Share

CHAPTER 13: Hinala

SAMARA POV

Mabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sila Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan.

Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this time.

Pinipigil ko pa rin ang inis ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkasilip ko ay rumehistro ang pangalan ni Mandy sa screen.

Sa tingin ko ay nag-aalala siya dahil basta ko nalang silang iniwan ni Candice kanina nang hindi ko man lang sinasabi kung saan ako pupunta. Ikinonekta ko ang bluetooth headset sa phone ko para sagutin ang tawag niya.

“Hello? Ara? S'an ka ba? Ang init ng ulo mong umalis ng café kanina. Baka kung anong mangyari sayong masama,” sunod-sunod na sabi ni Mandy mula sa kabilang linya.

Chineck ko ang GPS ng kotse ko. “Sinusundan ko sila Tita Olivia. Mukhang bababa sila sa Evanns Hotel. Kapag nalaman ko talagang may kabit siya ay sasampalin ko siya hanggang mayupi ang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status