Share

Chapter 4

OFFICIAL ng kabilang si Alexander sa top 1 na business man sa Pilipinas. Hindi lang iyon, pumasok na ‘rin ang negosyo niya sa ibang bansa at sa ilang araw lang ay nag boom ang negosyo nitong mga hotels at ang daming gustong makipagnegosyo sa kaniya.

Hindi nagtagal ay tinanghal na siyang isang Billionaire. Si Xandra ang unang tuwang tuwa sa balitang iyon at kinongrats ang asawa. Dahil masaya na ‘rin ang nakalipas na linggo nila lalo na’t hindi na siya inaaway ng mother-in-law niya at ng mama at ate niya.

Tila tumahimik na ang buhay nila kaya napakasaya niya.

Magkakaroon ng celebration ang kumpanya ni Alexander at sinabi nito sa kaniya na ipapakilala na siya nito bilang asawa niya sa lahat ng naroroon. Naiyak siya sa balitang iyon lalo na maipapalabas ang party nila sa buong mundo kaya malalaman ng lahat na siya ang asawa ni Alexander.

Pinaghandaan niya ang araw na iyon ngunit ang hindi niya alam ay iyon ‘din ang araw na kukunin ni Tara sa kaniya.

Nakasuot si Xandra ng isang red fitted gown, hindi pa halata ang tiyan niya dahil magdadalawang buwan palang ito ngunit kinakabahan na siya.

Kasama niya ang mga babae sa front desk na alam na kung sino ba talaga siya. Sinabi niya ‘rin sa mga ito ang secret niya dahil nalaglag ang PT na dala niya na ipapakita niya sana sa asawa.

Tuwang tuwa naman ang mga kasama niya at suportado siya sa kaniyang gagawin. Hinulaan pa nga ng mga ito kung anong anak ang mayroon siya. Merong nanghula ng babae, meron ‘din namang lalaki.

“Good evening ladies and gentleman,” nagsalita na ang emcee at magsasalita na ‘raw si Alexander for speech.

Sakto naman na dumating na si Liam at sinundo siya dahil kailangan na siya sa back stage para doon lumabas kapag tinawag na siya ng asawa.

“Good luck ma’am!” bati sa kaniya ng mga kasama niya na ikinangiti niya sa mga ito at nagpasalamat.

“Good evening, everyone. I want to thanked all of you for coming tonight but this event is for my employees who sacrifices their time and efforts for our company to grow, thank you everyone for that. To my mother, who has been always there to guide and support me and of course to my wife,”

Nagbulungan ang karamihan dahil sa sinabing iyon ni Alexander at nagulat sila ng mayroong lumabas sa likuran ng kurtina sa likod ni Alexander na babae.

“I know I hide it to all of you but I’ve been married for four years,” dugtong pa na sabi ni Alexander.

“Siya ba ang asawa ni sir?”

“Sabi ko na sa’yo may something sa kanilang dalawa e!”

“OMG bagay silang dalawa!”

Napahinto si Xandra sa paglalakad dahil sa narinig habang si Liam ay nagulat ng makitang lumabas si Tara sa likuran ni Alexander.

“Anong ginagawa ni Tara?!” tarantang sabi ni Liam at kaagad na nagpaalam kay Xandra para puntahan ang back stage.

Si Xandra naman ay na stock sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nangyayari sa stage.

“But to tell you all honestly, I don’t love my wife when we get married but as time flies by, I started to fall for her even harder.” Ngiting sabi pa ni Alexander at doon na sumingit si Tara na mayroong hawak na mic.

“How sweet of you to tell them our story babe,”

Gulat napalingon si Alexander sa tabi niya at nakita niya doon si Tara na may hawak na mic.

“Pero tama ang kwento ng asawa ko. Ako ang unang nagmahal sa kaniya pero ngayon mahal na mahal na niya ako.” At isinukbit ang braso sa lalaki.

Ang daming kinilig dahil sa kanilang mga narinig at punong puno na ng tuwa ang mga naroroon.

“What are you doing Tara?!” tanong ni Alexander kay Tara na walang mic na gamit. Ayaw niya magsimula ng gulo sa paligid.

“Kung ayaw mong masira ang unang event mo sumakay ka nalang Alexander,” ngiting sabi ni Tara kaya wala ng nagawa si Alexander ngunit hindi na siya nagsalita pa at ang babae nalang ang nagsalita.

Gumawa ito ng sarili niyang kwento na wala namang katotohanan at sinabi pa nito na buntis siya!

Sa nangyari ay umiyak si Xandra at dali-daling tumakbo palabas ng kumpanya. Nakita iyon ng mga kasama niya kanina sa table at sinundan siya.

Nang makarating naman sa back stage si Alexander ay galit niyang hinarap si Tara.

“What was that, Tara?! Hindi ikaw ang asawa ko! What are you doing?!”

Ang magulong back stage at ilang employees na naroroon ay natahimik dahil sa malakas na sigaw ni Alexander.

“What? Iniligtas lang kita sa kahihiyan dahil kung ipapakilala mo si Xandra ay magmumuka siyang kawawa dahil saakin ka may anak e siya ang asawa mo diba?! Sa mata ng marami ako ang asawa mo pero sa mata mo si Xandra talaga ang asawa mo, mahirap pa nga sakin to pero ayaw ko lang mapahiya at pagusapan ng marami ang kapatid ko!”

