Share

Chapter 5

Chapter 5

Fuck! Hindi ako makatulog. Inis na inis akong bumangon. Ito lamang ang mahirap sa akin kapag nasa ibang bahay, nahihirapan talaga akong matulog. Padabog akong bumangon para bumaba. Maghahanap na lang ako ng pwede kong kainin sa kusina.

Tahimik akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa kusina.

"FUCK! " Gulat na sabi ko dahil sa nakatayong bulto sa may kusina. Naibato ko sa kanya ang hawak kong cellphone.

"Aray ko." Saktong pagharap ni Kane ay tumama sa noo niya ang cellphone ko.

"Oh, shit! Ang cellphone ko! " Dali dali akong lumapit kay Kane para pulutin sa paanan niya ang cellphone ko.

Damn it! Basag na basag ang screen nito atdi namatay pa. Ipinatong ko na lamang ito sa table pagkatapos ay saka ko binalingan ng pansin si Kane.

"Sorry, Kane. Natakot kasi ako ng makita ka, akala ko multo." Nahihiyang sabi ko. Napansin ko naman na nagkabukol ang ulo niya kaya naman kumuha ako ng yelo at isang tela para ibalot iyon.

"Maupo ka muna. Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman sinasadya."

"Ako na ho, Señorita. Kaya ko na po iyan." Seryoso pa ring sabi niya.

"No. Maupo ka lang diyan. Kasalanan ko kung bakit nagkabukol ang ulo mo." Seryoso ding sabi ko sa kanya.

"Ah. Pasensiya na ho at natakot kita. " Sabi na lamang nito sa akin ng hindi gumagalaw.

"Sorry din talaga. Nabigla talaga ako. Bakit ba hindi ka nagbukas ng ilaw? "

Nakangiwing sabi ko.

"Kukuha lang naman ako ng tubig dahil naubos na ang nasa kwarto ko. Saglit lang naman ako kaya hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw."

"Masakit ba? "

"Malamang." Pabulong na sabi nito kaya naman mas lalo akong napangiwi.

"Sorry na nga, okay? " Iritang sabi ko.

"Nasira yata iyong cellphone mo, Señorita." Sagot sa akin ni Kane.

"Don't mind it. Ipapagawa ko na lang iyan. Isa pa, huwag mo akong tawaging Señorita. Just call me, Daciana." Parang wala lang na sabi ko.

"Bakit? E, amo kita." Supladong sagot na naman nito sa akin.

"Damn. Hindi ako ang amo mo, Kane. "

"Masama ang nagmumura, Vitto." Mas lalong sumeryoso ang boses niya. Natigilan naman ako sa pagtawag niya sa akin ng Vitto.

"Don't call me Vitto! " Angil ko sa kanya.

"Bakit? Iyon ang itinatawag sa iyo nila Don Isidro a? Ayaw mo ng señorita, edi Vitto na lang." Kita ko ang pagpaskil ng ngisi sa mukha niya. Ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti at masasabi kong gwapo nga talaga siya.

"Bahala ka nga." Pagsuko ko na lang.

"Ano bang ginagawa mo rito? Dis oras na ng gabi ay lumabas ka pa ng kwarto mo? "

Ibinaba ko naman ang hawak kong towel na may yelo dahil kita kong humupa na naman ang bukol niya.

"Hindi kasi ako makatulog. Hirap kasi talaga akong makitulog sa ibang bahay. Imbis na antok ang maramdaman ko ay gutom." Nakasimangot na sabi ko.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Kane.

"Marunong ka naman palang tumawa. Sige na, matulog ka na. " Pagtataboy ko sa kanya . Masyado akong natutuwa sa lalaking ito at hindi ito maganda.

"Gusto mo ba ng gatas? Ipagtitimpla na kita, Vitto. Maupo ka na muna. Gusto mo ba ng biskwit? " Bumalik na naman ang pagiging seryoso ni Kane. Napakunot na lamang ako ng noo dahil sa bilis magbago ng mood niya.

"May tsisirya ba? " Tanong ko na lamang.

"Meron. Kaso huwag na iyon ang kainin mo, magtinapay ka na lang. Baka sumakit ang tiyan mo dahil sa tsisirya." Ipinaghanda ako ni Kane ng tinapay at chocolate spread.

"Titimplahin ko lang ang gatas mo. Kumain ka muna diyan." Malumanay na sabi Kane kaya naman tumango na lang ako.

Pinagpalaman ko na lamang ng tinapay si Kane habang abala siya sa pagpapakulo ng tubig.

