Share

Chapter 6

Chapter 6

Napabalikwas ako ng bangon ng maalimpungatan ako. I checked the time and it's already 11 am.

Oh shit...

Ginawa ko na ang mga ginawaga ko sa umaga at saka bumaba.

"Manang Lucinda? Si Lolo po?"

"Oh, ikaw pala hija. Nasa palayan ang lolo mo, si Sir Ryker naman ay nasa bayan dahil may inaasikaso siya doon. Hindi ka na nila pinagisinh dahil sabi ni Sir Ryker ay nahirapan ka raw makatulog kagabi." Nakangiting sabi ni Manang Lucinda sa akin.

"Ganun po ba. Salamat po. "

"Ipaghahanda na kita ng makakain. Ano bang gusto mo? "

"Ah, magrarice na lang po ako. Tanghali na rin naman." Ngiti ko kay Manang.

"Manang, anong ginagawa mo riyan? Hindi ba at pahinga na natin ngayon? " Napatingin ako sa bagong dating. Base sa uniporme niya ay mukhang kasambahay rin siya. Mukhang nasa twenties pa lang siya.

"Ipinaghahanda ko lang ng pagkain si Daciana, Abby. Kakabangon bangon niya lang kasi." Kita ko ang pag irap sa hangin ni Abby.

"Ah. Ako na riyan manang. Doon na kayo sa hardin."

"No. Siya ang gusto kong maghanda ng pagkain ko, Abby." Malamig na sabi ko kaya naman natigilan siya.

"Señorita, oras na ho ng pahinga ng mga katulong."

"Do I look like I care? Go, magpahinga ka na. Dito muna si Manang. " Naiiritang sabi ko sa Abby na iyon. Anong karapatan niyang mag attitude sa akin?

"Umuna ka na doon, Abby. Susunod na lamang ako." Malumanay na sabi ni Manang Lucing.

Tumango lamang ito kay Manang at saka padabog na umalis.

"What's with her? " Kunot noong tanong ko kay Manang Lucinda.

"Naku, Daciana. Pagpasensiyahan mo na ang batang iyon. Kapag talaga oras ng pahinga ay iniisa isa na niya kaming hanapin."

"Ah, okay. " Sagot ko na lamang at saka kumain.

"Manang, kumain ka na rin. Sabay na tayo."

"Naku, mauna ka na hija." Iling niya sa akin.

"Ayaw niyo ba akong kasabay, manang? " Pinalungkot ko ang boses ko at saka tumingin sa kanya. Natawa naman sa akin si Manang Lucing at saka kumuha ng pinggan niya.

"Ganyang ganyan ang kuya Ryker mo noong unan siyang napunta dito." Dagdag pa ni Manang.

Natawa na lamang ako at saka nagtanong.

"Kumusta naman po si Kuya Ryker, Manang? " Biglang seryosong sabi ko. Ang alam ko, bata pa lang si Kuya Ryker ng mamatay ang mga magulang niya, kaya naamn dito na siya kay Lolo Isidro lumaki.

Napabuntong hininga naman si Manang.

"Okay na ang batang iyon. Hindi naman nagkulang sa kanya si Don Isidro." Tanda ko pa noon ay inaway ni Tita Liz sila Lolo at Lola dahil masyado raw nilang pinagtutuunan ng pansin si Kuya Ryker, marami pa naman daw silang ibang apo.

Noong bata pa ako medyo may inggit din ako, pero habang lumalaki ako ay naiintindihan ko na kung bakit ganun na lamang sila kay Kuya Ryker. Kaya naging favorite ko na rin si Kuya. Bukod naman sa nangyari noon, he's really kind naman talaga.

"Wala po bang nililigawan si Kuya? " Bigla ko na lamang na naitanong kay Manang.

"Hindi ko rin alam, hija. Malihim masyado ang batang iyon." Natatawang sabi ni Manang Lucinda.

Patapos na rin kaming kumain ng bumalik si Abby.

Natigilan ito ng makitang sabay kaming kumakain ni Manang Lucinda.

"Oh, Abby? Bakit bumalik ka na naman? " Takang tanong ni Manang sa kanya.

"Kakain na raw ho tayo, Manang. "

"Naku, tapos na ako. Pinasabay na ako ni Daciana sa kanya."Sabi naman ni Manang.

