Chapter 14Lumipas ang isang linggo at maayos na ang likod ko. Sa wakas, makakaalis na ulit ako. Umuwi na rin sa Maynila sila Letizia. FLASHBACK"God! Anong klaseng bakasyon ito? Naging tagapag alaga mo lang kami, Vittoria! " Angil ni Letizia sa akin. Nandito kami ngayong apat sa kwarto ko at naglalaro ng card games."C'mon, it's an honor to take care of me." Maarteng sabi ko sa kanya. Pinitik naman niya ako sa noo dahil doon."Uuwi na kami sa isang araw. Hindi man lang tayo nakapag inom. " Sabi naman ni Dion."Huh? Akala ko ba one month kayo rito? " Kunot noong tanong ko."Nalaman ni daddy na ipinusta ko ang kotse ko. Kaya ayun, pinapauwi na kami." Nakangiwing sabi ni Blake at saka napakamot sa ulo."Simulan mo ng maghukay ng paglilibingan mo, Blake." Tawa ko sa kanya." Tsk, masyado kasing confident." Pang aasar naman ni Letizia kay Blake."Ikaw, Leti? Kasabay ka na rin nila? " Baling ko naman sa kanya."Yep. Alam mo naman si mommy." "Huwag ka na munang umuwi. Ipagpapaalam kita s
Chapter 15 "Hi po! Can I buy this po? And this one? " Matamis kong nginitian ang nagtitinda sa may tabi ng simbahan. "Aba, hija! Ikaw iyong pinsan ni Sir Ryker, ano? " Ngiti sa akin ng magtitinda habang inaasikaso ang binibili ko. "Yes po. " Tumatangong sabi ko. "Nag iisa ka ba ngayon? Mabuti at pinapayagan ka nila Sir na lumabas mag isa." "Oo naman po, medyo abala rin po sila ngayon." Sagot ko naman sa kanya. Nang makabili ako ay naupo na ako sa isang bakanteng upuan doon. Medyo marami rami ang tao ngayon, palibhasa ay bakasyon ng mga school. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkain at pagkuha ng mga litrato. Araw araw na yata akong may post sa social media accounts ko. Hindi ko napansin na may biglang lumapit sa akin. "Daciana! " Nakangiting bati sa akin ni Joseph. May kasama itong dalawa pang lalaki. Tiningnan ko lamang sila at hindi umimik. "Ah. Mga kaibigan ko nga pala! Si Jay at Luis." Nginitian naman ako ng mga kasama niya. "Nag iisa ka yata? Bakit wala si Kan
Chapter 1"Go! Dashi! Shot! Shot! " Hiyawan ng mga kaibigan ni Daciana Vittoria. Nasa isang bar sila at nagkakasiyahan.Mabilis namang inubos ni Daciana ang alak sa kanyang baso."Woooh! That's our girl! " Sigawan ng mga kaibigan nito."Body shot! Body shot! " Udyok pa ng mga kaibigan ni Daciana sa kanya.Napangiwi ako ng marinig ang pinapanood na video ni daddy.Fuck! I'm dead."What the hell is this, Vittoria? " Striktong tanong sa akin ni Daddy."Dad... Nagkasiyahan lamang kami nila Janine last night." Pagdadahilan ko kay daddy."Nagkakasiyahan? Ha? Sabi ko sayo na huwag kang aalis ng bahay! And then, ito ang makikita ko ngayon sa social media! My god, Vitto! You look like a whore in this video! " Galit na galit na sabi sa akin ni daddy."Hon, calm down ." Yes, my savior. Mommy ko! Sabi ko sa aking isip."No! Sumusobra na ang anak mo Frieda! Palagi na nating siyang pinagbibigyan sa mga gusto niya. It's time para tayo naman ang pagbigyan niya. Uuwi ka sa bahay ng Lolo Isidro mo!
