niya. Karamihan sa kaniyang customers ay gustong gustong hinahawakan ang tiyan niya dahil na ‘rin sa di biharang laki niyon.

Sobrang likot ‘din ng anak niya sa loob ng kaniyang tiyan kung kaya gusto niyang alamin kung ano ang dahilan niyon.

Nang makarating siya sa ospital ay pinapasok na siyang kaagad ng nurse doon na palagi siyang ina-assist sa tuwing mag papa-check up siya. Kahit na hiwalay na sila ng asawa niya ay gusto niyang magkaroon ng maayos na buhay ang kaniyang anak at matustusan niya ang pangangailangan nito sa abot ng kaniyang makakaya.

“Good morning, Xandra!” nakangiting bati sa kaniya ni Dra. Janette.

“Good morning, Dra. Mag simul ana tayo, gusto ko ng makita ang anak ko.” excited na sabi ni Xandra na siyang ikinatawa naman ni doktora at wala na silang inaksayang panahon at sinimulan ang ultrasound.

“Oh! Congratulations Xandra you are having triplets!”

“A-ano doc?” gulat na sabi ni Xandra nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang doktora.

Ipinakita at itinuro sa kaniya ang ultrasound at tama nga ito. Kaya naman pala mabigat at hindi niya maipaliwanag ang sak8t at liko ng kaniyang anak simula ng lumalaki ito. Triplets ang kaniyang anak!

Natutuwa si Xandra dahil doon at kasabay niyon ay ang pag withdraw niya ng pera mula sa kaniyang bangko. Dahil alam na ‘rin niya ang gender ng kaniyang magiging anak ay bumili na siya ng kaunting damit ng mga ito.

Dalawang lalaki at isang babae, sa sobrang tuwa ni Xandra ay hindi niya namalayan ang oras kung kaya gabi na ng siya ay makauwi sa inuupahan. Matiwasay na nagpahinga si Xandra katulad ng araw araw niyang ginagawa sa nakalipas na buwan.

Natahimik na ‘rin ang kaniyang buhay kung kaya wala na siyang mahihiling pa kundi ang lumabas ng malusog ang maayos ang kaniyang mga anak.

“Nahanap niyo na siya?” ngiting tanong ni Angeline ang step mother ni Xandra, sa kaniyang mga tauhan.

“Yes, ma’am.”

“Goods. Eto ang gusto kong gawin niyo.”

Sa gitna ng tulog ni Xandra, ang hindi niya alam ay mayroon na palang pumasok na hindi niya kilalang tao sa loob ng bahay. Hinalughog ng mga ito ang buong apartment niya ay ginulo lahat ng mga gamit na naroroon.

Pumasok ‘din ang isang lalaki sa kaniyang kwarto ng dahan dahan at hinanap ang pinaglalagyan nito ng pera. Dahil na ‘rin nakagawa ng ingay ang lalaki ay naalimpungatan si Xandra at agad na naalerto ng makita ang anino sa loob ng kaniyang kwarto samantalang nag-iisa lang siya.

“S-sino ka?! Magnanakaw ka?! Tulong! Tulong!”

Dahil sa malakas na siga wni Xandra ay naalerto ang tauhan ni Angeline at dali-daling umalis doon tangay ang pera na nakita nito sa loob ng bag. Mabilis na lumabas ang dalawa ng apartment ni Xandra at umalis sa lugar na iyon habang si Xandra ay patuloy na sumisigaw habang umiiyak.

Dahil doon ay nagising ang kaniyang mga kapitbahay ay pinasok siya doon. Nagulat pa sila ng makita nilang gulo gulo ang gamit niya na parang binagyo. Naabutan nila si Xandra na iyak ng iyak sa loob ng kwarto nito kung kaya mabilis silang tumawag ng mga pulis.

Nakumpirma na mayroon ngang nangloob kay Xandra at nakita iyon sa CCTV ngunit kalaunan ay nawal anag footage na iyon kung kaya nawala ang ebodensya niya. Dahil na ‘rin nakatakip ang muka ng mga ito ay hindi nila nalaman kung sino ang may gawa.

Nalimos lahat ng per ani Xandra at ang natitira nalang sa kaniya ay hindi niya alam kung sasapat pa ba sa kaniya. Mayroon namang tumulong sa kaniya at nag abot dahil na ‘rin naaawa sa kaniya ngunit hindi iyon sumapat hanggang sa manganganak na siya.

Dahil expected niyang tatlo ang ilalabas ng kaniyang tiyan ay cesarian session ang gagawin sa kaniya. Wala ng ipangbabayad si Xandra sa hospital bills ngunit hindi naman niya pwedeng hayaan na mamatay ang batang nasa loob ng kaniyang tiyan.

Pumasok sa isip niya ang puntahan ang kaniyang asawa dahil desperado na siya ngunit iba ang kaniyang naabutan. Sa kanilang dating bahay ay si Tara ang lumabas at pinagbuksan siya ng pinto. Tulad niya ay malaki na ang tiyan nito ngunit mas malaki ang kaniya.

