Share

Chapter 3

Chapter 3

Gamit ang bago kong kotse ay umalis na rin ako. Pauwi ako ngayon sa bahay ni Lolo at pinayagan ako ni daddy na ako na mismo ang magdrive ng kotse ko. Sa edad ko na 18 ay agad akong nag exam ara makakuha ng lisensiya. Isa ito sa hiniling ko kila mommy matapos akong magbirthday.

Pitong oras daw ang layo ng probinsiya nila Lolo sa Maynila kaya naman maaga akong umalis sa amin. May g****e maps naman kaya hindi ako maliligaw.

Si Lolo Isidro ay ama ni Mommy. Si Lola Andrecia naman ay limang taon ng patay dahil sa cancer. Ang alam ko ay ang kasama ni Lolo Isidro sa kanyang hacienda ay ang pinsan ko na si Kuya Ryker. Anak ito ng panganay na kapatid ni Mommy. Ang alam ko ay tatakbo si Kuya Ryker bilang Mayor sa susunod na taon sa probinsiya. Binata ito mukhang walang balak na mag asawa.

Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hi, mom!"

"Nasaan ka na ? "

"Mom, two hours palang akong nagbabyahe." Natatawang sabi ko.

"Kung may kasama ka sanang driver ay mapapanatag ang loob ko." Malumanay na sabi sa akin ni mommy.

"Mom, okay lang ako. You how I love driving. Mag iingat naman ako. I'll call you once I get there? Okay."

"Okay, baby. Bukas na raw ipapasunod ng daddy mo ang iba mo pang sasakyan. Take care."

"Yes, mom. Thanks. I love you."

Nasa kalagitnaan ako ng pagbyahe ng makaramdam ako ng gutom. Kumain na lang ako sa isang fastfood chain at saka muling nagbyahe.

Mag aalas dos na ng hapon ng marating ko ang malawak na lupain ni Lolo Isidro.

"Hija! Nandito ka na." Natutuwang sabi ni Lolo, kasama nito ngayon si Kuya Ryker.

"Lolo! " I squeeled. Nagmano ako sa kanya at saka yumakap.

"Namiss ko kayo lolo." Sinserong sabi ko.

"Namimiss! E kaya ka lang naman napauwi dito ay dahil sa pasaway ka! " Pinitik ni Lolo ang noo ko.

"Ouch, lolo! Kuya Ryker, si Lolo oh! " Sumbong ko kay Kuya at saka lumapit dito.

"Hay nako, Vitto! Sinabi ko na nga ba at lalaki kang sutil." Natawa naman ako sa sinabi ni Kuyabat saka yumakap sa kanya.

"Sorry kuya."

"Paalala ko lang sayo Vitto, ha? Huwag mo sanang mamasamain, alam mong tatakbo akong Mayor sa susunod na halalan. Ayoko ng gulo, okay ba iyon? "

"Ryker, hijo. Kararating lamang ng pinsan mo. " Iling ni Lolo, natawa na lamang ako dahil doon.

"Opo kuya. Sinabihan na rin ako ni Daddy. Huwag daw po akong magpapasaway dito para lang makauwi ako sa Maynila dahil nga po tatakbo kang Mayor sa susunod na taon."

"Good. Let's go, kumain na muna tayo." Aya ni Kuya Ryker sa amin.

"Julio, pasuyo ng mga gamit ni Vitto. Iakyat mo na sa kwarto niya." Utos ni Kuya Ryker sa isang tauhan ng makapasok kami sa loob ng kabahayan.

"Hija, sa isang buwan pa ang enrollan sa unibersidad. May oras kapa para mag aliw dito sa atin." Malumanay na sabi sa akin ni Lolo Isidro.

"Sige po, Lo. Salamat po." Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya.

"Hmm, ito ba ang apo ko na sinasabi ni Damon ay pasaway. Bakit parang anghel ang apo kong ito?" Biro sa akin ni Lolo Isidro.

"Lolo naman, baka pauwiin ako niyan ni Daddy sa Manila." Tawa ko naman sa kanya.

"Huwag kayong magpapalinlang sa mga kampon ng kasaman, Lolo. " Nahampas ko si Kuya Ryker dahil sa sinabi niya.

"Kuya, ikaw ang bad sa akin. Lolo, si Kuya oh!" Busangot na sabi ko.

"Iww, ang pangit ng itsura mo! " Pang aasar pa sa akin ni Kuya Ryker.

" Duh! Saan banda pangit ang mukha ko, kuya? Tingnan mo nga! " Mas iniharap ko pa kay Kuya Ryker ang mukha ko pero sinundot niya lang ang ilong ko.

"Pangit! " Tumatawang sabi niya at pati si Lolo Isidro ay natawa na rin.

