Share

Chpater 7

Chapter 7

Suot ang isang Prada croptop, highwaist denim shorts at nike airforce ay lumabas na rin ako. I checked myself in the mirror.

"Damn this lipstick." Naiiritang sabi ko at saka binura iyon. Sa sasakyan na lang ulit ako maglalagay.

"Where's Abby?" Tanong ko kay Manang Pacing pagkababa ko.

"Tatawagin ko lang Daciana, nasa likod bahay yata siya."

"Sige po, salamat." Napabuntong hiningang sabi ko.

"Señorita, hinahanap niyo raw po ako? "

"Here, take this. " Iniabot ko sa kanya ang lipstick na hindi ko na nagustuhan.

"Sayo na iyan, I don't like the shade."

"Po? "

"Don't use 'po', mas bata ako sayo. Just call me Daciana, sige na. Nagmamadali rin ako."

Hindi ko na siya hinintay na umimik at saka lumabas ng bahay.

"Bakit iyan ang suot mo? " Bungad sa akin ni Kane ng makarating ako sa garahe.

"What? May mali ba sa suot ko? " Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Masyadong..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.

"Halika na nga. Kanina pa tayo hinihintay ni Sir Ryker." Malamig na sabi niya.

"I'll use my car. Convoy na lang tayo." Sabi ko sa kanya.

"Vittoria, ang sabi ni Sir Ryker ay ipagmaneho kita. "

"Kaya kong magmaneho Kane. "

"Pareho tayong mapapagalitan. " Napabuntong hiningang sabi niya sa akin.

"Tsk. Let's just use my car. " Ibinigay ko kay Kane ang susi ng kotse ko.

"Vitto?"

"What? "

"Aling kotse? " Parang nauubusan na ng pasensiyang sabi ni Kane.

"Oops. Ito ang gagamitin natin, my baby Shiloh! " Ngisi ko sa kanya.

Naiiling na binuksan ni Kane ang pintuan ng kotse ko.

"Sumakay ka na. Napakatagal mo pa lang mag ayos. "

"Sorry! " Nagpeace sign ako sa kanya at saka sumakay sa kotse.

Hindi rin nagtagal ang pagbyahe namin at narating agad namin ang bayan ng Sta.Ana.

"Nandito na tayo."

"What? Ito na yon? "

"Oo. Ano bang inaasahan mo? " Mataray na tanong niya sa akin.

Napatingin na lamang ako sa paligid at saka bumaba ng sasakyan.

"Daciana!" Bigla namang lumapit sa amin ni Kane si Joseph.

"Akala ko ba mas gusto mong maglibot mag isa? Bakit kasama mo itong alalay ni Sir Ryker? " Kita ko ang maangas na tingin niya kay Kane.

"May pangalan siya, Joseph. Excuse us, nagmamadali kasi kami ni Kane."

"Teka, pasama na rin ako. Papasok din ako sa loob, pinapunta kasi ako dito ni papa." Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Okay. Let's go, Kane." Kay Kane ako sumabay kahit na pilit isinisingit ni Joseph ang sarili niya para makipag usap sa akin.

"Nagmiryenda ka na ba? May alam akong masarap na kainan doon sa may tabi ng simbahan. Baka gusto mong subukan, Daciana."

"Nope. May gagawin kasi kami nila Kuya Ryker ngayon." Naiirita na ako sa kanya pero hindi ko na lang ipinahalata.

"Vitto." Seryosong sabi ni Kane sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Nandito na tayo. " Kumatok siya sa pintuan bago pumasok, sumunod na lamang ako sa kanya ng hindi man lang tinatapunan ng tingin si Joseph.

"Magandang hapon po. " Bati ni Kane sa mga nasa loob. May mangilan ngilan kasing tao sa loob ng opisina.

"Good afternoon po. " Bati ko na lang din sa kanila.

"Kuya Ryker." Matamis na ngiti ko kay Kuya.

"Late kayo. Kanina pa akong naghihintay sa inyo dito."

"Sorry kuya, tinanghali kasi ako ng gising." Ngiwi ko.

"Daciana, mabuti at napapasiyal ka rito." Napalingon ako kay Konsehal Alwin.

"Kayo po pala, good afternoon po."

"Magandang hapon rin sayo, hija. Mabuti na lang pala at pinapunta ko rito ang anak ko." Napataas na lang ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Vitto." Saway sa akin ni Kuya Ryker.

"Paalis din kami, Konsehal. Ipapaayos namin ang cellphone ni Vittoria. "

"Ah, ganun ba. Sayang naman, pwede sana silang maglibot para malaman na ni Daciana ang pasikot sikot dito."

"No need naman po, konsehal. Nandyan naman po si Kane para samahan ako if ever." Nakangiting sabi ko.

"Nako, hija! Abala rin ang batang iyan. Kapag hindi sa hacienda ninyo ay dito sa munisipyo." Natatawang sabi sa akin ni Konsehal Alwin.

"I'm sure he can make time. Right, Kane? " Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Nakakunot noo namang tumingin sa akin si Kane.

"Kuya, tara na? Para makauwi rin tayo agad." Baling ko kay Kuya Ryker.

"Okay, let's go." Tumayo na si Kuya mula sa kanyang pagkakaupo at saka nagpaalam sa kanyang mga kasamahan.