Nagkagulatan pa silang dalawa ngunit kailangan ni Xandra kapalan ang muka niya para sa kaniyang mga anak.

“What do you think your doing here, ex wife of my husband?”

Inaasahan na ni Xandra ang bagay na iyon. Na si Tara ang papalit sa kaniya bilang asawa ng dati niyang asawa dahil ito ang nauna bago pa siya. Ngunit hindi ito ang pinunta nito doon.

“Nandito ako para kay Alexander. Sabihin mo sa kaniya na panagutan niya ang anak namin,”

Napatingin si Tara sa kaniyang tiyan at biglang natawa ng malakas.

“Do you think paniniwalaan ka ni Alexander? Really? Malay ba namin kung sino ang kinalantari mo noong umalis ka.”

Hindi nagustuhan ni Xandra ang sinabi ng kaniyang kapatid at kaagad na sinampal ito na ikinalaki ng mata ni Tara.

“What the h!ll?” gulat na tanong ni Tara.

“Dapat lang ‘yan sa matulis ang dila na katulad mo! ‘Wag mo akong igaya sa’yo ate Tara! Oo kapatid kita, I mean half-sister! Pero ‘wag na ‘wag mong kwe-kwestyunin ang pagiging ama ni Alexander sa mga anak ko dahil alam naman nating dalawa na walang nangyari saamin noong araw na ikinasal kami dahil lahat ‘yun ay kagagawan niyo ni mama!”

Pagkasabi ni Xandra niyon ay umalis na siya doon dahil siguradong paniniwalaan siya ni Alexander kaysa sa kaniya. At dahil ayaw niyang makita iyon ay kusa na siyang umalis doon. Napaiyak nalamang siya dahil hindi niya alam kung paano siya makakapagbayad sa hospital bills gayong malapit na siyang manganak.

“IKAW ba ang ob-gyn ni Xandra?” tanong na sabi ni Tara sa doktora ni Xandra ngunit ngumiti lang ito sa kaniya ng alanganin.

“I’m sorry miss pero top priority namin ang private information ng pregnant mommy’s namin kaya hindi kita masasagot.”

“If I will give you this siguro naman masasagot mo na ako?”

Mayroong inilabas ang kaibigan ni Tara na isang suit case na naglalaman ng maramig pera.

“Ano ang gusto mong gawin ko?”

***

DAHIL walang ibang malalapitan si Xandra wala siyang nagawa kundi pagkasyahin ang pera na natitira sa kaniya. Hanggang sa dumating ang araw na manganganak na siya.

Nakatingin lang siya sa kisame habang isinasagawa ang operation sa panganganak niya. Wala siyang nararamdaman na kahit na ano ngunit ang isip niya ay napunta sa mga problema na kahaharapin niya.

Hindi niya alam kung saan kukuha ng pangbayad sa hospital, hindi niya ‘rin alam kung paano niya palalakihin ang mga bata. Mas lalong hindi niya alam kung makakalampas pa ba sila ng kinabukasan dahil wala siyang pera.

Napapikit siya dahil doon kasabay ng pagtulo ng luha niya. Kasabay niyon ng pag iyak ng isang sanggol na siyang ikinabuhay niya.

“Baby boy ang unang lumabas Xandra!” masayang sabi ng kaniyang doktora na lalong ikinaiyak ni Xandra.

Ibinigay sa kaniya ng nurse ang anak niya at ipinatong sa kaniyang dibdib. Sumandaling nakalimutan ni Xandra ang kaniyang problema dahil doon. Hindi siya makapaniwalang kasama na niya ang kaniyang anak.

Hanggang sa dumating na ang pangalawa pa niyang anak na lalaki ‘din. Magkasabay na umiiyak ang mga ito.

Hindi maipaliwanag ni Xandra ang tuwa sa kaniyang puso dahil doon habang tinitignan ang dalawang sanggol sa kaniyang dibidb. Tila nagkakaintindihan pa ang dalawa dahil nagulat sila ng hawakan ng isa ang kamay ng kambal niya.

Ngunit ang tuwang iyon ay nawala ng ibalita ng doktora niya ang masamang balita.

“I’m sorry, Xandra pero patvy ang bunso  mong anak na babae.”

B.NICOLAY/Ms.Ash

Short update guys! Masama po ang pakiramdam ko kaya 'di rin ako nakakapag update pa. Bawi ako guys kapag okay okay na pakiramdam ko.

| 1
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Kahit saang kwento talaga andyan ang nakawan ng anak.d man lang ginawang nagpakalayo at ipinanganak na walang nakakaalam. nakalabas trip tas ano ibigay kay Tara at palabasin na anak nya??
goodnovel comment avatar
Malou Balucos Lustre
oo bnayaran nya un obegyn ni xandra,.para palabasing patay un bunso kc knuha nya..
goodnovel comment avatar
lhyne2o
baka kinuha ng bruha nyang kapatid ung anak nya na bunso tas pina labas lng na patay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status