Share

CHAPTER 88

THIRD POV

Aabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.

“Yes, Charlene?” bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.

“Gaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?” kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.

“Bakit? Anong problema?” naguguluhang tanong naman niya.

“My god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa ‘yo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,” naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.

“Teka, teka, ano bang pinagsasabi mo?”

“Hindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.”

Tila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.

“S-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
update please madam......
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update madam A,,,mukhang nangangamoy ending na ang story nila trevor and emerald,,,support pa rin kmi Pag may new book kang ilalabas author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status