"Ryker? Pwede niyo bang isabay ang anak ko? " Tanonh pa ni Konsehal Alwin kay Kuya."

"Oo naman, no problem." Sang ayon lang ni Kuya.

Sabay sabay kaming lumabas ng munisipyo.

"Sa akin ka na sumabay, Joseph. Kane, hayaan mong magdrive si Vittoria." Agad namang tumango si Kane bilang pag sang ayon.

"Ah, kuya Ryker? Baka pwedeng kay Daciana na ako sumabay? " Napangisi naman si Kuya Ryker dahil sa tanong ni Joseph.

"Sure." Pagpayag niya, matagumpay namang ngumisi si Joseph at saka napatingin kay Kane.

"Sa inyo na ba ako sasabay, Sir? " Seryoso namang tanong ni Kane kay Kuya.

"Oo, tara na. Sa kabilang bayan pa tayo pupunta."

"Gaano kalayo ba iyon mula rito? " Tanong ko.

"Two hours, Vitto. Maganda pati ang kalsadang daraanan natin. Bagong gawa kasi iyon at wala pa masyadong dumaraan."

"Oh." Wala sa sarili akong napangisi.

"Bakit? " Nagtataka namang tanong ni Joseph sa akin.

"Wala, sumakay ka na lang. Hindi ba at gusto mong sumama? "

Mabilis naman siyang tumango at saka sumakay sa kotse ko.

"My car key? " Inilahad ko ang kamay ko kay Kane at mabilis niyang iniabot sa akin ang susi ko.

"Huwag mong masyadong takutin iayng batang kasama mo, Vitto." Tawa sa akin ni Kuya Ryker.

Inosente naman akong ngumiti at saka sumakay sa kotse ko.

"Seatbelt mo."

"Ay, pasensiya na. Sobrang ganda talaga nitong kotse mo."

"Thanks. My baby Shiloh is a ford mustang." Nakangiting sabi ko.

"Baby Shiloh? May pangalan itong kotse mo? " Natatawang tanong niya.

Pinaandar ko na ang sasakyan at saka sinagot ang tanong niya.

"Yeah, lahat ng sasakyan ko ay may pangalan."

"Ilan ba ang sasakyan mo? " Curious na tanong niya.

" I have 7 cars and 3 big bikes. "

"Wow! Sobrang dami naman. Si papa hirap pa akong ibili kahit isang motor lang e." Nagkakamot sa ulong sabi niya.

"Ah. Kapag nakapagtapos ka at nakapagtrabaho, pwede ka ng mag ipon para makabili ka."

"Sana nga ganun lang kadali."

Hindi na lamang ako umimik at saka tinuon ang sarili sa daan.

"Daciana, may sasabihin pala ako sayo." Biglang imik ni Joseph.

"Ano naman iyon? "

"Wala ka bang napapansin kay Kane? "

Napakunot noo na lamang ako.

"Bakit? "

"Napapansin kaso namin ni papa na masyadong malapit si Kane sa Lolo at Kuya mo. Alam mo yun, parang ang s****p niya masyado. "

Natawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Seryoso ako, Daciana. "

"I don't care. He's working for our family. Syempre kailangan niyang gawin ang lahat para hindi siya mapaalis. " Sarkastiko akong napatawa.

Pumantay sa amin si Kuya Ryker at saka sila nagbaba ng salamin. Diretso naman ang tingin sa akin ni Kane kaya napangiti na lamang ako. Tumango na lanh ako kay Kuya Ryker.

"Ayusin mo ang seatbelt mo." Utos ko kay Joseph. Nalilito man ay inayos na rin niya.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko.

"AHHHHH! " Napasigaw si Joseph pero hindi ko siya inintindi, bagkos ay mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho.

"Damn it! Ayan na agad sila." Naiinis na sabi ko. Magaling ding magmaneho si Kuya. Kapag lumuluwas siya sa Maynila ay palagi kaming sa mga race track pumupunta.

"DAHAN DAHAN DACIANA! "

"SHUT UP! " Sigaw ko rin kay Joseph.

May paliko kaminh daraanan kaya naman nagdrift ako. Nangunguna pa rin kami kaya lang sigurado akong may plano si Kuya Ryker.

"Oh, I know how you drive kuya." Ngisi ko at saka ipinaling sa kabila ang kotse ko para hindi siya makalampas. Magkadikit pa rin halos ang sasakyan namin pero nangunguna pa rin ako.

"Na-ah, hindi mo ako matatalo ngayon." Tawa ko at mas lalong binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse ko. Nang makita ko ang malaking signage at malampasan iyon ay saka ko lamang binagalan ang takbo. Bumusina pa si Kuya kaya naman itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada.

Mabilis akong bumaba at tumatawang hinintay si Kuya.

"Natalo kita Kuya! Akala mo ha?! " Tumatawang sabi ko sa kanya ng makababa siya sa kotse niya.

Bumaba rin si Kane at Joseph at parehong nagsuka sa gilid ng kalsada.

"Fuck! That's dangerous, Vitto! " Angil ni Kuya Ryker sa akin.

"Well, iyon ang bago kong natutunan bago ako umalis ng Manila." Kibit balikat na sabi ko.

"Hey, baka nagsuka ka sa kotse ko! " Sumusuka pa rin si Joseph habang nanlalambot na napaupo si Kane.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status