Chapter 30Iyak ako ng iyak habang pilit kong pinupulot ang mga gamit kong nagkalat at unti-unting nababasa ng ulan. Pinanood lang ako ng mga guwardiya sa ganoong posisyon at halos wala na akong mukhang maiharap sa kanila dahil sa pagkapahiya.Umalis si Tita. Siguradong umuwi na siya. At alam kong galit na galit siya pero wala akong ibang mapuntahan. Siguradong wala na akong trabaho. Galit na galit sila. Galit na galit si Third.Gusto kong magmakaawa na sana pakinggan niya ako. Gusto kong lumuhod sa harap niya para makiusap. Pero kaya ko bang harapin ang galit niya sa ngayon? Gusto kong humingi ng tawad. Hindi literal na tama si Tita pero pinaniwala ko siya na sinusunod ko ang utos niya kaya may kasalanan rin ako. Kahit sa loob-loob ko ay hindi ang utos ni Tita ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko.Gustong-gusto ko si Third. Gustong-gusto ko siya. At habang binabalikan ko ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ay mas lalo lang akong nadudurog. Imposible nang mangyari lahat ng iyon.
Chapter 31Sinabi ko kay Kayla ang lahat ng mga nangyari. At tulala siya matapos iyon dahil hindi siya makapaniwala. “Teka, Gosh, hindi ko gets. Teka, teka, ano?” gulat na tanong niya kaya napalunok ako saka napapunas sa mga luha kong walang hinto sa pagtulo.“Si Tita kasi—”“Wait, wait, sa una muna tayo. Hindi mo naman inakit ang amo mo, hindi ba? Bakit hindi mo sabihin? Gosh! Hindi ako makapaniwala, Yen! Totoo?!” Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Paulit-ulit niya pa ako tiningnan mula ulo hanggang paa na parang hindi siya makapaniwala na nangyari ang mga sinabi ko.Napasinghap siya kaya namutla.“Naunahan mo pa ako. Pero walang hiya ang Tita mo. Ang sarap itapon sa pacific ocean. Wala na ngang pakinabang wala pang ginawang tama. Pareho sila ng pinsan mong malandi,” inis na sambit niya kaya napahinga ako ng malalim saka napayuko.Kahit ako galit sa ginawa ni Tita at ni Jen. Paano nila nagawa iyon? Bakit nila ibinenta ang bahay? “Anong plano mo ngayon?” marahang tanong niya at
Chapter 32 Namumutla ako at nanghihina habang inaabangan ang mga linya na lilitaw sa pregnancy test na mabilis na binili ni Kayla kanina. Hindi sa ayaw kong mabuntis. Hindi ako handa. Masyadong magulo ang lahat. “Kayla, paano kung…” Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil unti-unting lumitaw ang isang pulang linya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba at nang muling lumitaw ang isa pang pulang linya ay tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko na sinabayan ng malakas na pagsinghap ni Kayla. Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay hinawakan ko ang pregnancy test. “B-Buntis ka,” hindi makapaniwalang sambit ni Kayla kaya napatinghala ako sa kanya. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha pero kitang-kita ko pa rin ang pamumutla niya. “A-Anong gagawin ko? Hindi pa ako handa. Natatakot ako,” nanginginig na sambit ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili na humikbi. Gusto kong magpakalakas pero hindi kaya ng katawan ko. Hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin. “Tutulungan kit
Chapter 1Kasalukuyan akong nagwawalis sa bakuran namin nang bigla kong maisip ang sinabi ng isa sa mga kapitbahay namin na naghahanap daw ng isang katulong ang mga Lizares. Dati kasi siyang katulong dito at noong nakaraan lang umalis dahil magtatrabaho sa ibang bansa. Wala sa sariling napatingin ako kay Tita Gina na abala sa paglilinis ng kuko niya sa maliit naming balcony. Kung papayagan ako ni Tita at gusto kong magtrabaho doon. Lalo na at may plano akong bumalik sa pag-aaral sa susunod na taon. Malaking tulong ang magiging sahod.Unti-unti kong tinabi ang walis na hawak saka ako lumapit kay Tita. Kaagad niya akong binalingan ng may inis sa mga mata.“Tita, nasabi kasi sa akin ni Tita Belcha na naghahanap daw ng katulong ang mga Lizares. Gusto ko po sanang subukan,” mahinang sabi ko pero natawa lang siya ng sarkastiko at umiling ng ilang beses.“Magtrabaho ba talaga o gusto mo lang lumandi ngayong usap-usapan sa buong Laveda na umuwi na tagapagmana nila? Wala ka talagang pinagkaib
