Share

28: The Past Part 13

CHAPTER TWENTY EIGHT

WALANG IDEYA si Dom kung ilang oras o araw siya sa loob ng Bartolina, pero dahil sa anim na beses siyang nakakain doon, palagay niya nasa mahigit dalawang araw siya roon.

Sa lahat nang pinagdadaanan ni Dom, maliban syempre sa naranasan niya sa kamay ng dating asawa at ng kalaguyo nito, ang dalawang araw niyang pamamalagi sa loob ng Bartolina ang pinaka-nakaapekto sa kaniyang pag-iisip.

Halos ipagdasal niya nang mamatay nalang kaysa manatili sa napakadilim, napakasikip at napakabahong silid na iyon. Oo mabaho kasi doon na siyan umiihi, pinipigilan niya lang talaga ang sariling dumumi roon kasi kung nagkataon, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya.

Matatag ang estado ng pag-iisip ni Dom, pero sa loob ng Bartolina, naisipan talaga niyang magpakamatay dahil sa labis na paghihirap. Pisikal at emosyonal na torture ang naranasan niya roon. Kaya naiintindihan niya na ngayon kung bakit takot na takot ang lahat na mapasok dito.

"Dahil 'yan sa infirmary!" matigas na utos ng isang Jail Officer sa kasama nito nang hilahin nila si Dom palabas ng Bartolina.

Nakahinga man ng malalim dahil makakalabas na rin siya sa impyernong 'yon, ay kailangan pa rin siyang dalhin sa infirmary dahil nilalagnat siya at hindi siya makatayo. Resulta ito sa kaniyang posisyon sa loob ng Bartolina.

Halos nakatiklop lang kasi ang kaniyang mga tuhod sa buong panahong nasa loob siya ng torture room na iyon. Kung tatayo naman siya upang maituwid ito at mawala ang pangangalay ay sasakit naman ang kaniyang sakong at binti, at manginginig na rin ang kaniyang mga tuhod kaya mapapaupo rin siya pagkaraan ng ilang sandali.

Sa pagtulog niya naman, dahil hindi niya magawang matulog nang nakatayo, ay nakatiklop rin ang kaniyang mga tuhod. Kaya natural lamang na sa loob ng dalawang araw ay makakaramdam talaga siya ng panghihina ng kaniyang mga tuhod dahilan upang hindi siya makatayo at makalakad.

Ngunit sa kabila nito ay inakbayan lamang siya ng dalawang Jail Officers habang pilit hinihila. Hawak ng mga ito kaniyang magkabilang kamay, kaya napilitan na lamang siyang magpalambitin sa balikat ng dalawang officers. Hinayaan niya na lang ding maglambiyong ang kaniyang mga paa habang pakaladkad siyang dinala ng dalawa sa infirmary.

Pagdating niya roon ay mabilis naman siyang inasikaso ng nurse na naroon. May Doctor sila rito pero bumibisita lamang ito at sakto na wala ito ngayon, kaya ang nurse na lamang ang mag-aasikaso sa kaniya.

Tinanong siya ng nurse kung ano ang naramdaman niya. Sinabi niya naman agad na parang namamanhid at nawalan ng lakas ang kaniyang mga paa dahil sa labis na pangangalay ng kaniyang mga tuhod.

"Galing ka bang Bartolina?" tanong naman ng nurse habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Tinugon niya naman ito ng tango habang itinuwid ang sarili sa paghiga sa malambot na higaan. Napakasarap kasi ng kaniyang pakiramdam.

"Bakit ba kasi ang hilig ninyong hindi sumunod sa batas, 'ayan, nasa loob kana nga nga kulungan bilang parusanaa nagawa mong krimin sa labas, naparusahan kapa rito sa loob," makahulugang turan ng nurse habang minamasahe ang kaniyang hita, pababa sa kaniyang tuhod at binti.

"Wala akong ginawang kasalanan," seryoso niyang tugon dito habang ipinikit ang mga mata dahil sa sarap ng kaniyang pakiramdam mula sa ginagawa nitong pag masahe sa kaniya.

"Lahat kayo, ganiyan ang sinasabi," tugon naman ng nurse habang nagpatuloy sa ginagawa nito.

Imbis na sagutin pa ito, bumitaw nalang siya ng malalim na hininga. Sa isip niya kasi, wala ring silbi kung sasabihin niya sa babaeng ito buong katutuhanan dahil wala rin namang mangyayari. Hindi na mababago ang hatol sa kaniya.

Kaya ipinikit niya na lamang ang kaniyang mga mata habang ninanamnam ang sarap ng pakiramdam na nakahiga na siya ng tuwid at maayos.

Dahil hindi na siya sumagot ay hindi na rin umimik ang nurse at nagpatuloy lang sa pagmamasahe ng kaniyang mga paa hanggang sa parang bumalik na ang nawawalang lakas ng mga ito. Pinunasan na rin ito ng nurse ng tuwalyang binasa ng maligamgam na tubig dahilan upang mas bumuti pa ang kaniyang pakiramdam.

