“ANDITO na tayo,” Hindi maiwasan ni Zoey ang mapatingin sa paligid nang pumasok sila sa isang office. Mayroon doong limang lamesa na kung saan ay maraming mga tambak na papeles sa ibabaw ng lamesa. Isang typical na itsura ng office ngunit iyon ay familiar kay Zoey. “Ipapakita ko sa inyo ang huling CCTV kung nasaan si Cath,” Natauhan si Zoey mula sa kaniyang pagtingin sa paligid ng bigla nalamang magsalita ang lalaking tinawag ni Xavier kanina na Fritz. Nagpunta sila sa isang table sa may left side then naka-open na ang laptop na naroon at mayroong plinay na video si Fritz. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Zoey ng makita niya ang paglalakad ng kaniyang kapatid na si Catherine. Walang ibang tao sa hallway pero ilang sandali lang ang lumipas ay biglang dumami na dahil tumunog ang bell. Dahil sa sobrang daming tao ay nahirapan silang hanapin kung nasaan si Catherine pero kalaunan ay nakita ‘din nila. “What?” hindi makapaniwalang tanong ni Xavier ng bigla nalamang mawala si
KATATAPOS lang ng pag-uusap nila Zayne sa office nito sa gangster world nang agad may tumawag sa kaniya sakto pagbukas niya ng kaniyang cellphone. Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan at biglang nagtaka ng bigla nalamang tumayo si Zayne na mababakasan ang pag-aalala sa muka nito. “Pupunta na kami jan.” seryosong sabi nito at binaba agad ang tawag. “Anong meron Zayne?” takang tanong ni Bianca. “Catherine is missing.” Biglang nanlaki ang mata ng mga ito at agad na nag-alala dahil sa sinabi nito. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon dahil dali-dali na silang umalis doon pabalik sa university. Mabuti nalang at malapit lang iyon kaya hindi na sila mahihirapan pa at matatagalan. Samantalang sa kinalalagyan naman nila Xavier at Fritz, katatapos lang nilang tawagan si Zayne na mabuti at nasagot nito. Pagkababang pagkababa ni Xavier ng tawag ay ang siya namang pagtunog ng cellphone ni Fritz. “Hello, tita Claire!” bulalas na tawag ni Fritz kay Claire. “Oh, Fritz bakit? Papunta p
Hi Kimmie's! Ang daming galit sa comment section kaya sasabihin ko sa inyo ang reason kung bat ako nawala. Unang-una totoo yung sinabi kong sumasakit talaga ang ulo ko, pangalawa nalaman ko na may Diabetes ako. Pangatlo hindi ko po kayo pinilit na basahin ang STORY ko na ito. Nung mga panahong sinusulat ko ang TWINS ADVENTURE sumasakit na talaga ang tuhod ko kapag nagsusulat ako. Diko pa pinapansin yun kasi baka ngawit lang ako kakaupo ng limang oras makasulat lang ng isang chapter. Yes, hindi biro ang pagsusulat at inaabot ako ng ganiyan kahabang oras kaya sana na-appreciate niyo yun. Nito lang lumala sakit ng tuhod ko sabayan mo pa ng ulo ko. Alam ng mga solid reader's ko na araw-araw akong may update, kapag may sakit lang ako di nakakapag-update. Kahapon nga lang masakit nanaman siya at lalagnatin sana ako buti nadala ng gamot. Hindi sana ako mag sasabi ng ganito dahil baka sabihin niyo nag dadrama lang ako pero grabe naman po kayo. Totoo mga sinasabi ko. Imbes na ganahan ako ma
“MAMAYA mo nalang isipin ang tungkol saakin Zoey. Ang mahalaga ay makuha na natin si Catherine, hindi siya safe sa kamay ni Katheryn.” Ulit na sabi sa kaniya ng babaeng kaharap niya ngayon kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango ng dahan dahan. Sobrang daming katanungan sa isip niya, sino ang babaeng iyon? Bakit ang dami nitong alam tungkol sa kaniya at paanong kilala niya ‘din ang Katheryn na pangalang kusa niyang nabigkas kanina lang. Sumenyas sa kaniya ang babae na sumunod dito na muli nang sinuot ang mask nito. Tumango lang siya sa babae at sa pangunguna nito ay naglakad sila sa mahabang hallway na iyon. Wala naman siyang nararamdaman na ibang aura na papalapit sa kanila kaya ayos lang. Habang tahimik ang paligid ay hindi pa ‘rin mawawala ang bilis ng tibok ng puso ni Zoey. Hawak niya sa kaniyang kamay ang silencer na dala sa mahigpit na paraan at dinadalangin na sana ay wala ng dumating pa na tauhan. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil paglagpas nila sa hallway na iyo
