Share

Chapter 3

NAGPASYA si Xandra na kinabukasan nalamang siya umalis dahil na ‘rin inabot siya ng gabi sa pag-uwi at dumaan pa siya sa kaniyang daddy. Nagkwento pa siya dito ng tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawa.

Nang paalis na sana siya ay naabutan siya ng ina na kukuha sana ng gamit ng kaniyang ate. Tinanong nito ang tungkol sa kaniyang pakikipag divorced, nakakatawa dahil iyon ang unang beses na nagtanong ito tungkol sa kaniya tungkol pa sa pakikipaghiwalay niya sa asawa.

Natuwa pa ito ng malamang tinanggap iyon ng asawa. Pagkauwi niya ay tila pagod na pagod siya, mayroon siyang gustong kainin ngunit nawawalan siya ng gana sa tuwing iisipin na paalis na siya.

Mabuti nalang at kahit papaano ay may pera siya mula sa ipon ng kaniyang daddy sa kaniya. Bago siya maka-uwi ay nag withdraw siya ng malaking halaga. Alam niya na malaki ang posibilidad na putulin ng kaniyang ina ang access niya sa pagkuha ng kaniyang pera kaya uunti-untiin niya ang pagkuha doon.

Nang magising siya ay nag-ayos lamang siya at wala siyang dadalhin na kahit na ano kundi ang isang bag na tanging dala niya noon na naglalaman ng kaniyang kakaunting damit. Ngunit natigilan siya ng makita ang asawa na paakyat ng hagdan at mayroong dalang flowers at chocolate.

Nang makita niya ang chocolate ay parang natakam siya doon ngunit ang bulaklak ay ng maamoy niya’y hindi niya agad nagustuhan ang amoy.

“Where do you think you’re going?” walang buhay na tanong nito sa kaniya.

“Aalis. Hindi na tayo kasal Alexander, wala ng dahilan para pa magsama tayo sa iisang bahay.” Pagkasabi niya niyon ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Sigurado siya na hindi iyon para sa kaniya kaya hindi na siya mag-aabala pang magtanong dito. Ngunit pinigilan siya nito sa paglalakad ng ikinahinto niya.

“Hindi ka aalis. Hindi ko pinirmahan ang divorced papers. Asawa pa ‘rin kita kaya mananatili ka dito Xandra.”

Nagulat si Xandra sa kaniyang narinig ngunit ng humampas nanaman ang hangin sa kaniyang ilong ay agad siyang napatakip ng ilong at nabahing.

“P-para kay ate Tara ‘yan diba? Pwede bang pumunta ka na muna doon at mamaya nalang tayo mag-usap pag-uwi mo. Ilayo mo lang sakin ang bulaklak na ‘yan.”

“Tara? No, it’s for you. Peace offering ko.”

Natigilan si Xandra sa kaniyang narinig ngunit maya-maya ay napangiti ‘rin ng mapait sa kaniya.

“For me? Hindi mo nga alam na allergy ako sa bulaklak na ‘yan.”

Sunflower kasi ang binili ni Alexander ngunit ng marinig iyon mula sa asawa ay agad niyang inihagis kung saan ang bulaklak at ang chocolate ang binigay niya dito.

“Siguro naman hindi ka allergy dito. Kunin mo ‘to.”

Walang nagawa si Xandra kundi kunin iyon tutal ay gustong gusto na niya itong buksan at kainin.

“Bakit mo ako binibigyan nito?” tanong niya sa asawa na ikinaseryoso ng tingin sa kaniya ng lalaki.

“Hindi ko pinirmahan ang divorced papers dahil gusto kong mag work tayo as a husband and wife. Narealize ko na mahal na kita Xandra, unti-unti kitang minahal sa nakalipas na mga araw. Sorry kung hindi ko alam na allergy ka doon, edi sana ‘yung tulips nalang ang kinuha ko. Sabi ko na tama ang instinct ko e,”

Napanganga si Xandra dahil sa kaniyang narinig. Nakatingin siya kay Alexander ngayon na tila casual lang kung magsalita. Ni wala siyang nakikitang emosyon sa muka nito at nakahawak pa sa baba nito ng sabihin na tama ang instinct niya.

