Share

CHAPTER 3: Guilt

SAMARA POV

"AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko. Nang mapagtanto ng misteryosong taong nakatayo na napansin ko siya ay mabilis siyang tumakbo.

"Why?" Agad na nilingon ni Aldric ang tinititigan ko at isinara ang mga butones niya.

"P-Parang may tao run kanina?" nanginginig na tinuro ko yung direksyon kung saan ko nakita yung taong nagvideo sa amin.

Naalarma si Aldric sa naging reaksyon ko kaya lumabas siya ng kotse kahit hindi niya pa maayos na naisasara ang lahat ng butones niya. Pinuntahan niya yung lugar na tinuro ko at sinubukang maghanap sa paligid.

Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko at takot na takot nang makabalik si Aldric sa loob ng kotse.

He kissed my forehead at pinakalma ako. "Relax, baka tambay lang na nantitrip. I'll ask the security for cctv footage para mahanap natin kung sino yun."

"Pero kinunan niya tayo ng video. I can't afford another scandal now, magagalit na naman si daddy. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa huling naging eskandalo ko," bakas mo pa rin sa boses ko ang pag-aalala.

Bahagya siyang ngumiti. "The windows of my car are tinted. Walang makakakita sa atin kahit anong gawin natin dito sa loob. You know you're safe with me, Ara."

Sa puntong yun ay kumalma na ako. Muli ko siyang kinintalan ng halik sa labi at bumuntong-hininga.

Tatanggalin niya sana ulit ang damit na itinakip ko sa dibdib ko for another round pero tumanggi na ako.

"Let's go home now. Inaantok na rin kasi ako," malambing kong sabi at nagbihis.

He smiled gently. "Fine, wife," he teased, kissing my lips once more. Agad na namula ang pisngi ko. "Pero ihahatid na kita hanggang sa tapat ng bahay niyo. Hindi pa tayo sigurado kung sino yun, baka sundan ka pa," pag-aalok niya.

"Baka makita ka ni daddy o ng mga kasambahay namin at isumbong ang tungkol sa 'tin. Ibaba mo nalang ako gaya run sa dati. Lalakarin ko nalang," pakisuyo ko sa kanya.

Napahinga siya nang malalim. Alam kong nag-aalala siya at pinipigilan lang na magprotesta sa akin.

"Just wait a little, Aldric. Gusto ko kasi maayos muna ang lahat bago kita maipakilala kay dad. You know I just got into another trouble, right? Medyo wrong timing. I'll fix that first, ok?" paliwanag ko sa kanya.

Halatang pinilit niya lang na ngumiti kaya niyakap ko siya. "Hubby?" tukso ko sa kanya. He giggled. I kissed his cheeks para kiligin siya lalo.

"You really know how to tame me," pagsuko niya. "Same spot?"

Pangiti akong tumango at sinimulan niyang mag-drive.

***

Pagkapasok ko palang ng mansyon ay bumungad na agad ang nakataas na kilay ng stepsister kong si Monica. "Where have you been?" maarteng tanong niya.

"From hell?" sarkastiko kong sabi at nilampasan siya. Napasinghap siya sa inasta ko.

We've always been like this. Lalo na kung walang ibang taong nakatingin.

Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos. Tipong magkakatinginan pa nga lang kami ay magsasabong na kami.

Nasagi ng paningin ko ang suot niyang sapatos. Nagulat pa siya nang mapansin ako at agad yung tinago.

Nakakaloko akong tumitig sa kanya. Kaparehong-kapareho ng sapatos na suot ko.

'She's such a copycat.'

Wala siyang alam sa fashion kaya lagi niya nalang ginagaya ang mga binibili ko. Katulad ni Tita Olivia na panay gaya sa mga amiga niya— mapadamit man o properties.

Nag-hire pa nga sila ng etiquette coach dati para lang makipagsabayan sa mga kilala nilang mayaman pero parang hindi naman tumalab. Nagwaldas lang ng pera.

You really can't buy class.

Umakyat ako sa kwarto ko. Naligo ako bago humiga sa malambot kong kama.

Napansin kong mag-aalas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naiisip ko pa rin kasi yung pagtatalo namin ni dad.

I know I am a brat pero hindi ko kayang sumama ang loob niya sa akin nang matagal.

Beep.

I immediately checked my phone. It's Candice. Mukhang may kalokohan na namang sinend sa class GC.

Pagkabukas ko palang ng messenger ay bumungad na agad ang memes ni Marco na si Candice ang may gawa. I giggled. Panay tanong pa siya kung nag-seen na si Marco, eh bulag nga.

It's really her habit na kung sino man ang mapagtripan ko ay pagtitripan niya rin, and then susunod naman ang iba naming kaklase.