Muli siyang inalalayan ni Georgia at doon siya lalong humanga sa babae. Sino nga ba talaga ito at anong katauhan niya? Bakit ang galing niyang makipaglaban? Hindi kaya isa ‘rin itong mafia katulad ng pamilya niya o ‘di kaya mayroong organization? Ang daming tanong sa isip niya pero pinili nalang niya muna itong sarilinin. Muli ay napahinto sila dahil may bantay nanaman na paparating at naroroon na sila sa may hagdan pababa mula sa may main door. Ang kaso mas marami ng bantay ngayon keysa kanina. Napilitan si Zoey na itabi muna si Catherine dahil sa sobrang daming bantay. Hindi niya pwedeng hayaan si Georgia ng mag-isa gayong kaya naman niyang lumaban. Baka mamaya ay mapahamak pa ito at hindi kaya ng konsensya niya iyon. “Dito ka muna Catherine babalik ako agad,” huling sabi niya sa kapatid ng itabi niya ito sa lugar na alam niyang walang maaaring gumalaw dito. Kinuha niya muli ang kaniyang baril at hinugot ‘din ang isa pa na dala niya at tumulong na kay Georgia. Iyon ang unang
SERYOSO sila Zayne, Xavier, Bianca, Tiana, Selena, KM at Cedric nang magsimula silang sumugod kung nasaan ngayon si Catherine. Alam nilang naroroon ‘din si Fiona ang kaso ay hindi niya alam kung bakit parang kalmado lang ang paligid at walang nangyayaring gulo. Nagpasimula sila ng pasabog mula sa may west kung saan mas maraming tauhan silang namataan doon. Kasabay ng pagsabog na iyon ay ang pagbaba nila sa kotse at sunod-sunod na tumakbo para talunin ang bantay na naroroon. Nasa loob naman ng kotse si Claire at Zekiel para sila ang maging mata ng mga ito at mabilis na hina-hack ang CCTV. Ngunit kasabay ng pag hack nila ay ang kanilang pagkabigla dahil marami ng patay na tauhan ni Katheryn sa paligid at ang ibang mga tauhan pa ay tumatakbo na paalis at tila umaatras. “Wala na! Patay na ang ibang mga tauhan at tumatakbo na sila paalis!” sabi ni Claire sa earpiece na suot na ikinarinig naman ng magkakaibigan. Napahinto pa sila sandali dahil sa pagtataka pero agad na naisip ni Xavi
“Oh bakit galit na galit ka nanaman anak?” takang tanong ni Claire dito. “Naku tita, baka inaway nanaman niya si Fiona!” sabi ni Tiana na ikinakunot ng noo ni Claire at dali-daling pumasok sa loob kaya walang nagawa si Catherine. Nakita ni Claire na wala na nga doon si Fiona at gulo-gulo na ang higaan nito. Tumingin siya kay Catherine at nameway sa harap nito. Para namang naging maamong tupa si Catherine dahil doon lalo na’t alam niyang papagalitan siya ng ina. “What did you do this time Catherine?” seryosong tanong ni Claire na hindi ikinasagot ng anak. Sila Bianca, Tiana at Selena naman ay gustong matawa dahil sa nakikita nilang reaction ni Catherine. Hilig pa naman nilang asarin si Catherine kapag nasa school. Lalo na siguro ngayon dahil kitang-kita nila ang pagiging maamo nito na tila nagpapa-awa sa ina. “Tinuruan ka ba namin ng daddy mo na maging ganon ha? Nagkulang ba kami sa pag-aalaga sa’yo Catherine?” “M-mommy, hindi po sa ganon.” Agad na sagot ni Catherine sa ina.
“ZAYNE, can I talk to you?” Napalingon si Zayne kay Xavier ng dumating ito. Nasa bar corner siya ngayon kasama sina KM at Cedric pero dahil dumating si Xavier na mukang seryoso ay nagpaalam na muna ang dalawa. Nang mapag-isa silang dalawa ay lumapit si Xavier at tumabi dito. Gabi na ng mga oras na iyon at iniintay nalang nilang magising ang dalawang babae kaya sila naroroon at magkakasama pa. Nagsalin ‘din si Xavier ng kaniyang alak at suminsim muna bago tuluyang nagsalita. Paglingon niya sa kaibigan ay kita niyang natitig ito sa kaniya. “Zayne, remember our secret place at the university?” Napakunot ang noo ni Zayne dahil sa tanong niya na iyon ngunit maya-maya ay tumango. “’Yung sa may puno. Why?” “Tayong tatlo lang ni Zoey ang nakaka-alam ng lugar na ‘yon diba?” Hindi agad nakasagot si Zayne sa tanong ni Xavier dahil pinapakiramdam niya ang lalaki. Alam niya na mayroon itong gustong ipahiwatig ngunit hindi niya agad makuha kung ano. Katulad kanina ay unti-unti siyang t