Share

Chapter 2

BUNTIS ang ate Tara niya at maging siya. Syempre mas pipiliin ng asawa niya si Tara dahil mas mahal nito ang ate niya keysa sa kaniya. Iyak ng iyak si Xandra dahil sa katotohanan na iyon, nagpunta siya sa kaniyang ama at doon naglabas ng sama ng loob.

Hindi na ito nakakapagsalita at nakakalakad ngunit nakaka-intindi pa ito kagaya nalang ngayon dahil kita niya ang pagluha nito dahil naiintindihan siya ng ama. Pinahid ni Xandra ang luha ng kaniyang ama at umiling dito.

“Daddy, ‘wag niyong sisihin ang sarili niyo. Kasalanan ko ‘din ang lahat ng ito dahil nagtiwala ako kay ate Tara… at minahal ko si Alexander.”

Ikinuwento niya kasi ang lahat lahat ng nangyari. Palagi siyang nagkukwento sa ama sa tuwing makakapunta siya sa kanilang bahay at maiiwan silang mag-isa sa kwarto. Alam niya na nagsisisi na ang ama sa desisyon nito four years ago ngunit hindi naman niya ito Masisi dahil nagpapasalamat pa nga siya at minahal niya si Alexander.

Hindi naman ganon kasama ang lalaki sa kaniya sa apat na taong pagkakakasal nila. Ang problema lang ay hindi siya nito pinapansin, as in para lang siyang hangin at hinahayaan nito na pahirapan siya ng mama nito. Ngunit kapag naman wala ang in anito at nasa ibang bansa, pinipigilan siya nito na maglinis o kung ano dahil mayroon naman ‘daw silang katulong.

Doon nabihag ang puso ni Xandra at nakita niya na mayroong pa ‘ring kabutihan ang puso ng lalaki. Noong malasing ito at may mangyari sa kanila, alam niyang nagulat ito na virgin siya at simula nun nag-iba ang trato sa kaniya ng lalaki.

Matapos niyang kausapin ang ama ay nagpasya siyang umuwi na para matulog. Nang magising siya kinaumagahan ay walang tao sa kanila malamang ay nasa ospital ang mga ito at binabantayan ang ate niya.

“Sana ligtas ang anak mo ate.” Mahinang sabi niya sa sarili niya.

Kahit na nasaktan siya sa katotohanan na niloko siya ng asawa ay hindi magbabago ang katotohanan na bata pa ‘rin ang pinag-uusapan nila. Walang muwang iyon sa mundo at ayaw niya itong madamay sa gulo nila.

“Nasaan na ang Xandra na ‘yan?!”

Agad na natakot si Xandra ng marinig niya ang boses ng mother-in-law niya at nang makita siya sa kusina ay dali-dali siya nitong nilapitan at sinabunutan. Puro hingi ng tawad lang ang ginagawa niya at pagmamaka-awa na itigil na nito ang pagsabunot sa kaniya.

Walang nagtanggak na pumigil sa kanila dahil amo nila ang mama ni Alexander.

“Pasalamat ka at ligtas ang anak nila Alexander dahil kung hindi, hindi lang ‘yan ang inabot mo!” sigaw na sabi nito at binitawan na siya’t umalis papunta sa kwarto nito.

Iyak lang ng iyak si Xandra dahil sa ginawa ng kaniyang mother-in-law. Sa nakalipas na apat na taon ay puro pananakit at pagpapahirap lang namana ng ginagawa nito sa kaniya. Hindi nga niya alam kung paano niya iyon natagalan e.

Dahil doon ay mas nabuo ang desisyon niya na ‘wag ng sabihin sa asawa ang tungkol sa anak niya at mag hiwalay nalamang sila. Tutal ay magkaka-anak na sila ng ate niya at sabi sa kaniya ng ate Tara niya ay babawiin na nito ang para sa kaniya dapat.

Successful na ang ate Tara niya ngayon at isa na itong sikat na modelo sa ibang bansa. Nang umuwi ito sa Pilipinas ay hindi na ito umalis sa kanilang bahay at siya ang tila naging asawa ni Alexander lalo na at ito ang kasa-kasama nito sa labas at kita iyon ng mga press.

Dala ang divorced papers ay pumunta siya sa kumpanya ng kaniyang asawa. Dumaan siya sa ospital kung nasaan ang ate Tara niya dahil akala niya naroroon ito ngunit wala naman pala.