"Ah. Señorita, nasa labas na ho iyong mga kotse ninyo. Dumating na po kaninang umaga." May isa pang katulong ang pumasok sa kusina.

Oh shit! My babies!

"YES! OH MY GOD! I'M SO HAPPY! " Pumapalakpak na sabi ko habang nagtatatalon.

"Manang, maiwan ko na muna kayo. " Masayang sabi ko at patakbong lumabas ng bahay. Mabuti na lang at malawak ang lupain ni Lolo, kasyang kasya sa labas ang mga sasakyan ko.

THIRD PERSON'S POV

"Hindi man lang niya hinugasahan ang mga kinainan niya. " Angil ni Abby ng makaalis si Daciana.

"Ano bang ikinagagalit mo, Abby? " Malumanay na tanong ni Manang Lucinda.

" Nakakainis ho kasi si Señorita. Oras na ng pahinga ninyo, pinagsilbihan niyo pa siya. Hindi ba siya marunong maghain para sa sarili niya? Tapos hindi man lang niya hinugasahan ang kinainan niya. Tsk, balita ko pa kaya 'yan naririto ay dahil sa kasamaan ng ugali niya sa Maynila. Baka nagsawa na si Señora Frieda sa kanya." Kitang kita ni Manang ang simangot ng mukha ni Abby.

"Hija, paalala ko lang sayo... Kahit na anong gawin ni Daciana ay siya ay isa sa mga amo natin. Matuto kang rumespeto, para tumagal ka rito." Seryosong sabi ni Manang Lucinda. Alam rin nito kung bakit nasa probinsiya nila, pero ng makakwentuhan niya ito kahapon ay alam niyang hindi masamang bata si Daciana.

"Matuto kasi siyang makisama Manang." Pagdadahilan pa ni Abby. Rinig ni Kane ang usapan nila ng pumasok siya sa kusina.

"Ikaw dapat ang matutong makisama sa kanila, Abby. Sila ang nagpapasahod sa iyo, kaya kung ano man ang gawin ni Vi...Daciana ay wala kang pakielam. Galing Maynila ang isang iyon kaya hindi pa niya alam kung paano ang kumilos dito sa Hacienda. " Seryosong sabi ni Kane at saka kumuha ng tubig.

Hindi naman nakaimik si Abby ng si Kane na ang nagsalita.

"Nasaan ho si Daciana, manang? " Baling naman ni Kane kay Manang Lucinda.

"Lumabas, hijo. Sinabi ni Pacing na naririyan na ang mga sasakyan niya kaya naman nagmamadaling lumabas. Nagtatakbo pa nga ang batang iyon ay kakakain lamang. " Naiiling na sabi ni Manang Lucinda kay Kane.

Natawa lamang si Kane, bagay na ikinagulat ng mga nasa kusina. Napansin naman iyon ni Kane kaya napatikhim na lamang siya.

"Pupuntahan ko lang ho muna si Daciana." Sbi nito at saka mabilis na lumabas.

"Oh my! Babies ko! Raki! Lavender! Namiss kayo ni mommy." Naiiling na pinanood ni Kane ang pagyakap ni Daciana sa mga kotse nito. Hindi niya akalaing ang babaeng katulad niya ay mahihilig sa mga ganitong sasakyan.

Napalunok naman siya ng makita ang maraming sasakyan na nakaparada. Iba talaga ang yaman ng pamilya ng dalaga.

DACIANA'S POV

Masaya ako dahil naririto ang mga babies ko. Kahit na ipinatapon ako rito ni daddy para parusahan.

"Tsk." Bigla na naman akong nairita ng maalala ang dahilan kung bakit ako naririto.

"Vitto." Napalingon ako dahil sa tumawag sa akin.

"Oh. Kane? Close ba tayo? " Irap ko dito.

"Vittoria." Malamig na sabi ni Kane kaya naman napatayo ako ng tuwid.

Napaatras ako ng bigla itong lumapit sa akin.

"Ano bang problema mo? "

Sabi ko at hindi nagpatinag sa kanya.

"Bumalik ka sa kwarto mo, tingnan mo nga iyang suot mo! " Pagalit na sabi nito sa akim kaya naman napatingin ako sa sarili ko.

"What?"

"Aalis tayo, pupunta tayo sa bayan." Malamig na sabi nito at saka ako tinalikuran para umalis.

Anong bang problema niya? Wala namang masama sa suot ko. Tsk.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status