MARCO POV Mag-isa akong naglalakad sa madilim na hallway ng ospital. Nakasunod sa akin ang isang nurse na may hawak na bàril. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Mr. Sanchez sa loob ng secret room kanina. ‘It's Eli Delgado. Ang lalaking bumàril sa ‘yo sa Northford University. Bali-balita na matindi ang pagkagusto niya sa fiancée mong si Samara kaya nais ka niyang paslangin. Mag-iingat ka sa kanya,’ nag-aalalang payo ni Mr. Sanchez sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakikiramdam sa paligid. Tahimik ang pasilyong tinatahak namin ng lalaking pinangalanan ni Mr. Sanchez na Eli at tanging ang yabag lang ng sapatos naming dalawa ang maririnig. Huminto ako sa tapat ng pinto ng fire exit at pumasok roon. Iniwan kong nakabukas ang pinto na tila ba nag-aanyaya kay Eli na sundan ako. Nanatili akong nakatayo sa loob. Naramdaman ko ang pagpasok ni Eli na tila ba kampanteng-kampante na nasa kanya ang alas. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang anino niya na unti-unting
MARCO POVSinikap kong panatilihin ang huwisyo ko sa kabila ng bahagyang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko pa rin na ituon ang atensyon ko para analisahin ang kalaban ko at ang kabuuan ng fire exit.Parang namamanhid ang ulo ko sa sobrang sakit ng natamo kong sugat pero tiniis ko ang pangingirot nito. Sa likod ng maskara ay naramdaman ko ang pagngisi ng babaeng nakatitig sa akin.“Tayo!” pagmamando niya. Sa pagkabingi ng tenga ko ay halos malabo na rin sa akin ang totoong boses niya.Sinusuri ko pa rin ang paligid at kinukwenta ang mga posible kong pag-atake base sa natitira kong lakas.“Sampung minuto,” mahina kong naiusàl.“Ano?” nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko.Mariin ko siyang tinitigan. “Sampung minuto at magkukumahog ka nang lumabas mula rito,” saad ko sa kanya saka tumaas ang sulok ng labi ko.Bahagya siyang natawa at isinentro sa noo ko ang hawak niyang bàril. “Talaga? Wala pang sampung minuto ay mapapatay na kita.”Bang!Ipinutok niya ang baril sa
THIRD PERSON POV“AHHHH!” sigaw ni Mandy. Tinanggal niya ang suot na maskara na nanggagalaiti niyang tinapon sa sahig.Nagpupuyos siya sa galit at pinagbabasag ang kung ano mang mahawakan niya. Nagwala siya at pinagtutumba ang mga gamit sa silid kung saan siya naroroon.Binalak niyang patayin si Marco, ang lalaking nagpapaligaya kay Samara, pero nabigo siya,…at mukhang mahihirapan siya.Kinuha niya ang camcorder na nakapatong sa mesa at plinay ang video na kinunan niya sa rooftop. Usapan nila ‘yun ni Samara.‘How are you feeling now, Mrs. Samara Licaforte Villaflor?’ ‘Hmm, ano ba? Ah, I'm happy.’ ‘Oh, really?’ ‘Yes.’ Nanginginig ang kamay ni Mandy habang pinapanood ‘yun. Halos mawasak na niya ang hawak na camcorder. Mabibigat ang paghinga niya at tila may kung anong poot sa kaloob-looban niya na gustong sumabog. Hindi masukat ang nararamdaman niyang galit.Hindi niya gustong nakikitang masaya si Samara. It's like a dose of hell to her. She'll do everything to ruin it as much as s
THIRD PERSON POVDays after the tragedy. Dinala si Mandy ng DSWD sa isang bahay ampunan. The nuns changed her surname from Valdez to Saldivar para hindi na maungkat sa ala-ala niya ang masasakit na nangyari sa dating katauhan.Akala ng mga madre ay gano'n lang kadali ang lahat, pero kahit anong gawin ng mga tao sa paligid ni Mandy ay mananatili ang sugat sa puso niya. Nakabaon na ang poot at galit sa kanya na dulot ng taong nagpasunog sa pabrika at pumatay sa Daddy niya.“She's always staring blankly. Palaging wala sa sarili,” nag-aalalang sabi ng isang madre.“Hay, Sister. Iniwan ng ina tapos namatayan pa ng ama. Grabe rin kasi ang dinanas ng batang ‘yan,” tugon ng isa pang madre na kausap niya.Lagi lang nakaupo sa parke ng bahay ampunan si Mandy. Mag-isa at walang kinakausap. Nakatanaw lang ito sa ‘di kalayuan tapos bigla na lang iiyak.She experienced severe depression. Regular din itong chini-check ng psychiatrist ng bahay ampunan dahil ilang beses na nitong sinubukang magpakamàt