"Salamat," galing sa pusong pasasalamat niya rito nang matapos na siya nitong asikasuhin.

Dahil nabanggit niya rin kaninang hindi pa siya nakapagdumi mula no'ng pinasok siya sa Bartolina ay pinainom na rin siya nito ng gamot. Pagtapos nito ay nagpaalam na ito at umalis ng silid dahil marami pa raw itong aasikasohinh pasyente.

Marami naman silang nurse dito, pero dahil wala ang doctor ay sila na ang nagtsi-check ng kalagayan ng lahat nang narito at iri-report nalang nila ito sa doctor pagkatapos.

Sa ganda ng kaniyang pakiramdam na animo'y nakapagpahinga siya matapos ang isang taong pagta-trabaho nang walang pahinga ay hinila ng antok si Dom at nakatulog.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog, pero bigla siyang nagising dahil sa pakiramdam na natatae na siya. Sakto namang pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay may nakita siyang babae sa silid kung saan siya naroon.

Nakasuot ito ng puting doctor's coat, puting gloves at scrub cap. May hawak itong syringe na may lamang berdeng likido galing sa isang pulang vial. Dahan-dahang lumapit sa kaniya na tila ba ingat na ingat na huwag siyang magising.

"A-ano 'yan?" gulat niyang tanong dito at mabilis na bumangon mula sa kinahihigaan na siyang ikinagulat ng babaeng nasa harapan dahilan upang mabitiwan nito ang hawak na syringe.

"T-teka, hindi ikaw ang doctor dito, ah. At hindi ka rin nurse dito base sa iyong suot," seryosong wika ni Dom habang alertong nakatingin sa babaeng hindi rin nakagalaw mula sa kinatatayuan nito. Siguro dahil bagong gising siya at nagulat din siya sa nakitang ginawa ng babae kaya ganito na lamang ang kaniyang reaksyon.

Ngunit kahit na nakatago sa likod ng puting surgical mask ang halos kabuoan ng mukha ng babaeng nasa harap niya ay hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang kaunting panic na makikita sa mga mata nito.

"S-sino ka? At ano 'yang balak mong iturok sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Dom habang dahan-dahang tumayo. Dahil sa nakita niyang panic kanina sa mga mata nito, nabatid niya agad na hindi maganda ang pakay nito sa kaniya kaya mas naging alerto na siya ngayon.

Mabuti nalang talaga at epektibo 'yong ginawa sa kaniya ng nurse kanina kaya nagawa niya nang makatayo ngayon.

"Nurse!! Nurse!! May nakapasok ditong outsider!!! Nurse!!" malakas na sigaw ni Dom habang tinitigan ng maigi ang babaeng nasa harapan na nanatiling nakatayo sa kinaroroonan nito.

"Nurse!! Guard!!" malakas pa ring tawag ni Dom kaya maya-maya lang ay nakarinig na siya ng mga yabag na papunta sa silid na kinaroroonan nila.

"Tulong!!"

Napakunot naman ang noo ni Dom nang biglang sumigaw ang babae sa kaniyang harapan.

Kasabay nito ay mabilis nitong hinubad ang suot na scrup cap, gloves, mask at coat at mabilis na ihinagis sa ilalim ng isa sa mga kamang narito sa silid.

Nang mahubad na ng babae ang isinuot ay tumambad sa kaniya ang suot nitong prisoner's uniform dahilan upang napakunot ang kaniyang noo dahil hindi niya alam ang nangyayari.

"Anong nangyayari rito?!"

Bago pa makapagsalita si Dom upang tanungin ang babaeng nasa kaniyang harapan ay biglang bumukas ang pintoan ng silid na kinaroroonan nila at iniluwa nito ang dalawang Jail Officers kasama ang nurse na nag-asikaso kay Dom kanina.

"S-Sir.. I-itong manyak na lalaki. P-pilit niya po akong dinala sa silid na ito at b-balak gawan ng masama.. Tulungan niyo po ako." parang takot na takot na pagda-drama ng babae habang umarte pang naiiyak.

"Ano?!" gulat na gulat naman si Dom sa tinuran nito.

Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Diba't ito ang pumasok sa silid na ito at nagpanggap na doctor? Balak pa nga siya nitong turukan ng kung ano diba? Tapos ngayon, siya pa ang gagawin nitong masama?

"Sinungaling ka--" paangil na tugon ni Dom habang inis na itinuro ang babae.

"Tumahimik ka!! Kahit kasama mong priso minamanyak mo?!" galit na sabi ng isa sa dalawang Jail Officers na naka-aasign dito sa infirmary habang nilapitan si Dom at sinuntok sa sikmura.

"Arrgghh," da_ing ni Dom dahil sa sakit at sandaling hindi nakahinga dahil sa suntok na iyon.