Chapter 2Nakita ko ang opisina at kaagad kong nailagay doon ang dala ko. Nandoon rin ang mga katulong na sinusundan ko kanina.“Naligaw ka?” tanong ng isa kaya huminga ako ng malalim bago tumango.“Opo,” sagot ko at napatango naman ang dalawa na parang normal iyon.“Normal lang iyan dahil sa laki nitong mansyon. Tara na,” sabi ng dalawa at nauna na ulit lumabas habang ako ay nanatili pa para huminga ng malalim ulit. Sa narinig kong sinabi ni Sir Armiel ay bigla kong naalala ang mga habilin na Tita.Aakitin ko siya para sa pera.Pero paano?Wala pa man akong ginagawa mukhang pera na kaagad ang tingin nito sa akin.Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lumabas pero bago pa ako makaabot sa pinto ay pumasok si Don Frederick. Eighty years old na ito pero kung titingnan ang sobrang lakas pa rin. Isa ito sa dahilan kung bakit mayaman ang Laveda. Hindi matakaw sa pera at palaging nagdo-donate. Pero base sa nakita at narinig ko kanina ay ibang-iba ang ugali ng apo nito.“Aalis na po ako. Sala
Chapter 3Nang dumating ang araw ng linggo ay day off ko kaya nagpasya akong umuwi sa bahay. Naabutan ko si Tita Gina na nanonood ng tv. Wala si Jen dahil siguradong gumala na naman.“Tita,” mahinang bati ko nang makapasok ako sa bahay kaya kunot noo niya akong nilingon.“Bakit ka umuwi?” tanong niya kaagad at kitang-kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan na nandito ako ngayon.“Day off po kasi Tita—”“May sahod ka na ba?” pagputol niya sa pagsasalita ko.“Wala pa po. Baka sa susunod na linggo ko po matanggap ang kalahati ng sahod ko,” sagot ko kaya mabilis siyang tumayo habang masakit ang tingin sa akin.“Edi sana hindi ka na lang umuwi kung wala ka pang pera! Ano ginawa mo ba ang mga pinagagawa ko sayo? Baka nagtatanga-tangahan ka lang doon!” bulyaw niya kaya nagmamakaawa ko siyang tiningnan saka ako umiling.“Tita, hindi ko po kaya—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil malakas niya akong hinawakan sa siko saka tinulak.“Anong hindi kaya?! Tanga ka ba?!” galit na sigaw n
Chapter 4“Hindi po, t-tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” nanginginig na sambit ko habang patuloy ako sa pag-iyak pero wala lang siyang naging reaksyon. Patuloy lang niya akong pinanood sa pag-iyak. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.Pinaghalong galit, at gulat sa patuloy na pagragasa ng mga luha ko.Ilang sandali pa ay umatras siya. Pero hindi ako tuluyang nakahinga ng maluwag dahil doon. Mas nanghina ang mga tuhod ko at gustuhin ko mang punasan ang mga luha ko ay wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.“Leave,” matigas na sambit niya habang diretso sa akin ang tingin.Hindi ako nakagalaw kaya mas lalong umigting ang panga niya. Kita ko rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya na tila sobrang nagtitimpi ng galit.“I said leave!” Dumagundong ang boses niya sa buong palapag. At doon ako nagkaroon ng lakas para tumakbo palayo habang hindi inaalintana ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.Tumakbo ako pababa at tuloy-tuloy na tumungo sa maid’s quarter.“A
Chapter 5Kung pwede lang mamili ng trabaho ay gagawin ko. Sobrang takot na takot ako kay Sir Armiel na kung sakali mang uutusan ako ni Manang Juanita na may gawin para kay Sir Armiel ay gustong-gusto kong tanggihan. Sa nangyari kahapon ay nabuhay lalo ang kaba ko at takot ko. Nanginginig ako dahil baka dumating ang oras na hindi na lang masasakit na salita ang marinig ko.“Maayos na ba ang kamay mo?” tanong ni Helga nang makita akong nakatingin sa sugat kong maayos na nababalot ng band aid sa umaga. Marahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Doon naman siya napatitig sa akin ng matagal na tila manghang-mangha. At nang bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka ay tumawa siya ng mahina.“Yen, ang ganda-ganda mo talaga! Para kang inosente na walang alam sa hirap ng mundo. Ang ganda mo!” sabi niya kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya.“Hindi naman po,” nahihiyang sabi ko saka tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa kama ko para makatulong na sa labas kaya umayos na rin ng tayo si Helga. Masy