EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVHindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak.At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito."Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya."Trev," ang tanging nasabi ko na lamang."Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again."Sasagot na sana ako ngunit
Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera
EMERALD’S POV(8 years later)“Happy birthday, Emerald!”Napangiti na lamang ako nang makita kong may hawak na maliit na cake si Nanay Linda, ang yaya na siyang nagpalaki sa akin. Taon-taon na niyang ginagawa ito simula nang mapalipat ako sa bahay ng aking ama. Siya na ang tumayong ina ko. Siya ang nag-alaga at ang tanging tao na nagpakita sa akin na katanggap-tanggap ako.“Thank you po, Nanay Linda,” masayang sambit ko naman.Bukod sa cake ay may nakalagay na rin na breakfast sa may side table ko. Ika-dalawampu’t anim na kaarawan ko ngayon at alam kong parang isang normal na araw lang ang dadaan ngayon. Tanging si Nanay Linda lang ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ang araw na ito.“Anong lakad mo ngayong araw?” tanong pa niya sa akin.Tipid naman akong napangiti. “Nanay, may sasabihin po sana ako sa inyo pero huwag niyo po munang ipagsasabi sa kahit na sino ha?”“Aba ay oo naman. Kailan ko ba naman sinira ang tiwala mo?” pabiro naman niyang sagot sa akin.Mabilis naman akong napa
EMERALD’S POVIlang minuto na lang at mag-aalas singko na. Kanina pa ako hindi mapakali dahil saglit na lang at magkikita na kami ni Marco. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil makalipas ang walong taon, heto na ulit ako at handang magmahal ulit."Kabado ka, Emerald."Napalingon ako kay Chloe na may hawak na paperbag. Nakangiti niyang iniabot sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Happy birthday!" masayang bati pa niya sa akin.Si Chloe ang highschool bestfriend ko na kahit yata saan ako magpunta ay nandoon din siya. Sa iisang school lang kasi kami nag-aral nung college, and obviously, nasa iisang company din kami ngayon. Magkaiba lang kami ng department kaya medyo malayo ang opisina niya sa opisina ko. Nasa 3rd floor kasi ng building ang Marketing Department habang ang Financial Department ay nasa 6th floor. At dahil malapit na rin naman mag-alas singko, sinadya na akong puntahan ni Chloe dito sa floor ko."So, nakatanggap ka na ba ng bulaklak?" usisa pa sa
EMERALD'S POV Alas sais pa lamang ng gabi ay nasa restaurant na ako. Inagahan ko talaga upang mas mauna ako kaysa kay Marco. Alalang alala sa akin si Nanay Linda ngunit sinigurado ko sa kaniya na ayos lamang ako. Hindi ko pa rin sinasabi kay Chloe ang nalaman ko dahil paniguradong susugudin niya si Marco para komprontahin. Mas gusto kong ako muna ang makipag-usap kay Marco. Gusto kong magkalinawagan muna kami. Naghanda pa rin ako para sa dinner na ito. Nagsuot ako ng kulay peach na dress na above the knee ang haba. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting make-up. Balak ko sanang mag-contact lens para hindi ako magmukhang nerd ngunit paniguradong maiiyak ako mamaya. Kaya mas pinili kong isuot ang makapal kong salamin. Ako pa rin kasi ang nerd na pinagkaisahan noong highschool. Siguro naging t*nga lang ako sa part na maniwalang mamahalin nga ako ng totoo ni Marco. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag kaya mabi
Brenna's POV"Brenna, why don't you answer the call. It might be important."Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at pilit ko lang itong ini-ignore. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya iyon. Nandito na kami sa resto kung saan makikilala ko na ang may-ari ng TAC Group of Companies."Importante ba 'yan? Baka dumating na ang hinihintay natin," nag-aalalang sambit naman ni Mama.Knowing Mama, alam kong pinaghandaan din niya ang gabing ito. Matagal na kasi niyang pinipilit si Papa na makipagkilala nga sa prestihiyosong pamilya na iyon. Gusto kasi ni Mama na maipagkasundo ako sa panganay na anak ng pamilya upang mas madali kay Papa na makipag-merge sa malaking kumpanya.Noong una nga ay ayaw kong pumayag sa plano ni Mama ngunit kalaunan din ay umayon na lamang ako. Kung tutuusin kasi, di hamak na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa kina Marco. At isa pa, hindi ko naman nakikita ang sarili ko na mamahalin ko ang lalaking iyon. Sinadya k
Sierra's POVMatapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin kay Marco ay iniwan ko na lang siya basta sa restaurant. Hinayaan kong siya ang magbayad ng pagkain na hindi naman niya makakain. Doon man lang ay makaganti ako sa pananakit niya sa akin.Ngayon ay naglalakad lang ako sa loob ng mall dahil hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang napakabait kong kapatid na si Brenna. Uuwi na lang ako mamaya kapag alam kong tulog na silang lahat."Ma'am, decline po talaga ang card niyo."Napatingin ako sa may cashier ng isang kilalang dress shop dito sa mall. Hindi naman ako chismosang tao ngunit hindi ko alam kung bakit naagaw ng babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at short ang pansin ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, nakaharap kasi siya sa cashier."Pwede po bang subukan mo ulit?" naiiyak na sambit ng babae."Pasensya na po, Ma'am. Pero nakailang try na rin po kasi ako," alanganing sagot naman ng cashier.Kinuha ko ang c