Share

Chapter 4

Chapter 4

"Sorry kuya. "

Nagtataka namang tumingin sa akin si Kuya Ryker.

"Bakit ka naman nagsosorry, Vitto? " Tanong ni Kuya sa akin.

"Kasi kanina, yung sa miryenda. I didn't mean to offend your visitor." Napakamot ako sa aking ulo.

Natawa naman sa akin si Kuya.

"It's fine. Gusto ko lang matikman mo iyong dala nila. Masarap kasi talagang gumawa ng mga miryenda ang asawa ni Konsehal. " Tinapik ni kuya ang balikat ko.

"Bukas pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga kakanin tsaka ng mga tuhog tuhog doon. Wala kasing mga five star na restaurant dito." Malumanay na sabi sa akin ni Kuya Ryker.

"Salamat, kuya."

"Sige na, magpahinga ka na. Tatawagin na lang kita mamaya kapag maghahapunan na tayo. Masyado ring mahaba ang byahe mo kanina. "

Tumango na lamang ako at saka nagpaalam sa kanya. Dumiretso na ako sa aking kwarto upang magpahinga. Nakita kong mayroong isang katulong doon na nag aayos ng mga gamit ko.

"Pasensiya na, Señorita. Hindi ko pa natatapos itong mga inaayos ko." Hinging paumanhin sa akin nito, kaya naman umiling na lamang ako at saka ngumiti.

"Okay lang po, salamat sa pag aayos ng mga gamit ko. May mga paparating pa po akong gamit, kung maaari po sana ay kayo rin po ang mag ayos ng mga iyon."

Napansin ko kasing napakaayos na ng nga gamit ko at ang mga dapat nakasampay sa cabinet ay mga naroroon na rin. Isama pa na by colors ang pag aayos niya.

"Ganun po ba. Sige po, Señorita. " Ngiti rin nito sa akin.

"Daciana na lang po ang itawag ninyo sa akin. " Natatawa ko pang sabi sa kanya.

Kahit sa Maynila ay sanay akong Daciana lamang ang tawag sa akin ng nga kasambahay.

"Ano pong pangalan ninyo? " Malumanay ko pang tanong.

"Ah. Lucinda ang pangalan ko hija. Hindi kaya magalit sa akin si Don Isidro kapag hindi ka namin tinawag na Señorita? " Naiiling na sabi nito sa akin. Alam kong nagbibiro lamang siya kaya naman natawa na lamang ako.

"Ako na po ang bahala kay Lolo, Manang. Malakas po ako kay lolo." Mayabang ko pa na sabi sa kanya kaya naman natawa rin sa akin si Manang.

"Sus, talaga. Patapos na rin ako rito, hija. Matutulog ka ba? "

"Hindi po, Manang. Dito na lang po muna ako sa balcony." Tumango lamang ito sa akin kaya naman nagtungo na ako sa balkonahe.

Wow, napakaganda ng view dito!

I need to take a selfie. Dali dali kong inayos ang aking sarili at saka kumuha ng magandang anggulo. Habang nagpipicture ay napansin niyang may nakatingin sa kanya.

"Hi! " Kaway niya sa lalaki, si Kane iyon. Inismiran lamang siya nito kaya naman nagulat siya.

What's with him?

Bumalik ako sa loob ng kwarto habang abala sa kanyang cellphone.

"Manang? Matagal na ba dito si Kane? "

"Oo naman, hija. Bata pa lang siya ay dito na siya nagtatrabaho. "

"Ngayon ko lamang siya nakita rito." Nakakunot noong sabi ko.

"Palagi kasing nasa palayan noon ang batang iyan. Simula ng mamatay ang lolo niya na nag aalaga sa kanya ay kinupkop na siya ni Don Isidro. Hanga nga ako sa batang iyan, napakasipag at napakabait. Isa pa, napakatalino ni Kane, 3rd year college na siya sa pasukan." Mahabang paliwanag sa akin ni Manang Lucinda.

"Ganun po ba. Mukhang masungit po siya." Natatawang sabi ko kaya naman natawa na lang din sa akin si Manang.

"Hindi lang talaga palaimik ang batang iyon. Pero kapag naging kaibigan mo siya ay sigurado akong magiging madaldal na rin siya. Ang alam ko nga ay doon lamang siya madalas makipag usap sa kanyang kaibigan na si Katalina."

Mas lalong napukaw ang atensiyon ko ng magbanggit ng pangbabaeng pangalan si Manang. Inabot na yata kami ni Manang Lucinda ng isang oras sa pakikipagkwentuhan.

"Naku, hija. Madilim na pala sa labas. Hindi ko na napansin ang oras." Natatawang sabi sa akin ni Manang Lucing.