Chapter 2Nang sumunod na araw ay pinayagan ako nila mommy na lumabas. Magkikita kita kami ngayon nila Janine para maglunch.Hindi ko rin iniimikan kanina si daddy, nagbabakasali akong mabago ko pa ang desisyon niya.Nagsuot na lamang ako ng isang polo croptop na kulay light pink, kapares nito ang isang skirt na umaabot hanggang sa binti ko. Sa pampaa naman ay nagsuot na lamang ako ng heels na kakulay ng suot kong damit. Naglalagay ako ng kaunting make up sa mukha ko ng biglang pumasok si mommy sa aking kwarto."Baby, here. Gamitin mo muna itong card ko. " Iniabot sa akin ni mommy ang isang itim na credit card. Naalala kong pati nga pala mga cards ko ay kinuha ni daddy kagabi, pati na rin ang susi ng mga kotse ko.Napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap ang ibinibigay na card sa akin ni mommy."Thanks , mom.""You're welcome, baby. Bilhin mo ang mga gusto mong bilhin. Ako na ang bahala sa daddy mo. " Tumango na lamang ako at saka nagpaalam sa kanya.Nang makarating ako sa mall
Chapter 3Gamit ang bago kong kotse ay umalis na rin ako. Pauwi ako ngayon sa bahay ni Lolo at pinayagan ako ni daddy na ako na mismo ang magdrive ng kotse ko. Sa edad ko na 18 ay agad akong nag exam ara makakuha ng lisensiya. Isa ito sa hiniling ko kila mommy matapos akong magbirthday.Pitong oras daw ang layo ng probinsiya nila Lolo sa Maynila kaya naman maaga akong umalis sa amin. May google maps naman kaya hindi ako maliligaw.Si Lolo Isidro ay ama ni Mommy. Si Lola Andrecia naman ay limang taon ng patay dahil sa cancer. Ang alam ko ay ang kasama ni Lolo Isidro sa kanyang hacienda ay ang pinsan ko na si Kuya Ryker. Anak ito ng panganay na kapatid ni Mommy. Ang alam ko ay tatakbo si Kuya Ryker bilang Mayor sa susunod na taon sa probinsiya. Binata ito mukhang walang balak na mag asawa.Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang aking cellphone."Hi, mom!""Nasaan ka na ? ""Mom, two hours palang akong nagbabyahe." Natatawang sabi ko."Kung may kasama ka sanang driver ay mapapanatag a
Chapter 4"Sorry kuya. "Nagtataka namang tumingin sa akin si Kuya Ryker."Bakit ka naman nagsosorry, Vitto? " Tanong ni Kuya sa akin."Kasi kanina, yung sa miryenda. I didn't mean to offend your visitor." Napakamot ako sa aking ulo.Natawa naman sa akin si Kuya."It's fine. Gusto ko lang matikman mo iyong dala nila. Masarap kasi talagang gumawa ng mga miryenda ang asawa ni Konsehal. " Tinapik ni kuya ang balikat ko."Bukas pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga kakanin tsaka ng mga tuhog tuhog doon. Wala kasing mga five star na restaurant dito." Malumanay na sabi sa akin ni Kuya Ryker."Salamat, kuya." "Sige na, magpahinga ka na. Tatawagin na lang kita mamaya kapag maghahapunan na tayo. Masyado ring mahaba ang byahe mo kanina. "Tumango na lamang ako at saka nagpaalam sa kanya. Dumiretso na ako sa aking kwarto upang magpahinga. Nakita kong mayroong isang katulong doon na nag aayos ng mga gamit ko."Pasensiya na, Señorita. Hindi ko pa natatapos itong mga inaayos ko." Hinging pauman
Chapter 5Fuck! Hindi ako makatulog. Inis na inis akong bumangon. Ito lamang ang mahirap sa akin kapag nasa ibang bahay, nahihirapan talaga akong matulog. Padabog akong bumangon para bumaba. Maghahanap na lang ako ng pwede kong kainin sa kusina. Tahimik akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa kusina."FUCK! " Gulat na sabi ko dahil sa nakatayong bulto sa may kusina. Naibato ko sa kanya ang hawak kong cellphone."Aray ko." Saktong pagharap ni Kane ay tumama sa noo niya ang cellphone ko."Oh, shit! Ang cellphone ko! " Dali dali akong lumapit kay Kane para pulutin sa paanan niya ang cellphone ko.Damn it! Basag na basag ang screen nito atdi namatay pa. Ipinatong ko na lamang ito sa table pagkatapos ay saka ko binalingan ng pansin si Kane."Sorry, Kane. Natakot kasi ako ng makita ka, akala ko multo." Nahihiyang sabi ko. Napansin ko naman na nagkabukol ang ulo niya kaya naman kumuha ako ng yelo at isang tela para ibalot iyon."Maupo ka muna. Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman s
Chapter 6Napabalikwas ako ng bangon ng maalimpungatan ako. I checked the time and it's already 11 am. Oh shit...Ginawa ko na ang mga ginawaga ko sa umaga at saka bumaba."Manang Lucinda? Si Lolo po?""Oh, ikaw pala hija. Nasa palayan ang lolo mo, si Sir Ryker naman ay nasa bayan dahil may inaasikaso siya doon. Hindi ka na nila pinagisinh dahil sabi ni Sir Ryker ay nahirapan ka raw makatulog kagabi." Nakangiting sabi ni Manang Lucinda sa akin."Ganun po ba. Salamat po. ""Ipaghahanda na kita ng makakain. Ano bang gusto mo? ""Ah, magrarice na lang po ako. Tanghali na rin naman." Ngiti ko kay Manang."Manang, anong ginagawa mo riyan? Hindi ba at pahinga na natin ngayon? " Napatingin ako sa bagong dating. Base sa uniporme niya ay mukhang kasambahay rin siya. Mukhang nasa twenties pa lang siya."Ipinaghahanda ko lang ng pagkain si Daciana, Abby. Kakabangon bangon niya lang kasi." Kita ko ang pag irap sa hangin ni Abby."Ah. Ako na riyan manang. Doon na kayo sa hardin." "No. Siya ang g