Tila hindi ito nag confess sa kaniya samantalang siya ay ang bilis na ng tibok ng kaniyang puso!

“I-ikaw ang bumili nito?”

“Yes, sabi ni Liam ‘yan ‘daw ang magugustuhan niyo na mga babae.”

Muntik na siyang mahulog sa nangyayari ngunit agad siyang napailing dahil naalala nanaman niya ang ate Tara niya.

“Pero mahal mo si ate Tara at magkaka-anak na kayo.”

“Sinong nagsabi sa’yo na mahal ko si Tara?”

Gulat na napatingin siya dito at kita niyang nakakunot na ang noo nito sa kaniya.

“H-hindi ba noon pa? Kaya nga galit ka saakin dahil ako ang pinakasalan mo hindi si ate Tara.”

“You got me wrong Xandra. You know na isa akong babaero noon pa ‘man, hindi ako tumino sa ate mo noon kaya nga wala lang saakin nung umalis siya. Hindi kita pinapansin noon dahil narealize ko na mas maganda maging malaya sa pagpili ng iba-ibang babae pero simula ng may mangyari satin, doon ako nagbago. Kahit tanungin mo pa si Liam at Stanlee nagsasabi ako ng totoo. Ikaw ang nagpabago saakin Xandra hindi ang ate mo.”

Hindi napigilan ni Xandra ang mapaluha dahil sa kaniyang narinig. Siguro dahil na ‘rin sa kaniyang pagiging buntis kaya ganoon siya ka-emosyonal.

“P-pero buntis si ate Tara at magkaka-anak na kayo.”

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at nagulat siya ng hawakan ng lalaki ang magkabilang kamay niya.

“I know that I’ve hurt you so d*mn much Xandra but believe me, ang nangyari saamin ng ate mo ay wala akong kinalaman. Nilasing niya ako at paggising ko may nangyari na saamin. I am so sorry, Xandra pero ikaw ang mahal ko hindi siya. Tatanggapin ko ang anak namin pero ikaw pa ‘rin ang gusto kong maging asawa.”

Tila nananaginip si Xandra sa kaniyang mga naririnig. Dati pinapangarap niya na sana mahalin na ‘rin siya ng asawa ngayon ay nangyayari na. Kung nananaginip siya ay ayaw na niyang magising pa.

“Pero mahal ka ni ate Tara…” mahina pa niyang sabi dito.

“Xandra naman!” tila frustrated na sabi nito at napahawak sa nose bridge ng ilong niya. “Mahal mo ba ako hindi? Oo o hindi lang ang sagot na gusto kong marinig.”

“M-mahal pero—” hindi na natuloy ni Xandra ang sasabihin niya dahil hinalikan siya sa labi ng asawa na ikinalaki ng mata niya.

“Stop it wife, you are my wife and no one can ever replace you.”

Hindi na napigilan ni Xandra ang mapangiti dahil doon pagkatapos ay tumango sa asawa. Kinuha ni Alexander ang bag na dala niya at ibinalik nila iyon sa kwarto nilang mag-asawa.

Ang hindi nila alam ay narinig ng mama ni Xandra ang pag-uusap nila at galit na galit itong bumalik sa ospital kung nasaan ang anak niya.

Sa unang pagkakataon naman ay sabay na kumain si Xandra at Alexander na kapwa may ngiti sa mga labi. Tuwang-tuwa ‘ding kinakain ni Xandra ang chocolate na galing sa asawa at nakalimutan na ang paghihiwalay nila. Sa loob ng apat na taong pagkakakasal nila ay iyon na ang pinakang masayang araw nilang dalawa.

Maging ang mga katulong nila ay masaya sa nakikita nila sa mag-asawa. Sa totoo lang ay bagay silang dalawa kahit pa na masungit si Alexander ay nakikita nila ang care nito sa asawa kaya palihim silang kinikilig sa mga ito. Ngayon ay mukang tuluyan ng maglalayag ang kanilang ship.