"Kumain ka na rin." Sabi ko na lamang sa kanya at saka kinain ang tinapay ko.

"Salamat, Vitto." Iyon lamang ang sinabi niya aylt hindi na muling umimik.

Maya maya pa ay ibinigay na niya sa akin ang gatas na tinimpla niya.

"Oh, anong ginagawa niyo? Anong oras na a? " Biglang pumasok si Kuya Ryker sa kusina at mukhang hindi pa ito natutulog.

"Kuya, hi! Hindi kasi ako makatulog kaya bumaba ako . Inabutan ako ko rito si Kane kaya naman ipinagtimpla na niya ako ng gatas." Paliwanag ko kay Kuya.

"Ganun ba. Bakit ka may bukol sa noo mo Kane? "

Nag aalalang tanong ni kuya dito.

"Ah. Napagkamalan akong multo, sir." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong gatas dahil sa sinabi ni Kane.

"Nagsorry na ako." Mabilis na sabi ko. Ayokong pati si Kuya Ryker ay magalit pa sa akin dahil sa nangayari. Rinig ko naman ang pagtawa ni Kuya.

"Kaya pala ganyan ang cellphone mo, Vitto. Kane, sumama ka sa amin mamayang umaga."

"Sige po, Sir." Mabilis naman na sagot ni Kane.

"Uuna na rin po ako." Paalam ni Kane ngunit pinigilan siyanh umalis ni Kuya.

"Samahan mo na muna si Vitto. Bumaba lang ako para kumuha ng maiinom. Isa pa mukhang nagkakape ka pa rin naman." Malumanay na sabi ni Kuya kay Kane.

"Kaya ko na dito, kuya. Hayaan mo na si Kane dahil baka pagod rin siya ." Tumango lamang si Kuya sa akin at saka kumuha ng tubig. Umalis na rin siya agad pagkatapos noon.

"Go ka na, I can manage myself naman." Sabi ko kay Kane.

"Sabi ni Sir Ryker ay samahan kita. Sabi mo nga kanina ay hindi ikaw ang amo ko." Parang wala lang na sabi ni Kane. Nakatayo siya malapit sa lababo at hindi man lang umupo.

"Na offend ba kita? Hindi kasi ako sanay na tinatawag na Señorita o kaya naman ay Ma'am. Sa maynila kasi ay nasanay na ako na Daciana lamang ang tawag sa akin."

"Binibiro lang kita, Vitto." Kita ko ang maliit na paglitaw ng ngiti ni Kane.

"Mukhang hindi ka naman nagbibiro. Napakaseryos ng mukha mo. Kumain na nga lang tayo." Nagpalaman na lang ulit ako ng tinapay at binigyan siya.

"Kaya ko namang gawin iyan."

"Kaya ko ring magtimpla ng gatas, Kane." Balik kong sabi sa kanya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa natapos ang aming pagkain.

"Ah. Can I just leave it here? " Seryosong tanong ko kay Kane ng makatapos akong uminom ng gatas at kumain.

" Oo naman. Ako na ang bahala diyan, aalis ka na ba? " Napatitig naman ako kay Kane dahil sa tanong niya.

"Tsk. Kung pupunta ka na sa kwarto mo ay maya maya ka mahiga. Kakakain kain mo lang kasi." Mabilis na sabi niya at saka ako tinalikuran para hugasan ang mga ginamit namin .

Napangisi na lang ako ng mapansin ang pamumula ng tenga niya.

"Iintayin na kitang matapos. " Natatawang sabi ko pero hindi na siya umimik. Saglit lamang ang ginawa niya kaya naman humarap na muli siya sa akin.

"Halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo." Tumango na lamang ako sa kanya at saka matamis na ngumiti.

Nang marating namin ang pintuan ng kwarto ko ay nagpasalamat na lamang ako sa kanya.

"Thanks. Pasensiya na talaga sa nangyari kanina."

"Pasensiya na rin, Vitto. Nasira pa tuloy ang cellphone mo." Seryosong sabi niya sa akin.

"It's fine. Mas mahalaga ang well-being mo kesa sa cellphone ko. Good night! " Paalam ko na lang sa kanya at saka sinarhan ang pintuan ng kwarto ko.

Samantalang, nanatiling nakatayo si Kane sa pintuan ng dalaga. Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Nanatili pa siya ng ilang minuto doon at saka napailing sa sarili. Bumaba na siya upang pumunta sa kwarto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status