Share

20: The Past Part 5

CHAPTER TWENTY

Malalim ang isip si Dom habang nilandas ang kahabaan ng magulong daan patungong San Diego City Mall. Papalubog na ang araw sa malayong kaluran at ang kulay kahel nitong sinag ay tumatama na lang sa itaas ng ilang parte ng nagtataasang gusali sa lungsod.

Paminsan-minsang tumatama sa kaniyang mukha ang repleksyon ng araw mula sa masalaming bahagi ng ilang mga gusali dahilan upang bahagya niyang pinipikit ang mga mata, habang itinaas ang kamay at itinapat sa kaniyang noo para takpan ang kaniyang mga mata mula sa nakakasilaw na repleksyon.

Palinga-linga siya sa paligid dahil kasalukuyan siyang tumatawid sa isang eskinitang dinadaanan ng maraming mga tricycle.

Nasa sentro siya ngayon ng lungsod ng San Diego hindi lang upang papasok sa kanilang night class ngunit upang sunduin ang asawa.

Hindi alam ni Matilda na pupunta siya ngayon dito dahil wala naman siyang cellphone upang tawagan ito. Hindi niya pa kasi kayang bumili ng Nokia 3310 dahil masyado itong mahal para sa kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status