CHAPTER TWENTY EIGHTWALANG IDEYA si Dom kung ilang oras o araw siya sa loob ng Bartolina, pero dahil sa anim na beses siyang nakakain doon, palagay niya nasa mahigit dalawang araw siya roon.Sa lahat nang pinagdadaanan ni Dom, maliban syempre sa naranasan niya sa kamay ng dating asawa at ng kalaguyo nito, ang dalawang araw niyang pamamalagi sa loob ng Bartolina ang pinaka-nakaapekto sa kaniyang pag-iisip.Halos ipagdasal niya nang mamatay nalang kaysa manatili sa napakadilim, napakasikip at napakabahong silid na iyon. Oo mabaho kasi doon na siyan umiihi, pinipigilan niya lang talaga ang sariling dumumi roon kasi kung nagkataon, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya.Matatag ang estado ng pag-iisip ni Dom, pero sa loob ng Bartolina, naisipan talaga niyang magpakamatay dahil sa labis na paghihirap. Pisikal at emosyonal na torture ang naranasan niya roon. Kaya naiintindihan niya na ngayon kung bakit takot na takot ang lahat na mapasok dito."Dahil 'yan sa infirmary!" matigas na utos ng
CHAPTER TWENTY NINENAKARAAN ang dalawang araw, pinatawag na si Dom sa opisina ng Warden. May koneksyon daw ito sa ginawang imbestigasyon tungkol sa nangyari noong nakaraang araw na may kinalaman kay Dom at ng isang babaeng priso.Mataas ang kompyansa ni Dom na lalabas ang katutuhanan dahil nasa kaniyang panig naman 'yong nurse. May naitago rin itong ebidensya laban sa babae, kaya kung hindi ito aamin sa balak nitong gawin sa kaniya ay may bala silang gugulat dito.Hindi alam ni Dom kung pupunta ba 'yong nurse, pero dahil seryosong bagay ito at kailangan nila ng mga saksing magkapagbigay ng testimonya sa kung ano talaga ang tunay na nangyari, naniniwala siyang susulpot iyon sa summon na ito ng Warden.Kasama ang dalawang Jail Officers na siyang sumundo sa kaniya sa kanilang selda, ay seryosong naglakad si Dom palabas ng malaking building ng kulungang kinaroroonan. Pinagtitinginan sila ng ibang presong nasa loob ng mga seldang makikita sa gilid ng pasilyong dinadaanan nila. Dinig na di
CHAPTER THIRTYTULAD nang utos ng Warden, isang buwan ngang ikinulong si Dom sa loob ng madilim at mabahong Bartolina.Pisikal at emosyonal na paghihirap ang dinaanan ni Dom sa buong buwang pananatili rito.Nando'n ang pangangalay ng kaniyang buong katawan lalong lalo na ang kaniyang mga tuhod at paa mula sa pagtayo at sa pagtiklop niyon habang natutulog at nakaupo siya.Wala nang epekto sa kaniya ang kadiliman at ang sikip ng maliit na silid dahil sa loob lamang ng unang linggo niya rito ay parang nasanay na siya agad.Ang hindi niya lang nakayanan ay ang baho ng pinaghalong dumi at ihi niya. Oo, napipilitan siyang dumumi sa loob ng Bartolina dahil minsa hindi niya na talaga kayang pigilan pa iyon.Buong araw sa buong linggo niyang sinisinghut ang baho ng sariling dumi. Minsan nasusuka na siya, kaya minsan dumagdag pa iyon sa baho sa loob na mas nagpapahirap ng kaniyang kalagayan. Halos wala na rin siyang ganang kumain dahil dito.Pagkalipas naman ng isang linggo ay inililipat siya sa
CHAPTER THIRTY ONEKAPAG ang pasensya ng isang taong tahimik at mapagkumbaba ay nasagad at naubos, dalawang bagay lamang ang maaari nitong kahahantungan. Kung hindi ang sariling buhay ang tatapusin at kikitilin, ay buhay ng iba ang siguradong matutuldukan.Ganito ang nangyayari kay Dom ngayon.Pasensyoso siyang tao.Mabait.Maka-dios.Pero anong nangyari? Paghihirap ang naging ganti ng kaniyang pagiging mabuti.Tao lang din naman siyang may pangarap. Isa lang siya sa mga taong nangarap makamit ang mga pinangarap. Pero anong nangyari? Kulungan ang bagsak niya.Magpasensya naman siya. Tiniis niya ang lahat nang mga pagpapahirap na ibinabato ng buhay. Pero sobra naman itong naranasan niya. Sagad na sagad na ito at talagang ubos na ang napakahaba niyang pasensya.Nagpakumbaba naman siya, dahil buong buhay niya ay sanay siyang gano'n. Pero anong ginawa sa kaniya ng iba? Anong ginawa sa kaniya ng kaniyang mismong asawa? Tinapakan ang kaniyang pagtao. Ginawa siyang tapakan upang maabot nito
