Share

Kabanata 98

Blair Castro

NAKASUOT kami pareho ni Lukas ng baseball cap at face mask. Gumala lang naman kami sa kung saan-saan. Kumain saka naglaro sa arcade. Masaya kami. Lalo na ako. Sobrang saya ko kahit kanina ay may nakakita sa aming gumagalang reporter. Mabuti nalang at nailigaw namin.

“You okay?” tanong sa akin ni Lukas habang hawak ang balikat ko.

Tumayo ako ng tuwid at inayos ang suot kong sumbrero. “Ayos lang. Masaya palang mahabol ng reporter.”

Ang lakas ng halakhak niya. “Silly! Pa'no kung inabot tayo?”

Nagkibit balikat lang ako saka natawa. “Ganoon pala ang nararamdaman ng mga sikat. Feeling ko tuloy panandalian akong naging artista.”

Muli siyang natawa saka umiling. Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto mong fishball?”

Napatitig ako sa kaniya nang ituro niya ang ti

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status