Napakuyom ng kamao si Alexander dahil sa sinabing iyon ni Tara. Kahit na may punto ito ay alam niya na hindi iyon ang totoong dahilan lalo na’t alam niyang plano nito ang lahat na ikasal sila ni Xandra at bawiin siya sa asawa makalipas ang ilang taon dahil kinuwento na sa kaniya ng asawa ang totoo.

Hindi nalang siya sumagot dito at iniwan siya doon na nag-inarte pa at umiiyak pakunwari.

“Where is my wife?!” tanong niya kay Liam na nakasalubong niya.

“S-sa garden…” iyon lang ang tanging nasabi ni Liam dahil sa takot niya sa kaibigan.

Dali dali namang umalis doon si Alexander upang puntahan ang kaniyang asawa.

Sa kabilang banda naman ay dinadamayan si Xandra ng kaniyang mga kasama kanina sa table. Hindi nila alam kung ano ang nangyari pero sigurado sila na sinadya iyon ng kaniyang kapatid.

Kinuwento ‘din ni Xandra ang ginawa sa kaniya ng kapatid kaya ngayon ay galit na ang mga ito kay Tara ngunit wala silang magagawa lalo na at buntis na ‘rin ito. Sariling kapatid nito ay inagawa niya ng asawa, sinong hindi magagalit doon?

“Wife! Wife listen to me first!”

Napalingon sila sa tumawag kay Xandra at agad na napatayo ang kasama ni Xandra at nagpaalam sa kaniya.

“Iwan na muna namin kayo Ms.Xandra!”

Si Alexander naman ay kaagad na sinundan si Xandra ng aalis na sana ito. Niyakap niya ito sa may likuran niya at doon na muling napaiyak si Xandra.

“I did not know that she will do that wife, please trust me. Hindi ko alam. Galit na galit ako pero ayokong sirain ang unang event ng kumpanya. Patawarin mo ako hindi kita naipakilala sa mga tao.”

Lumambot ang puso ni Xandra dahil sa kaniyang narinig lalo na at kita naman niya ang pagtataka at pagkagulat sa muka ng asawa ng bigla nalang lumabas ang ate niya. Isa pa ang usapan nila ay lalabas siya kapag tinawag na siya ng lalaki kaya talagang pusible na kusa itong lumabas mula sa back stage.

Kaya naman pala nananahimik na ang kaniyang ate dahil mayroon itong binabalak.

“Paano na ‘yan, ang alam nila ay si ate Tara ang asawa mo?”

Hinawakan ni Alexander ang pisnge niya at umiling dito. “Shhh ikaw pa ‘rin ang mahal ko. Hinding hindi magbabago ‘yun.” Hinalikan ni Alexander ang noo niya pagkasabi niya niyon na ikinapikit ni Xandra.

Nang gabing iyon ay naniwala si Xandra sa sinabi ng kaniyang asawa at nagtiwala dito. Ayon sa lalaki ay aayusin niya ang lahat ngunit hindi pa pala doon natatapos ang lahat. Muli nanaman palang masisira ang puso niya at masasaktan.

Araw ng anniversary nila, fifth year anniversary. Hinihintay niya si Alexander sa isang restaurant at katetext lang nito sa kaniya na papunta na ito ng biglang dumating ang ate Tara niya at mayroong ibinigay na folder sa kaniya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito at di tulad noon na natatakot siya sa ate niya iba na ngayon.

“Hindi ako nagpunta dito para makipag-away. Gusto kong makita mo lang ‘yan para mabuksan na ang isip mo dahil kapatid pa ‘rin kita.”

Napakunot ang noo ni Xandra at ayaw niya sana buksan iyon ng kusang gumalaw ang kamay niya na hindi na sana niya ginawa. Si Alexander iyon at mayroong kasamang ibat-ibang babae sa kaniyang kotse.

“Alam kong alam mo na babaero si Alexander and do you think na mag stay siya sayo? Minsan ko na ‘rin siya nakarelasyon at sinasabihan niya ako na mahal niya ako.”

Agad napailing si Xandra dahil sa sinabing iyon ng kapatid. Di siya maniniwala hanggat hindi si Alexander mismo ang nagsasabi sa kaniya.

“Wake up Xandra! Inililigtas na ng akita sa kaniya ayaw mo pa matauhan! Okay, fine! Look at this!”

Inilapag nito sa harap niya ang familiar na papel at natigilan siya ng makita na ang divorced papers iyon.

“Pinirmahan niya ang divorced papares ibig sabihin hindi ka na niya asawa Xandra! Ako nga ang pinakilala niyang asawa sa lahat hindi ba, dahil magkaka-anak na kami! Hindi niya ako mahal oo pero dahil dito sa batang nasa tyan ko kaya niya ako pinakilala! Ikaw? Isa ka lang sa mga parausan niya! Maging ako Xandra, maging ako! Kaya please, hangga’t maaga pa lumayo ka na!”

Doon na bumuhos ang sunod-sunod na luha ni Xandra lalo na at nag flashback sa kaniya lahat ng mga nangyari sa nakalipas na araw. Hindi pala totoo ang lahat ng iyon, kahit isa doon ay hindi totoo!

Umiiyak na tumakbo paalis si Xandra doon dala ang divorced papers na binigay sa kaniya ng ate Tara niya. Habang si Tara naman ay ngiting tagumpay habang nakatanaw sa umiiyak at papalayong kapatid niya.

“I told you, Xandra. Iiyak ka sa huli at ako ang mananalo.” Ngising sabi niya sa kaniyang sarili at umalis na doon para hindi siya abutan ni Alexander.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Nakakagigil talaga tong mga kabit na ito eh.. Wag kang tanga xandra lumaban ka
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
thanks miss A...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status