Share

Chapter 9

Sarina

“Love, I need to go to the office,” sabi ni Maximus. Monday morning at kasalukuyan kaming nagbe-breakfast. Ako ang naghanda dahil wala si Manang Lisa, may importante daw itong kailangang attend-an para sa anak niya. Okay lang naman dahil marunong naman ako sa gawaing bahay.

“Okay,” ang maikli kong tugon habang patuloy ako sa pagkain.

“Galit ka pa rin ba sa nangyari noong isang linggo?”

“Wala akong karapatang magalit.”

“Love naman, nagpaliwanag na ako.”

“Sinasabi ko lang, dahil binayaran mo ako ay bahala ka na sa gusto mo. Basta pagkatapos ng isang taon ay tapos na ang kontrata natin,” ang tugon ko bago ko isubo ang huling kutsara ng kanin ko. Tapos uminom na ako ng tubig.

Matagal akong kumain dahil pagkasubo ko ng sa akin ay susubuan ko naman ang asawa ko. Kung tutuusin ay wala namang problema, naiintindihan ko ang kalagayan niya at hindi naman ako masamang tao para pabayaan lang siya. Kaya kahit na naiinis ako sa kanya ng may isang linggo na ay hindi ko talaga siya matiis.

“Huw
MysterRyght

Hi, sana po ay magustuhan nyo ang aking unang aklat. Please pa-like and subscribe po sa book para po sa update. And pa-visit po ng profile and follow na rin po ako. Maraming maraming salamat po!!!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status