Ang ina niya lang ang naabutan niya at galit na galit pa ang dalawa sa kaniya ngunit ng ipakita niya ang divorced paper ay tila natuwa pa ang mga ito at sinabing nasa kumpanya ang asawa niya.

Masakit para sa kaniya ngunit wala siyang magagawa.

“Nanjan ba si Mr.Alexander Bautista?” tanong niya sa front desk na naroroon.

“May appointment po ba?” tanong nito sa kaniya.

“Wala pero pakisabi na andito ang asawa niya.”

Muntik ng matawa ang babaeng kaharap niya dahil sa kaniyang narinig. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa na siyang ikinahiya ni Xandra dahil ang suot niya ay panjama tapis cardigan. Hindi kasi siya nag-ayos dahil akala niya nasa ospital lamang ito.

“Wait a sec ma’am,” iling na sabi nito. 

Wala ng pakialam si Xandra sa pangmamata sa kanila ng mga ito tutal ay iyon ang una at huli na pupunta siya doon.

“Top floor madam, I’m sorry for my attitude earlier.” Biglang pagbabago ng tono nito na nasabon ng secretary ng boss nito dahil hindi niya kilala ang asawa ng kanilang boss.

“It’s okay,” ngiting sabi ni Xandra at umalis nalang doon.

Nang makaakyat siya sa top floor ay nakangiting si Liam ang sumalubong sa kaniya.

“Xandra kumusta ka na?!” masayang bati nito sa kaniya na ikinangiti niya pabalik dito.

Kung malas si Xandra sa mga pamilya niya swerte naman siya sa kaibigan ng asawa niya. Siya si Liam Santiago, ang sekretarya/kaibigan ni Alexander. Mayroon pang isa, si Stanlee Perez na may-ari ‘rin ng sikat na kumpanya sa Pilipinas at internationally. Matalik ‘din iyong kaibigan ni Alexander at ang dalawa ay mabait ang pakikitungo sa kaniya.

“Mayoos naman ako, Liam salamat sa pagtatanong. Si Alexander asan?”

Itinuro nito ang office nito at pinagbuksan pa siya nito ng office ng lalaki. Nakita niya na busy ito sa pagtatrabaho kaya napabuntong hininga siya at naglakad patungo dito.

“Sorry at dumating ako ng walang pasabe, Alexander. Mayroon lang sana akong gustong itanong at sabihin sa’yo kung ayos lang ba?”

Tumango sa kaniya ang asawa at hindi manlang siya nito tinatapunan ng tingin. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil doon pero nagpatuloy pa ‘rin siya.

“May nangyari ba sa inyo ng ate Tara ko? Totoo ba na magkaka-anak na kayo?”

Napahinto ito sa kaniyang ginagawa at maging si Liam na naroroon at nagulat sa tanong ni Xandra. Alam nito ang nangyayari kay Alexander at alam ni Liam na nasasaktan ito kaya ‘din niya tinanong ang babae kung Kamusta ito.

“Let’s not talk personal affairs here, Xandra. Wait for me to come home.”

“I cannot wait anymore Alexander. Kailan ka ba umuwi sa bahay gayong dito ka naman nag-stay. Sa tuwing kakausapin kita hindi ka umuuwi, ngayon pa kaya na nasa ospital si ate Tara sigurado ako na sa ospital ka dederetsyo mamaya. Just tell me the whole truth, please!”

Agad na pinunasan ni Xandra ang luha niya dahil traydor iyon. Ayaw pa naman niya umiyak sa harap nito.

Nagtagpo ang mata nila at walang buhay itong nakatingin sa kaniya.

“Gusto mong malaman ang totoo? Yes, may nangyari saamin at magkaka-anak na kami. Are you happy now?”

Kahit alam na ni Xandra ang katotohanan ay gusto pa ‘rin niya na manggaling mismo sa bibig nito ang totoo. Napangiti siya ng pilit at inilagay ang folder na hawak sa harap nito.

“What is this?” kuno’t noo na tanong nito sa kaniya.

“Divorced papers.”

“Divorced papers?!” gulat na sabi ni Liam at mabilis na lumapit sa kaibigan at tinignana ng binuklat nitong folder.

Tama si Xandra, divorced papers nga iyon at mayroon na itong pirma niya.

“Hindi ko na kaya Alexander… four years is enough for me to love you. Pirmahan mo ‘yan at habang buhay na kayong magkakasama ni ate Tara at mabubuo na ang pamilya niyo.”

