Share

CHAPTER 87

THIRD POV

Mapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.

“Relax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,” walang emosyong sabi niya sa binata.

“Huwag na huwag mo siyang sasaktan,” tarantang sabi pa nito.

Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?”

“At bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa ‘yo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?” deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.

Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
go gino tulungan mo si emerald at ibalik mo sya kay trevor kung tlgang mahal mo sya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status