***

“HINDI ako papayag! Walang hiya ‘yang Xandra na ‘yan!”

Galit na galit si Tara ng malaman mula sa ina niya ang tungkol sa nalaman nito kanina sa bahay ng lalaking mahal niya. Hindi siya papayag na masira ang plano niya at maagaw ang lalaking pinakamamahal niya ng kapatid pa niya mismo!

Ang tagal niyang nagtiis at naghintay, nag invest siya ng matagal sa ibang bansa para lang makuha ang pangarap at makuha ang buhay na pangarap niya, ang maging asawa ng mayamang lalaki.

“Hindi ‘rin ako papayag anak. Ang landi talaga ng kapatid mo na ‘yan, sinabihan na natin siya noon na babalikan mo si Alexander talagang ginusto pa niya ang boyfriend mo!”

Napakuyom lang ng kamao si Tara dahil sa nangyayari. Hindi siya papayag, hindi siya papayag na maging masasya ang kapatid niya at makuha lahat ng yaman ni Alexander!

“Anak kumalma ka baka anong mangyari sa bata.” Mahinahon na sabi ng ina sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom ngunit inalis lang iyon ni Tara sa pabalang na paraan.

“Mayroon akong ipapagawa sa’yo mommy.”

Hindi naman pinansin ng ina niya ang ginawa ni Tara dahil sanay na ito sa anak at ngumiti lamang dito ng pagkatamis tamis.

“Sige anak, kahit ano para sa’yo.”

NAKALABAS na si Tara sa ospital. Ilang araw na ‘rin ang nakalipas simula ng maging okay si Xandra at Alexander. So far masaya naman silang dalawa lalo na at suportado sila ni Liam at Stanlee.

Ngunit sina Tara, ang mama niya at ina ni Alexander ay hindi. Nagtulong tulong ang mga ito upang mapaghiwalay ang mag-asawa. Gagawin nila ang lahat maghiwalay lang sila.

“Tandaan mo ‘to. Ikaw ang iiyak sa bandang huli.” Pigil na sabi ni Tara kay Xandra ng lumabas ito sa kusina nila.

Ngunit medyo palaban na si Xandra dahil mahal na siya ni Alexander at hindi ang ate niya kaya wala siyang pakialam sa sasabihin nito. Inalis niya lang ang kamay ng ate niya at iniwan doon ang babae.

‘Maghintay ka lang sa plano ko Xandra, paiiyakin kita ng sobra sobra.’ Sabi ni Tara sa kaniyang isipan habang nakatingin sa papalayong pegura ng kapatid.

Nang gabing iyon ay kinausap ni Tara si Alexander tungkol sa kanilang dalawa. Tulad ng inaasahan ay hindi ito pumapayag, galit na siya ng oras na iyon ngunit mayroon pa siyang plano na dapat ituloy kahit tuluyang naagaw ng kapatid ang lalaki.

“Pirmahan mo nalang ito at papayag ako sa gusto mong mangyari. Hindi ko kayo guguluhin ni Xandra basta tutustusan mo ang anak natin.”

Dahil sa sinabing iyon ni Tara ay gumaan ang muka ni Alexander at hindi nagdalawang isip na pirmahan ang ibinigay na papel ng babae at hindi manlang ito binasa. Basta para sa abbaeng mahal niya at para sa ikatatahimik nila ay gagawin niya.

“There. Umalis ka na dito at hayaan mo kami ng asawa ko.”

Malaki ang ngiti ni Tara na tumango sa lalaki at kinuha ang papel na pinaprmahan dito.

“Sure, walang problema Alexander.”

Umalis na siya doon at malaki ang ngisi sa labi habang tinitignan ang divorced paper na napirmahan ni Alexander. Pinakuha niya iyon sa ina ng lalaki at mabuti nalang nakita nito iyon sa mga gamit ni Liam kaya doon nagsimula ang kanilang plano na paghiwalayin ang dalawa.

“Tignan natin kung hindi ka iiyak dito, Xandra.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ayyy, luuuhhh!!! Bakit Kala mo ba tanga si Alex mag hintay ka lng Tara thank you miss A,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status