Share

Claimed By The Haciendero
Claimed By The Haciendero
Author: Luna Marie

Chapter 1

Chapter 1

"Go! Dashi! Shot! Shot! " Hiyawan ng mga kaibigan ni Daciana Vittoria. Nasa isang bar sila at nagkakasiyahan.

Mabilis namang inubos ni Daciana ang alak sa kanyang baso.

"Woooh! That's our girl! " Sigawan ng mga kaibigan nito.

"Body shot! Body shot! " Udyok pa ng mga kaibigan ni Daciana sa kanya.

Napangiwi ako ng marinig ang pinapanood na video ni daddy.

Fuck! I'm dead.

"What the hell is this, Vittoria? " Striktong tanong sa akin ni Daddy.

"Dad... Nagkasiyahan lamang kami nila Janine last night." Pagdadahilan ko kay daddy.

"Nagkakasiyahan? Ha? Sabi ko sayo na huwag kang aalis ng bahay! And then, ito ang makikita ko ngayon sa social media! My god, Vitto! You look like a whore in this video! " Galit na galit na sabi sa akin ni daddy.

"Hon, calm down ."

Yes, my savior. Mommy ko!

Sabi ko sa aking isip.

"No! Sumusobra na ang anak mo Frieda! Palagi na nating siyang pinagbibigyan sa mga gusto niya. It's time para tayo naman ang pagbigyan niya. Uuwi ka sa bahay ng Lolo Isidro mo! Doon mo tatapusin ang senior highschool mo! " Galit at pinal na sabi sa akin ni Daddy.

"NO! DADDY NAMAN! I'M SORRY, OKAY? HINDI KO NA UULITIN! Mommy, help me please..." Naiiyak na tumingin ako kay mommy.

Mabilis naman itong umiling sa akin.

"Mom..."

"Stop it, Daciana Vittoria. Buo na ang desisyon ko. Natawagan ko na rin ang Lolo Isidro mo at pumayag na siya. Sumusobra ka na anak."

No! No! No!

"Kung tumulad ka lang sana sa ate at kuya mo ay hindi na sana tayo aabot sa ganito."

Naiyak na ako dahil sa sinabi ni daddy. Palagi na lang niya akong kinukumpara kila ate Blace at kuya Shan.ñbs I'm

"Tama na iyan, Damon. Hindi mo kailangang ikumpara si Vitto sa mga kapatid niya." Malamig na sabi ni Mommy.

"Kaya ganyan katigas ang ulo ng anak mo dahil palagi mo siyang kinakampihan, Frieda."

Lumabas na ako sa office ni daddy. Alam mong mag aaway lang sila dahil na naman sa akin.

Si Ate Blace ay nasa UK ngayon dahil doon siya nag aaral, samantalang si Kuya Shan naman ay nasa US. Ako lang ang naiwan dito dahil ayaw ni mommy na mag aral ako sa ibang bansa .

Nagmukmok na lamang ako sa aking kwarto.

Ayokong sa probinsiya ni Lolo Isidro mag aral. Nakakainis! Nakakabadtrip kasi sila Janine, alam naman nilang hindi ako pwedeng lumabas kagabi! Nagvideo pa sila ng mga ginawa namin.

Maya maya ay biglang tumunog ang aking cellphone. Groupchat namin iyong nagkakaibigan kaya naman agad kong sinagot ang video call.

"Dashi? Kumusta? Sorry, nalimutan kong grounded ka nga pala! Naipost ko pa iyong video natin." Hinging paumanhin sa akin ni Risha.

"Damn! You're so gaga talaga! Nakailang ulit na ako sayo kagabi."

Nagtawanan lamang ang aking mga kaibigan.

"Hay nako, Dash! Hayaan mo na! Wala namang magagawa kay Tita Frieda si Tito e." Pampapalubag loob ni Janine sa akin.

"Kaya nga, magpalamig muna tayo ng isang buwan." Suhestiyon rin ni Cherry sa akin.

"Pwede na nga iyon. Tsk, damn it! Bakit ba kasi kapag nalalasing kayo ng sobra ay wala na kayong pakielam sa mundo! " Inis na inis na sabi ko.