Malaki ang share ng pamilya ko sa Northford University so I'm quite influencial. Kaya kong baliin ang batas whenever I want. Kaya siguro ganun nalang sila kung sumabay sa akin.

'Takot lang nila,' bahagya akong natawa.

Out of curiosity ay inistalk ko ang wall ni Marco.

He got a big family. Marami silang magkakapatid. Siguro sa kanila rin siya nagpapatulong sa pag-uupload ng pictures sa f* niya na sobrang dami. They looked happy kahit ang bahay nila ay tagpi-tagpi.

I scrolled more.

May mga pagkakataong kinakailangan nilang umutang para may makain at pambaon sa eskwela. Mukhang iilan lang silang nakakapag-aral at ang iba ay tambay lang.

Lumalabas silang buong pamilya kahit isang piraso lang ng isda at pancit ang dala sa dalampasigan.

I slowly felt lonely while seeing his family outings' pictures. Kahit hindi sa isang mamahaling resort ay grabe ang ngiti sa mga labi nila.

Kelan ba ang huling beses na namasyal kami ni dad?

Ever since lumago ang negosyo namin at nagkaroon ng branches sa ibang bansa ay nawalan na rin siya ng time sa akin. Bibihira ko ring siyang makita kasi hindi na siya gaanong umuuwi.

Sa dami ng ginagawa niya ay sa company na siya halos natutulog. Kung may oras man siya ay sila Tita Olivia at Monica ang kasama niya. Mostly nga sa pictures sa private account ni dad ay ang pamamasyal nila sa ibang bansa na silang tatlo lang.

Hindi naman sa hindi nila ako sinasama— pero naiilang akong sumama.

I felt like I'll just ruin their family picture.

Since I grew up without mom, I never felt complete. Parang laging nakikisawsaw lang. Sobrang bata ko pa nung mawala siya kaya wala akong ala-ala sa kanya. I just know her through pictures and stories of dad.

Tuwing Mother's Day ay naiinggit ako sa iba na kumakain sa labas at nagbobonding.

Ang tanging paraan ko lang kasi na maramdaman na kasama ko si mommy ay bisitahin ang puntod niya.

Napahinga ako nang malalim.

I should not complain because I am enjoying all my life's luxuries. I am loving the fact that I am a Licaforte with all its privileges.

But I always miss my dad,

...the only family I consider I still have.

Bumangon ako sa kama ko. I felt like talking to dad kahit saglit lang para gumaan yung pakiramdam ko.

We never had a heart-to-heart talk lately. Halos puro pagtatalo lang and his rants kung gaano ko pinapasakit ang ulo niya.

Wala rin akong ideya on how I ended up like this. I miss the old us.

Sumilip ako sa awang ng pinto ng office niya na bahagyang nakabukas. Agad akong natigilan.

He's having a coffee with his new lawyer, Atty. Santivañez. I've heard a lot about him but we've never met personally before.

He graduated with flying colors at topnotcher sa board. Scholar siya ng kompanya namin kaya kahit nung estudyante palang siya ay kilala na siya ni daddy.

Medyo nakatalikod siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Despite of that, mukhang bata pa naman siya. Mga nasa mid-20's or 30's lang.

"She's still young, normal talaga sa edad niya ang nagrerebelda," rinig kong saad ni Atty. Santivañez.

Mas sinikap kong sumilip. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila at mababatid mong seryoso sila. Napansin ko rin ang lungkot sa mga mata ni daddy.

"I don't know too, Attorney. I'm starting to think na may mali rin ako. I always don't have time for her. Akala ko ay magiging sapat na ang pagbibigay ko ng lahat ng luho niya. Ipinangako ko pa naman kay Eloisa na aalagaan ko siya. I'll raise the best version of her as much as I can. But look at her now— yung mga gimik na ginagawa siya sa social media. Seeing those things make me pity my daughter and I felt like I've become the worst father. Siguradong malulungkot si Eloisa kung nabubuhay pa siya dahil pinalaki kong ganito si Ara."

Matapos marinig ang mga katagang yun mula kay daddy ay nakaramdam ako ng guilt. Parang may namuo rin sa lalamunan ko na gusto kong umiyak.

All I wanted is to have fun para matakasan ang pangungulila ko. Hindi ko naman ginustong humantong sa ganito.

Tatawagan ko sana ang nobyo kong si Aldric para may makausap ako pero hindi ito sumasagot. Sa tingin ko ay nakatulog na siya dahil lampas alas onse na ng gabi.

Magpapahinga nalang sana ako pero napansin kong bukas ang main door kaya naisip kong magpahangin na muna sa labas.

***

"Two old friends meet again

Wearin' older faces

And talk about the places they've been..."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang magandang boses na iyon. Isang lalaking kumakanta at naggigitara. Sobrang sarap sa tenga at nakakagaan ng pakiramdam.

