Share

CHAPTER 12: Good Luck

SAMARA POV

"Teka lang, h-hindi ka bulag?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Ano?" Natatawa niyang sabi.

Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya.

"Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya.

"So nakakakita ka nga?" Pag-uulit ko.

Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa yun ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam yun?" Mahabang paliwanag niya.

Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, diba?" pagkaklaro niya.

Natigilan ako. May
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status