MARCO POV“Ahh, dahan-dahan,” pagdàing ko kay Dos habang ginagamot niya ang sugat sa ulo ko. Napapikit ako sa hapdi sa kung ano mang gamot ang nilalagay niya.Ayon sa resulta ng CT scan ay mild injury lang naman ang natamo ko at hindi napano ang bungo ko. Gayunpaman, kailangan akong ma-check from time to time para masigurado na hindi ako nagkaroon ng brain injury o head trauma. May pagkakataon kasi na hindi agad-agad na nakikita ang epekto ng pinsala sa ulo o mas kilala bilang delayed post-concussion syndrome.“Alam mo, Sir. Kung ordinaryong tao lang ang hinampas ng fire extinguisher nang gano'n kalakas, baka pinaglalamayan na ngayon,” napapailing na sabi ni Vien. Ikunwento ko na kasi sa kanila ang nangyaring engkwentro sa pagitan namin ng ng babaeng hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon.“Mabuti na rin at ako ang nurse mo, Sir. Military nurse kasi ako dati na naka-assign sa paggamot sa mga sundalong sumabak sa gyera. Easy lang ‘to sa ‘kin,” pagyayabang ni Dos.Bahagya akong natawa s
SAMARA POV“LET'S GET READY TO PARTY!” shouted the DJ, making the crowd dance even wilder.The midterm exam has just ended, and it wouldn't be complete for a Northford University student without getting wasted on a party.We gathered at 'The Red Velvet,' isang high-end bar sa BGC."Another vodka, Ara," my friend Candice offered, na 'di ko naman tinanggihan.I’m wearing a revealing skirt and a tube top. Feeling the beat, I danced like crazy after downing five shots of vodka, not caring what I looked like. All that matters was having fun until my body can no longer keep up."Look at that guy wearing red shirt, he's cute," Mandy whispered then giggled.Sa tingin ko ay tinutukoy niya yung lalaking may kahalikang blonde girl. I sipped another vodka bago lumapit sa kanila."Hey," pigil ni Mandy na bahagya pang natawa. "I just said he's cute, hindi ko naman sinabing puntahan mo. Kitang may jowa, oh. You're unbelievable."I giggled. "So what? Mas challenging ngang mang-agaw, diba? Tutal maaag
SARAMA POV"Carbon emissions contribute to climate change by trapping heat in the atmosphere and causing global warming..." the guy on the board continued reporting kahit wala namang nakikinig.He's Marco Villaflor, a scholar. He transferred here out of nowhere with his not so awesome fashion style.Mas catchy pa nga ata ang baduy at mumurahin niyang damit kaysa sa pinagsasabi niya sa reporting niya. Dagdag mo pa ang tingin niyang diretso lang kasi bulag. Kung minsan ay napagtitripan pa naming iwan siya habang nagdidiscuss.Nagpangalumbaba ako habang bagot siyang tinititigan.I must admit it. May itsura naman si Marco. His face is chiseled with a strong jawline and high cheekbones. Kaakit-akit din ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata.He looks like a Hollywood American celebrity. Maganda ang postura, matipuno ang dibdib at may katangkaran. Kapag naglakad nga siya hallway ay mala-modelo at malakas ang dating. Matalino rin siya at madiskarte. Ikaw ba naman ang maging bulag na
SAMARA POV"AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko. Nang mapagtanto ng misteryosong taong nakatayo na napansin ko siya ay mabilis siyang tumakbo."Why?" Agad na nilingon ni Aldric ang tinititigan ko at isinara ang mga butones niya."P-Parang may tao run kanina?" nanginginig na tinuro ko yung direksyon kung saan ko nakita yung taong nagvideo sa amin.Naalarma si Aldric sa naging reaksyon ko kaya lumabas siya ng kotse kahit hindi niya pa maayos na naisasara ang lahat ng butones niya. Pinuntahan niya yung lugar na tinuro ko at sinubukang maghanap sa paligid.Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko at takot na takot nang makabalik si Aldric sa loob ng kotse.He kissed my forehead at pinakalma ako. "Relax, baka tambay lang na nantitrip. I'll ask the security for cctv footage para mahanap natin kung sino yun.""Pero kinunan niya tayo ng video. I can't afford another scandal now, magagalit na naman si daddy. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa huling nagin