"Officer, mukhang nagsasabi po siya ng totoo." wika naman ng nurse sabag pigil sa dalawang Jail Officers nang umakma ang mga itong tadyakan si Dom na noo'y napaupo sa sahig habang hawak ang sikmura. "Kagagaling ko lang po rito kanina upang i-check ang kaniyang kalagayan, tulog po siya no'n. Isa pa, nasa kabilang building po ang infirmary ng mga babaeng priso," dagdag pa ng nurse dahilan upang biglang matauhan ang dalawang officers.

Nagkatinginan lang ang mga ito at seryosong sinulyapan ang babaeng ngayon ay namumutla na.

"Sumama ka sa amin," wika ng mga ito sa babae sabay hablot ng kamay nito at hinila ito palabas ng silid.

"Huwag ka munang paka-kampante riyan, pa-iimbistigahan namin ang totoong na nangyari," wika pa no'ng officer na nanuntok kay Dom bago umalis ng silid.

"Okay ka lang?" tanong sa kaniya ng nurse habang inalalayan siya upang makaupo sa isa sa mga kamang narito.

"O-okay po. S-salamat sa pagtanggol sa akin.. Pero kailangan ko munang pupunta ng CR," tugon niya naman at sa kabila ng sakit ng sikmurang nasuntok ng Jail Officer ay halos patakbo siyang tumungo sa CR ng silid.

Mabuti nalang talaga at hindi siya natae sa kaniyang saluwal nang suntokin siya ng Jail Officer kanina. Kung hindi ay nakakahiya sa ana iyon.

Pagkalipas ng ilang minuto, matapos siyang makapagbawas at makapaghugas ng kamay ay lumabas na siya ng CR at naabutan niyang naghihintay pa rin ang nurse sa kaniya habang nakaupo sa isang upuan.

"Tell me, anong nangyari kanina? 'Yong totoo," wika nito sa kaniya habang tinitigan siya ng seryoso.

"Ahh, ganito po. Nagising ako bigla dahil natatae ako. Pero nagulat ako nang makita ko ang babaeng 'yon dito sa silid," tugon naman ni Dom tapos ay isinalaysay niya ang buong pangyayari mula pagkagising niya hanggang sa nang dumating ang dalawang officers dito sa silid.

Itinuro niya kung saan itinago ng babaeng priso ang mga isinuot nito, pati ang syringe at ang empty vial.

"L-lason to, ah," gulat na bulalas ng nurse nang makilala ang empty vial at ang berdeng likidong laman ng syringe.

Tinitigan siya nito ng maigi bago nito isinilid sa isang plastic ang mga doctor's coat, scrub cap, gloves at masks kasama ang empty vials at ang syringe.

"A-anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong niya habang kumakabog ng mabilis ang puso.

"May gustong pumatay sa 'yo," diretsa at seryosong tugon ng nurse dahilan upang pagpawisan si Dom dahil sa pinaghalong nerbyos at takot.

Bakit may gustong pumatay sa kaniya? Ano ang nagawa niyang kasalanan sa mga ito? Isa pa, wala naman siyang kalaban diba? Maliban nalang kina Matilda at ang kalaguyo nito.

Possible kayang ang mga ito ang gustong pumatay sa kaniya? Pero bakit naman? Hindi pa ba kontento ang mga ito sa ginawa nilang pagpapahirap at pagsira ng kaniyang buhay at kinabukasan? Bakit siya gustong ipapatay ng mga ito?

At kung hindi naman ang dalawang 'yon ang salarin, sino naman?

Si Magno? O si Ronilo?

"Payo ko sa 'yo, mag-iingat ka palagi. Sa ngayon, itatago ko muna itong mga ito at magagamit mo itong ebidensya laban sa babaeng 'yon. Alam kong papa-imbistigahan nila ang insidenteng ito kaya kakailanganin mo ito. Huwag kang mag-alala, dahil tingin ko, inosente ka, tutulungan kita," sabi nga nurse sa kaniya habang tinitigan siya ng mataman bago umalis ng silid.

"Naniwala ako sa iyo no'ng sabihin mong wala kang ginawang kasalanan. Kaya mag-iingat ka, dahil mukhang gusto nilang patayin ang katotohanang 'yan sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa 'yo," dagdag na paalala nito bago tuluyang lumabas.

Dahil wala siyang ibang kasamang pasyente sa loob ng silid na ito ay parang biglang nakaramdam ng takot si Dom lalo na no'ng isinara na ng nurse ang pinto ng silid.

Pakiramdam niya, parang may tao sa labas na bigla nalang papasok at papatayin siya.

Habang dahan-dahang nag-sink-in ang lahat nang nangyayari sa araw na ito kay Dom, ay hindi niya maiwasang itanong sa isip kung bakit gusto siyang ipapatay nang kung sinomang nag-utos no'ng babae.

Bakit? At sino naman ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status