Nagkakasiyahan kaming tatlo ng biglang may biglang umimik .

"Uh, Sir Ryker? Don Isidro? " Napalingon ako sa lalaking umimik.

Moreno ito at mayroong matipunong katawan. Matangos ang ilong nito at mapupula ang labi.

"Bakit, Kane? May problema ba? " Si Kuya Ryker ang unang nagsalita habang ako ay nakatitig lamang sa gwapong lalaki.

"May bisita po kayo, bigla pong dumating si Konsehal Alwin. Hinahanap ka po Sir Ryker." Baritono ang boses nito at puno ng kaseryosohan.

"Papasukin mo na lang siya, hijo." Malumanay na sabi ni Lolo Isidro.

"Siya nga pala, siya si Daciana. Siyo iyong sinasabi kong apo ko na dito muna titira sa akin." Pakilalas a akin ni Lolo Isidro kay Kane.

"Magandang hapon po, Señorita."

Puno ng kaseryosohang sabi nito.

"Good afternoon din. Daciana na lang." Kumaway ako dito at saka matamis na ngumiti.

Tumango lamang ito sa akin at saka namaalam para puntahan ang bisita ni Kuya Ryker.

Nagpaalam na rin muna ako kila Kuya dahil magpapalit muna ako ng damit.

Suot ang isang kulay baby pink na sleeveless dress ay bumaba na ako.

Rinig ko ang tawanan sa ibaba kaya naman sumilip muna ako.

"Oh, she's here. Daciana, this is Konsehal Alwin and his son Joseph." Pakilala sa akin ni Lolo Isidro sa mga bisita.

"Good afternoon po." Bati ko sa kanila.

"Napakagandang dalaga ng apo mo, Don Isidro. Magandang hapon rin hija. " Ngiti nito sa akin.

"Good afternoon, Daciana. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo, napakaganda." Nakangiting bati naman sa akin ni Joseph.

I mentally rolled my eyes.

Iww.

Umakbay naman si Kuya Ryker sa balikat ko, bago tumikhim.

"Nandito siya ngayon sa amin dahil nagpasaway sa Maynila, Konsi." Natatawang sabi ni Kuya. Halatang iniiiwas ako sa binatang anak ni Mr. Alwin.

"Naku, ganun naman talaga ang mga kabataan sa Maynila. Kaya itong anak ko, kahit anong pilit ay ayaw kong sa Maynila mag aral. Baka maging pasaway."

Natawa na lang din ako sa sinabi niya kaya naman napatingin sila sa akin.

"Bakit, hija? " Tanong sa akin ni Konsehal Alwin.

"Wala po. Pasensiya na, may naalala lang po ako." Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

"Uh, baka gusto mong maglibot dito sa Sta. Ana? Pwede kitang samahan para hindi ka maligaw." Mungkahi sa akin ni Joseph.

"No need. Kaya ko naman sigurong mag ikot mag isa." Tanggi ko sa kanya.

" Tama siya, hijo. Umuwi nga siya mag isa dito, sa kanya iyong kotse na nakita mo sa labas." Nakangiting sabi naman ni Lolo Isidro.

"Wow, ang astig ng kotse mo." Namamanghang sabi ni Joseph sa akin.

"Salamat."

"Naririto na po ang miryenda ninyo." Magalang na sabi ng katulong at saka ibinaba ang dala niya. Napatikhim naman ako ng makita ang dala niya.

"Lolo, what's this? " Tanong ko kay Lolo Isidro.

"Naku, ang apo ko. Pagpasensiyahan niyo na siya." Natatawang sabi ni Lolo sa bisita.

"Turon iyan. Dala iyan nila Konsehal." Napatango na lamang ako at sinuri ang dala nila. May pumasok pa na isanh kasambahay na may dalang tray. Chocolate cake iyon at saka juice.

Hindi ko na ginalaw ang dala ng nga bisita ni Kuya Ryker at pinagtuunan na lamang ang cake at juice.

Hindi na rin ako nagsalita dahil tungkol sa pagpapaganda ng bayan ang pinag uusapan nila.

"Daciana, tikman mo ito. Masarap ang luto niyan, niluto talaga iyan ng mama ko para sa inyo." Malumanay na sabi sa akin ni Joseph. Umiling na lamang ako sa kanya at hindi nagsalita.

Kita ko naman ang pagbuntong hininga ni Kuya Ryker at nilagyan ang plato ko ng turon.

"Kuya..."

"Just a bite, Vitto. "

Tumango na lamang ako sa kanya at tinikman na rin ang dala nila.

Well, its not bad.

Inubos ko na lamang ang inilagay ni Kuya Ryker sa aking plato. Nakita ko naman ang pagngiti ni Joseph.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status