"Sorry na nga, Dashi. Hayaan mo babawi kami sayo, okay? " Nakangiting sabi sa akin ni Janine. Galante kasing bumawi ang nga kaibigan ko. Mahilig kami sa mga luxury brands at iyon ang pambawi namin sa isa't isa.

"Pero maiba lang ako, ang hot nung kabody shot ko last night! God, Dashi! Hinihingi niya nga ang contact number mo kagabi, pero umayaw ka! You're such a bitch! Lahat na lang ng pumuporma sayo sa bar ay inaayawan mo! " Umiiling na sabi ni Risha.

"Wala akong time for them." Irap ko.

"Palagi na lang! Alam mo nakakailang boyfriend na kami nila Janine, hindi ka pa nakakaisa. Girl, ang daming naghahabol sayo! Kahit sa school! Itry mo naman magboyfriend! " Sulsol pa sa akin ni Cherry.

Yeah, paano mahihilig sila sa lalaki kaya naman kahit mga bata pa kami ay nakatikim na sila ng sex. Bagay na isa sa mga ayaw ko.

"Wala akong time for that." Buntong hiningang sabi ko sa kanila.

"C'mon, you should try it. Remember the captain of the basketball team? What's his name again? " Maarteng tanong ni Cherry at pilit inaalala ang pangalan.

"It's Martin! " Tawa ni Risha.

"Yeah, that Del Mundo guy! Malakas ang tama sayo nun girl! Try to date him, Dashi! " Sulsol rin sa akin ni Janine.

I remember that guy. He's trying to hit on me, but nah! I don't like him, masyadong mayabang and pabibo.

"Na-ah, not my type. Sige na, i'll hung up na. Need ko pa magrest para may lakas ako bukas na kausapin si dad."

"Why? May mas malalang nangyari ba? " Ngiwi ni Janine.

"Yeah, balitaan ko na lang kayo sa mga susunod na araw. Mukhang hindi ako makakasama sa Siargao para sa vacation trip natin." Mabilis kong pinatay ang tawag at saka nahiga sa kama. Alam kong magtatanong pa sila ng magtatanong sa akin. Sana ay mabago pa ni Mommy ang isip ni dad.

Ayokong tumira sa bahay ni Lolo sa probinsiya, it's not my vibe. Kakasimula pa lang ng bakasyon namin tapos ganito na agad ang nangyari.

"Baby? " Rinig ko ang boses ni mommy at ang pagkatok nito sa pintuan.

"Yes, mom? " Pumasok sa kwarto ko si mommy at saka naupo sa tabi ng kama ko, bumangon rin ako para tabihan siya.

"Baby, sorry sa nasabi sayo ng daddy mo kanina. Alam mo naman kapag naggaalit iyon."

Buntong hininga ni mommy.

"Okay lang po, mommy. Nabago niyo ba ang isip ni daddy? " Marahan itong umiling sa akin.

"No. Desidido na ang daddy mo. Ikaw naman kasi anak, hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo. Palagi ka na naming pinagbibigyan ng daddy mo. You pushed your dad to do this, Vitto. "

Napaluha na lamang ako sa sinabi ni mommy.

"Mom, ayoko sa probinsiya nila Lolo. Ayokong doon mag aral. " Umiiling na sabi ko.

" Well, wala ka ng magagawa anak. Gusto ko ring matutunan mo ang leksiyon na para sa iyo anak. Huwag ka sanang magalit sa amin ng daddy mo, we're doing this for your own sake. Hindi na maganda ang idinudulot sa iyo ng mga kaibigan mo. "

Malumanay na sabi sa akin ni Mommy.

"Mom, okay naman sila Janine." Pagtatanggol ko sa aking mga kaibigan.

"I know, pero sumusobra na kayo. May tatlong araw ka pa para magpaalam sa kanila. Graduating ka ng senior high at ayaw namin ng daddy mo na magkaroon ka pa ng problema. Okay?" Maliit na ngiti sa akin ni mommy.

"Okay, mom." Malamig na sabi ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status