" Hayaan niyo na, Manang. Mabuti nga po iyon at nakapagpahinga kayo. " Ngiti ko sa kanya.

"Salamat, hija. O siya, uuna na rin ako. "

"Sige po, manang. Maraming salamat din po sa pag aayos ng mga gamit ko."

Nang makalabas si Manang ay agad akong napangisi. Mukhang hindi ako maiinip sa pamamalagi ko rito.

Ipinost ko sa aking I*******m ang nga litrato ko at maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Mulhang nakita agad nila Janine ang mga litrato ko.

"Hi, girls!"

"Gosh! Sobrang ganda talaga diyan, Dashi! Sana ay isinama mo kami para makapagbakasyon." Maktol ni Cherry.

"Oo nga! Napaka instagramable ng place niyo, Daciana! " Namamangha ring sabi ni Risha.

"Yeah. Medyo boring lang. "

"Sorry, Dashi." Hinging paumanhin ni Risha sa akin kaya naman pagak na lang akong napatawa. Wala naman akong mapapala kung sisisihin ko pa sila.

"It's alright. It's my fault, anyway."

"Paano yan? Hindi ka talaga makakasama sa Siargao? " May panghihinayang na sabi ni Janine sa akin.

"No. Nagtry na akong magpaalam kay Daddy pero hindi talaga siya pumayag. " Buntong hiningang sabi ko.

"Pero okay na iyon. Pagkagraduate natin ng senior high ay mag out of the country na lang tayo." I wiggled my eyebrows na parang nakaisip ng napakagandang idea.

"Oo nga! Gusto kong mag Spain! " Tili ni Cherry at excited na excited.

"Gusto ko naman pumunta sa Maldives. Namimiss ko na ang maggandang dagat." Sabi naman ni Risha.

"Edi ang gawin natin mag one week tayo sa isang country na gustong puntahan ng isa pa." Suhestiyon naman ni Janine habang natatawa.

"Okay. That's a good idea , Ja."

Ikinuwento ko lang sa kanila ang mga nangyari sa unang araw ko dito sa Hacienda, hanggang sa may kumatok sa pintuan ko kaya naman namaalam na ako sa kanila.

"Sige na, bukas na lang ulit tayo mag usap usap. Buti na lang kahit nasa bukid kami ay mayroong wifi dito." Tawa ko.

"Mabuti na lang talaga. Gosh, kung wala siguradong hindi ka tatagal diyan." Natatawang sabi pa ni Janine.

"So true! Sige na, i'll hung up na. Ingat kayo guys." Pinatay ko na ang tawag at saka binuksan ang pintuan.

"Ah. Magandang gabi , Señorita. Ipinapatawag na kayo ni Don Isidro para maghapunan." Malamig na sabi ni Kane kaya naman napatango na lang ako.

"Sige, susunod na ako. Thank you." Sabi ko lang sa kanya at saka muling sinarado ang pintuan. I checked myself in the mirror bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Lolo, I'm here na." Maarteng sabi ko kay Lolo Isidro at saka humalik sa pisngi niya.

"Wow, ang dami nating ulam." Manghang sabi ko.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong ulam, kaya nagpaluto na lang ako ng ilang putahe. " Tumatawang sabi sa akin ni Lolo Isidro kaya naman natawa na rin ako.

"Lolo, hindi naman ako ganoong kapihikan pagdating sa pagkain. " Simangot ko kay Lolo.

"Really? Akala ko pa naman ay mahilig kang magdiet, tingnan mo ang katawan mo. Ang payat payat mo." Pang aasar sa akin ni Kuya Ryker.

"Duh! Hindi lang ako tabain, kuya! I can eat whatever I want." Irap ko kay at saka naupo sa katapat na upuan ng sa kanya.

Isa iyon sa ipinagpapasalamat ko, hindi ko kailangang magdiet dahil mabilis ang metabolismo ng katawan ko.

"Kane! Halika na rito. Kakain na tayo." Napakunot naman ang noo ko ng tawagin ni Kuya Ryker si Kane.

"Wait, sasabay siya sa ating kumain? " Takang tanong ko at natigilan naman si Kane sa pag upo niya.

Natawa na lang si Lolo at saka umimik.

"Oo, hija. Palagi namin siyang sumabay kumain. Hindi ba nasabi sa iyo ng magulang mo na inampon ko si Kane apat na taon na ang nakakalipas? "

"Ah, ganun po ba. Sorry, Kane. Hindi ko kasi alam. Sige na, maupo ka na." Tumango lamang ito sa akin at saka naupo sa tabi ni Kuya Ryker.

"Pagpasensiyahan mo na siya, Kane. "

"Okay lang po, Sir Ryker." Seryoso pa rin ang mukha ni Kane. Para itong robot na walang emosyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status