Share

Chapter 14.3

Muli siyang inalalayan ni Georgia at doon siya lalong humanga sa babae. Sino nga ba talaga ito at anong katauhan niya? Bakit ang galing niyang makipaglaban? Hindi kaya isa ‘rin itong mafia katulad ng pamilya niya o ‘di kaya mayroong organization? Ang daming tanong sa isip niya pero pinili nalang niya muna itong sarilinin.

Muli ay napahinto sila dahil may bantay nanaman na paparating at naroroon na sila sa may hagdan pababa mula sa may main door. Ang kaso mas marami ng bantay ngayon keysa kanina.

Napilitan si Zoey na itabi muna si Catherine dahil sa sobrang daming bantay. Hindi niya pwedeng hayaan si Georgia ng mag-isa gayong kaya naman niyang lumaban. Baka mamaya ay mapahamak pa ito at hindi kaya ng konsensya niya iyon.

“Dito ka muna Catherine babalik ako agad,” huling sabi niya sa kapatid ng itabi niya ito sa lugar na alam niyang walang maaaring gumalaw dito.

Kinuha niya muli ang kaniyang baril at hinugot ‘din ang isa pa na dala niya at tumulong na kay Georgia. Iyon ang unang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden Calubaquib
pls next chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status