Pagkalingon ko para makita kung sino ang lalaking yun ay nagulat ako. Isang pamilyar na mukha.

'Si Marco? Marunong siyang kumanta?'

Aligaga akong nagtago ako sa likod ng pader. Ilang sigundo ko ring pinagmasdan si Marco nang may mapagtanto ako.

Napakamot ako sa ulo ko at napangiwi. 'Bulag nga pala ang lalaking 'to.'

Kahit tumambling pa ako sa harapan niya ay hindi niya makikita. Bakit ba ako nagpapakapagod na magtago?

Kaswal akong naglakad at umupo sa katapat niyang bench sa 'di kalayuan. Maganda naman ang boses niya. Hindi na masamang magpuyat kahit konte.

Napansin ko ang lata sa tabi niya. Sa tingin ko ay namamalimos siya. May iilang tao ring dumadaan na naghuhulog ng barya.

Kinapa ko ang bulsa ko para maghulog din sana nang mapansin ko ang tatlong lalaki na lumapit sa kanya. Agaran ko silang inusisa.

Sa pag-aakalang maghuhulog sila ng barya ay naisip pa nilang kunin ang lata na naglalaman ng kinita ni Marco. Napagtanto ata nilang bulag ito. Paulit-ulit pa nilang winasiwas ang kamay nila sa harapan niya saka tatawa-tawang umalis.

Napamura ako sa hangin. Sila na nga itong walang kapansanan ay sila pa ang nakaisip na magnakaw.

Magaganda naman ang mga porma at mukhang hindi naghihikaos. Naglakad ako papunta sa kanila.

"Uy, hi Miss Beautiful," agad na bungad ng isa sa akin na malapad ang ngiti.

Nakaamoy ako ng beer. Sa tingin ko ay lango sila sa alak.

"Akin na yang lata," utos ko sa kanila.

Nagtinginan silang tatlo. "Amin 'to, eh," pagmamatigas nila.

"Curfew hours ngayon, bawal ang gumala-gala na nakainom sa kalyeng 'to. Gusto niyo ipapulis ko kayo?" pananakot ko.

Agad nilang ibinigay ang lata sa akin. Mabuti nalang at naniwala sila kahit gawa-gawa ko lang yung sinabi ko. Nagtakbuhan silang tatlo.

Pangiti kong tiningnan ang lata at nagulat ako kasi walang laman. "Shit," mahina kong sabi. Naisahan ako.

Nakita ko nalang ang tatlo sa malayo na inaasar ako at kumakaway.

'May araw din 'tong tatlo sa 'kin, makikita nila.'.

Padabog akong kumuha ng limang daan sa bulsa ko. Ayoko namang walang maiuwi sa Marco ngayon dahil lang sa mga loko-lokong yun.

Natigilan ako nang pagkalingon ko ay may kasama nang paslit si Marco. Tinutulungan siya nitong hanapin ang lata.

Napakunot ang noo ko. Kapatid niya ba yan? Sa dami ng kasama niya sa pictures kanina ay hindi ko na maalala.

Panay pa rin ang kapa ni Marco sa paligid. Pasekreto kong tinawag yung bata na agad namang lumapit sa akin.

"Sa inyo ba 'to?" pangiti kong sabi.

Kinuha niya ang lata at nagulat na may laman itong limang daan. "Sa inyo po 'to galing ang pera?"

Tumango ako. Agad namang nagkislap ang mga mata niya.

"Ba't kayo inabot ng alas onse rito? Palagi ba kayo rito?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang po, natapon niya kasi yung tanghalian ko kanina kaya nagastos namin yung huling pera namin na para sana sa panghapunan. Salamat po rito sa limang daan, makakauwi na po kami tapos makakakain," inosenteng tugon niya.

Natapon na tanghalian? Yun ba yung itinabi ni Marco kanina na tinapon ko sa sahig? Bakit niya inaako na siya ang nakatapon?

Kung hindi ko pa sila nadaanan dito ay baka hindi pa sila makakapaghapunan. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko sa kanya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Dadagdagan ko pa sana ang perang nasa lata niya pero nakalimutan ko pala ang pitaka ko.

"May problema po ba?" nagtatakang sambit niya.

"Dadagdagan ko sana yang nasa lata mo kaso naiwan ko yung pitaka ko," nahihiya kong sabi.

"Ay, ok na po 'to. Balik na po ako baka hinahanap na ako ni dada," paalam niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Dada?"

"Opo, dada, tatay ko po siya," pag-amin niya.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Halos hindi ako makapaniwala.

Hindi ko alam kung gaano katagal nanlaki ang mga mata ko basta naistatwa nalang ako habang pinagmamasdan silang naglalakad paalis.

Shit, may anak na siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status