Share

Chapter 2

Sarina

Hindi ko alam kung anong itsura ko ng mga oras na ito pero ang mga salitang binitawan niya ay hindi normal na naririnig ng kahit na sino. Pero malamang ay nakaawang ang aking bibig dahil sa gulat.  “Naririnig mo ba ako, Sarina?” Napaigtad ako dahil sa lakas ng boses niya.

“Bitin ka ba sa pagma maryang palad mo Sir? Huwag nyo ho akong idamay sa kalokohan nyo,” ang mabilis kong sagot. Nakakainit ng ulo dahil anong tingin niya sa akin? Este bulag nga pala siya, anong palagay niya sa akin, p****k? “Nurse po ako sir at hindi kaladkaring babae. Tinanggap ko ang trabaho dito dahil sa laki ng sahod at hindi dahil sa laki ng burat nyo.” Hindi ko alam kung bakit naidagdag ko pa yung huli pero nakita ko ang pag ngisi niya.

“Say that again,” ang sabi niya.

“Ano ho?”

“Yung last na sinabi mo, sabihin mo ulit.”

“Dahil sa malaki ang sahod?”

“Yung kasunod pa,”

“Hindi dahil sa laki ng bur-” Hindi ko na natapos dahil bigla siyang nagsalita.

“Damn, you turned me on. Tell me dirty things. Ang sarap pakinggan at tinitigasan talaga ako.”

“Ang manyak nyo naman sir.”

“I’ll pay you.”

“Prostitute naman ang tingin mo sa akin ngayon.”

“10 million. Para sa isang taong pagkantot sayo.” ang sabi niyang nagpaawang ng bibig ko ulit. 10 million daw?

“Sa palagay mo ba ay hindi ko kikitain ang halagang–”

“Hindi mo talaga kikitain ng isang taon yan, Sarina. At bago ka mag-ilusyon, kahit sinong babae ay makakantot ko ng walang bayad kung gugustuhin ko.”

“Yang lagay mong yan?” ang tanong ko agad.

“Syempre alam kong hindi sa ngayon. Pero kung magbabayad ako ay makakakantot at makakantot ako.”

“Eh di magbayad ka.”

“Inooffer-an na nga kita di ba?”

“Sa iba ang ibig kong sabihin.”

“Kung okay lang na sa iba, sa palagay mo ba ay io-offer ko ito sayo? Wala kang hinaharap,” ang sabi niya kaya bigla akong napatingin sa dibdib ko, paano niyang alam? “Huwag kang ilusyunada, tinutulungan mo akong maupo at tumayo mula sa wheelchair at nararamdaman kong flat chested ka,” sabi niya agad.

“Bakit hindi ka sa iba mag-offer?”

“Dahil may kahihiyan din ako. Sasabihin nila na ganito na nga ang lagay ko eh ang hilig ko pa rin. At ayaw ko rin na ipagkalat nila ang sitwasyon ko.”

“Sa tingin mo ba ay hindi ko ipagkakalat ang sitwasyon mo?”

“Papipirmahin kita ng kontrata.”

“Di papirmahin mo din sila.”

“As in? Gusto mo na lahat ng iiyutin ko may kontrata? Hindi ba parang ang hassle non? Kung ikaw lang, sayo lang ako may obligasyon at wala ng iba. Ikaw lang din ang papaimbestigahan ko kung sakaling may mag-leak na kahit na anong balita tungkol sa akin about sa sex life ko.”

“Kahit na, huwag mo akong idamay sa kamanyakan mo,” ang sabi ko tapos ay kinuha ko na ang tray at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.

“Think about it, Sarina. 10 million para sa isang taong pagiging parausan ko.” ang pahabol pa niya. Mabilis na akong lumabas ng kanyang silid tapos ay dumiretso sa kusina. Nakakaloka, anong nakain non? Ganun ba ang mga lalaking sanay sa sex? Hindi mapigilan ang sarili? Tsaka bakit ganon? Willing siya na magbigay ng 10 million sa akin para sa isang taong i**t? Hindi ko maarok ang utak ng mga mayayaman. Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang pag-iisip nila sa mga bagay bagay.

Yes, kailangan ko ng pera at very timely ang offer niya. Ang magaling ko kasing ama ay nalulong sa sugal at sa huling tawag ni nanay ay nalaman kong titulo ng aming bukirin ang isinanla niya. Alam ba ng Maximus na yon ang tungkol don? No, hindi naman siguro dahil nasa kwarto ako ng makipag-usap ako kay nanay. Naka loudspeaker man iyon, pero imposibleng marinig niya dahil nasa balcony ako ng silid ko nung mga oras na iyon. Isa pa, katapat ng silid ko ay bakanteng kwarto tapos 2 silid pa bago ang silid niya.

Hay! Ewan, ayaw kong isipin at baka pinasok lang ng masamang hangin ang kukute ng amo ko dahil nga n*******d ito kanina. Kapag siguro nahimasmasan ito ay maiisip niya ang kalokohan niya.

Nang mga sumunod na pagpasok ko sa kanyang silid para sa mga gamot niya ay hindi na niya iyo nabanggit pa kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Hanggang ng mag gabi at nasa aking silid na ako nakalimutan ko na rin ang offer niya na parang hindi nangyari.