CHAPTER THIRTY TWODAHIL sa presensya ng dalawang higher ups ay hindi nagawang maparusahan ng warden si Dom. Kaya naman malaya siyang nakabalik sa infirmary matapos siyang i-dismiss ng mga ito.Hindi naman sa nabura na 'yong pangalan niya sa listahan ng suspects na nanakit kay Janet, pero nagawa niyang makaiwas sa direktang kaparusahan mula sa warden. Siguro, aabot ng ilang araw ang imbistigasyon. At kung ano man ang magiging resulta no'n, wala na siyang pakialam.Handa siyang papasok ulit sa bartolina, ang mahalaga nakaganti na siya sa babae.Totoong natakot siya dahil sa naging resulta ng ginawa niya. Naroon ang pag-alala na baka ano nang nangyari rito. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa ginawa.Pero naniniwala naman siyang masasanay rin siguro siya rito sa katagalan. Lalo pa't marami pa siyang gustong paghigantihan.Nand'yan pa sina Magno at mga tauhan nitong palaging nagpapahirap sa kaniya. Si Ronilo na bumaboy sa kaniya at sina Don Antonio at Matilda - ang mga taong siyang pan
CHAPTER THIRTY THREEISANG LINGGO na ang dumaan mula no'ng nagkaroon ng ka-MU ang kakusa nilang si Willie. At dahil araw-araw silang may session maliban nalang sa Sabado at Linggo, napansin ni Dom na mas naging malapit pa ang dalawa.Nagtatawanan, nagki-kwentuhan, at naghaharutan na parang mag-jowa na nga ang mga ito. Parang bumalik din sa pagiging isang teenager si Willie tanda na nahulog na nga ito kay Leni, ang babaeng ka-MU nito.Minsan, may mga pagkakataong nawawala ang mga ito sa kanilang paningin. Hindi nila alam kung saan pumupunta ang mga ito pero sa isip nila, alam na nila kung ano ang nangyari. Pagbalik kasi ng mga ito sa venue, mukhang pagod na at parang napakasaya. Kaya alam na alam na agad nila kung ano ang ginawa ng mga ito.Naiinggit man ay wala nang magawa ang dalawa pang kakusa ni Dom dahil wala naman nang ibang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanila.Kahit 'yong sinabi ni Willie na panay titig kay Dom noong nakaraang linggo ay hindi na bumalik kaya hindi siya nagka
CHAPTER THIRTY FOUR[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]MAINGAT ang mga galaw na tumayo si Willie mula sa pagkakahiga niya sa tarima. Tinalasan niya ang kaniyang pakiramdam habang isa-isang tinitigan ang mga kakusa na parehong mahimbing ang tulog sa mga oras na ito.Balisa ang kaniyang mga matang sumusulyap sa daku kung saan nakahiga si Dom habang hindi mapakaling tumatayo at maya-maya'y babalik na naman sa pag-upo sa gilid ng kaniyang higaan.Mabilis ang kaniyang paghinga habang pinagpapawisan ang noo. Magulo ang kaniyang isipan at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito.Minamasahe niya ang sariling noo habang dahan-dahang bumalik sa pagkakahiga sa higaan. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit sa kasamaang palad ay parang walang plano ang kaniyang utak na patulugin siya hanggang hindi niya matapos ang dapat gawin sa gabing ito.Pagkatapos ang ilang minutong pag-iisip sa kung ano ang dapat gawin ay dahan-dahan uli
CHAPTER THIRTY FIVEHALOS mabingi si Dom sa samu't saring sigaw ng mga prisong nasa gilid ng pasilyong dinadaanan niya. Kahit may kasama siyang Jail Guards na nasa magkabilang gilid niya ay may mga priso pa ring sumubok na abutin siya. Mabuti nalang at maagap ang mga guards at madali nilang nahahampas ang mga kamay na sumubok umabot sa kaniya.Sa kabila ng ingay sa paligid ay kalmado at tuwid lang siyang naglalakad sa kung saan siya ihahatid ng mga jail guards na kasama.Halos wala na siyang pakialam sa kaniyang buhay sa mga sandaling ito. Binabagabag siya ng konsensya nitong nakaraang isang buwan at halos gabi-gabi niyang nakikita ang duguang katawan ni Willie.Dumagdag pa rito ang katutuhanang hawak niya ang kamay nito at nakita niya pa ang huling paghinga ng kakusa na naging kaibigan sa loob ng bilangguan. Kitang-kita niya rin sa mga mata nito ang unti-unting pagkawala ng buhay nito.Sa madaling salita, napagmasdan niya kung paano nalagutan ng hininga ang kaibigan. Naramdaman niya