Pagkasabi ni Xandra niyon ay umalis na siya doon at ng makalabas ay napahawak siya sa pader dahil kumukuha siya ng lakas sa pader. Hindi na ‘rin niya napigilan a ng mga luha niya at napahawak nalang sa kaniyang tiyan.

“I’m sorry anak ko. I have to raised you on my own.”

***

IBINALIK ni Alexander ang divorced papers na iniwan sa kaniya ni Xandra at iniabot ito kay Lima.

“Pipirmahan mo ba?” tanong ni Liam na ikinasama ng tingin ni Alexander sa kaniya.

“Of course, not! Xandra is my wife and she is mine! Mine alone!”

Napangiti si Liam dahil sa sinabing iyon ni Alexander at nakampante na ang loob niya. Syempre, matalik niya itong kaibigan, nang makita niya ang ibinigay ni Xandra dito ay gulat na gulat siya. Alam nila ni Stanlee na mahal na nito ang asawa kaya nasisigurado siyang hindi nito iiwan ang asawa.

“Pero mag kakaanak na kayo ni Tara. Siguradong nasasaktan si Xandra ngayon! Bakit mo naman kasi pinatulan ang ate niya!” sermon na sabi niya sa kaibigan na ikinahilot nito sa sentido niya.

“I was drunk! Nagising nalang ako na may nangyari na. You know that I stopped seeing other girls after knowing that my wife was still a virgin. For all those years, buong akala ko ay pinikot ako ng asawa ko ngunit hindi pala.”

“And seems like ikaw ang napikot ngayon.” Sabi ni Liam at ibinigay ang isa pang file na naglalaman ng pictures ng CCTV na kung saan pinatulog silang dalawa ni Xandra at pinagtabi four years ago.

Agad na nilamukos ni Alexander ang mga pictures at galit iyong naitapon sa sahig. Niloko siya ni Tara at ngayon ay magkaka anak na silang dalawa ay hindi niya ito hahayaang kunin sa asawa niya.

Ang totoo niyan ay hindi niya talaga mahal si Tara. Si Alexander ay isang natural na playboy, kahit na sinasabi nila noon na tumagal siya kay Tara ngunit ang totoo ay lagi silang nag-aaway dahil may ibang babae siyang kasama sa kama. Ngunit sa paglipas ng araw kahit papaano ay nasasanay na siyang kasama ang babae.

Paulit-ulit lang siyang tinatanggap ni Tara at nagmamaka-awa sa kaniya kaya hinahayaan niya ito. Noong umalis ang babae ay wala siyang pakialam basta patuloy lang ang buhay niya. Kaya niya ang ‘din pinakasalan si Xandra dahil sa ama nito lalo na at hindi niya nakilala ang ama niya at namatay ito ng maaga.

Ngayon na may nararamdaman na siya para sa asawa ay hindi niya ito hahayaang mahiwalay pa sa kaniya.

“What do you think I need to do to pursue  my wife?” lingong tingin niya sa kaibigan.

Napahawak si Liam sa kaniyang baba at tila nag-iisip.

“Serenade her! Court her! ‘Yun ang mga gusto ng mga babae, then buy her gifts!”

“What kind of gifts?”

Tinignan siya ng kaibigan na hindi makapaniwala dahil sa lumabas sa bibig niya.

“Ilang taon ka na bang nabubuhay sa mundo at hindi mo alam yan?”

Naipukpok ni Alexander ang folder sa ulo ng kaibigan dahil sa sinabi nito.

“Okay! Okay! Naalala ko, number 1 playboy ka nga pala dati tsk. Hmm… flowers and chocolates!”

“Okay, then buy me some flowers and chocolates. Ibibigay ko kay Xandra,” sabi niya kay Liam na ikinataas nito ng kilay.

“Ako ba ang manunuyo? Ikaw ang bumili tutal mas kilala mo ang asawa mo!”

Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan kaya napatango nalang ‘din siya. Actually, wala siyang alam sa mga ganong bagay ngunit para sa asawa ay gagawin niya. Lalo na nakikita niya palagi ang dalaga sa hardin nila at inaalagaan ang mga ito.

She love’s flowers he guesses.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Hayyy naku Alex, tanggal in mo na sa buhay mo si Tara, grabe pla mang api yang mga yan. Kawawa nman si xandra
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status