Yun nga lang, mga bandang alas nueve ng gabi ay nakatanggap ako ng tawag mula na naman sa nanay ko. Kung tutuusin ay okay naman ang sahod ko bilang nurse sa isang kilalang hospital. Sobra lang talaga ang pagnanais ko na mapatayuan ng maayos na bahay ang pamilya ko kaya naman tinanggap ko na ang trabahong maging private nurse nitong si Maximus.

“Nay,” ang sabi ko.

“Anak, pasensya ka na at napatawag na naman ako.”

“Wala ho iyon, nay.” ang sabi ko naman. Syempre, hindi ko naman masasabi sa kanya na hindi okay ang ganun di ba? Sobra ang paghihirap niya para lang mapatapos ako ng pag-aaral. Isama pa ang paghihirap niya para makatapos din ang kuya ko na binalewala naman at nakuha pang mag asawa agad tapos sa nanay ko din nakasandal.

“Ayaw ko sanang isali ka sa problema namin dito kaya lang anak naisip ko baka may kakilala ka na pwede nating mahiraman ng pambayad sa utang ng tatay mo. Ako naman ang magbabayad, huwag kang mag-alala. Kaya lang kasi alam mo naman dito sa probinsya, mahirap din ang mga tao,” ang nakakaawang sabi ng nanay ko.

“Magkano ho ba, nay?”

“Nasa 4 na milyon anak eh.”

“Ano ho?” ang bulalas ko. “Saan naman ho kayo kukuha ng pambayad doon? Tsaka hindi ho talaga ganun kadaling makahiram ng ganun kalaking halaga,” dagdag ko pa. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at talagang naawa ako sa kanya.

“Pasensya na anak at wala talaga akong malapitan na eh. Ayaw ko mang ipaalam sayo ang mga nangyayari dito ay wala rin akong magawa kasi.” Naipikit ko ang aking mga mata habang hinihimas ko ang aking sentido. Paano ba ang gagawin ko? Saan naman ako kukuha ng 4 na milyon? Nakakaloka naman ang tatay ko, wala na nga silbi, problem pa ang dala. Napaka malas naman ng nanay ko sa napangasawa. Kahit na tatay ko iyon ay hindi ko maiwasan ang mag-isip ng ganun. Malabo na yata talagang makakita ng responsableng lalaki ngayon. Kung meron man ay lalake naman din ang hanap.

“Sige ho nay, subukan ko pong maghagilap dito.” ang sabi ko na lang at nang mabawasan man lang ng bahagya ang dalahin niya. Hindi ko ma-imagine ang nanay ko na sa edad niyang 55 ay kumakaharap pa sa ganitong klase ng problema.

“Salamat anak.” Narinig ko ang pagnuntong hininga niya, bago nagpatuloy, “Mag-ingat ka diyan lagi.”

“Sige ho nay, kayo din,” tapos ay ended na ang call.

Bigla kong naisip ang offer ng manyak na Maximus na yon. Patusin ko kaya? Kaya lang paparausan niya lang ako? “Arghh… Kaya ko bang mag pakantot sa hindi ko naman asawa?” ang malakas kong nasabi. Bigla tuloy akong napatingin sa pinto ng aking silid at nakita kong naka-lock naman iyon. Wala naman sigurong nakarinig sa akin. “Naku tatay ko, sinasabi ko sayo huling huli na talagang pagpapahirap kay nanay itong ginawa mong ito dahil ako mismo ang magpapakulong sayo,” dagdag ko pang sabi. Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang magsalita ng ganun dahil wala akong ibang mapagbubuntunan ng galit.

Kinabukasan ay pinakiramdaman ko ang amo kong manyakis at hinintay na banggitin niyang muli ang kanyang offer, ngunit hanggang sa oras na ng pagtulog niya ay wala itong sinabi. Sa kasunod na araw ay ganun din, nahimasmasan na kaya ito? Narealize niya kayang parang napakalaki ng 10 milyon para sa isang taong i**t? Hindi naman siguro siya lugi sa akin dahil virgin pa ako. Tsaka sa kamanyakan niya baka nga ako pa ang maging dehado dahil baka maya’t mayain niya ako. Nakupo, kamusta naman kaya ang kipay ko pag nagkataon.

Hanggang isang linggo ang lumipas, nasa kanyang silid na naman kami at pinapakain ko siya at hindi ko inaalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Tutal ay hindi naman niya malalaman dahil bulag nga siya. “Sarina,” muntik pa akong mapag-igtad dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko kahit na ba nakatuon na sa kanya ang atensyon ko.

“Ano na naman yon?” ang tanong kong kunyari ay inis.

“Tinititigan mo ba ako?” ang tanong niya. Grabe naman, bulag ba talaga ito? Hindi ko na rin napigilang ikaway ang kamay ko sa harap ng mukha niya pero no effect, hindi pa rin siya kumurap.

“Hindi, bakit naman kita tititigan?” ang mataray kong kunyaring sagot.

“Ewan ko ba, parang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Kanina pa ito eh, nag aalangan lang akong magtanong sayo dahil baka isipin mo eh nababaliw na ako,” ang sabi naman niya sabay kibit ng balikat. Huminga ako ng malalim bago ko nilakasan ang aking loob.

“Payag na ako,” ang sabi kong walang kagatol gatol. Kalurkey, sana naman ay interesado pa ang manyak na to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status