SAMARA POV"I'll ask you something to repay me," sumeryoso ang mukha niya. "Hindi libre ang pagtulong ko sayo, Ara," diretso niyang sabi.Natigilan ako at napawi ang ngiti sa labi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.Mas lumakas pa ang pintig ng puso ko nang tumaas ang gilid ng labi niya.'Anong kapalit ang hihingin niya?'Inilapit niya nang konte ang mukha niya sa 'kin. Naaamoy ko na ang panglalaki niyang pabango. Ilang beses akong napakurap. Maraming naglaro sa isipan ko.'What he'll gonna say? What's on his mind?'"Smile," nakangiting sabi niya."Smi— ha?" Nagtataka kong tanong."I said smile, yan ang hinihingi kong kapalit sa mga naitulong ko," ulit niya.Natigilan ako. Ilang saglit bago ko nakuha. "Ahh," napatango ako at natawa. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pangingitiin niya lang pala ako, akala ko naman kung ano na. Napapunas tuloy ako ng pawis nang wala sa oras."Yan, mas maaliwalas. Hindi bagay sayo ang matamlay," puri niya."Nakakatakot
SAMARA POVUmalingawngaw ang ingay ng tambol sa buong gymnasium. Ngayong araw ang start ng ensayo ng cheerleading squad kung saan kami kasali ni Candice."ROAR LIKE A TIGER! MOVE WITH GRACE! WE'RE UNSTOPPABLE! ALWAYS ON THE CHASE!" we shouted in unison. Practice palang ay todo bigay na kami."Woooah! Panalo na ang Northford University! Sure na sure na yan!" hiyaw ng mga estudyanteng nanonood sa amin.Limang universities ang makakaharap namin ngayong Sportsfest. Last year, ang team namin ang nanalo kaya hindi na kami gaanong kinakabahan. We always give our best to provide a satisfying show, and I know this year will still be our spotlight."Well done, that's all for today," anunsyo ng cheer instructor namin habang pumapalakpak. "Bukas ulit, same time. We'll perform some stunts on next meeting so prepare guys, ok? Dismiss," saad niya bago tuluyang umalis ng gymnasium.Agad kaming humiga sa inilatag na sleeping mat ni Candice sa sahig. Nakapikit akong huminga. Ang sarap talagang humilat
SAMARA POVNadatnan kong mag-isa si Marco sa isa sa mga picnic tables ng mini park ng Northford University. May earbud siya sa isang tenga at nagsusulat gamit ang braille. Sa tingin ko ay nag-aaral na naman siya.Iginala ko ang paningin ko sa paligid, walang tao. Dahil na rin siguro ang karamihan ng mga estudyante ay nag-eensayo. Naglakad ako palapit kay Marco.Agad na nasagi ng mga mata ko ang pang-mascot na costume sa loob ng nakabukas na sako sa tabi niya. Gawa ito sa makapal na fabric na matatansya mong mainit suotin. Mabigat akong huminga. Nasa harap niya na ako pero hindi niya pa rin ako napapansin kaya malakas na ibinagsak ko ang dala kong bag sa mesa. Nagulat at napahinto siya sa pagbi-braille niya."Ba't nagpresenta kang maging mascot at maging kengkoy lang sa Sportsfest? Nag-eenjoy ang lahat ng estudyanteng salihan ang mga gusto nilang events so dapat ikaw rin. Sa tingin mo ba kapag nagmascot ka, tatayo ka lang nun? Sasayaw ka ng ilang araw sa mga games na parang engot, akal
SAMARA POV"Teka lang, h-hindi ka bulag?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.Napakunot ang noo niya. "Ano?" Natatawa niyang sabi.Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya."Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya."So nakakakita ka nga?" Pag-uulit ko.Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa yun ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam yun?" Mahabang paliwanag niya.Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya.Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, diba?" pagkaklaro niya.Natigilan ako. May
SAMARA POVMabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sila Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan. Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this time.Pinipigil ko pa rin ang inis ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkasilip ko ay rumehistro ang pangalan ni Mandy sa screen. Sa tingin ko ay nag-aalala siya dahil basta ko nalang silang iniwan ni Candice kanina nang hindi ko man lang sinasabi kung saan ako pupunta. Ikinonekta ko ang bluetooth headset sa phone ko para sagutin ang tawag niya.“Hello? Ara? S'an ka ba? Ang init ng ulo mong umalis ng café kanina. Baka kung anong mangyari sayong masama,” sunod-sunod na sabi ni Mandy mula sa kabilang linya.Chineck ko ang GPS ng kotse ko. “Sinusundan ko sila Tita Olivia. Mukhang bababa sila sa Evanns Hotel. Kapag nalaman ko talagang may kabit siya ay sasampalin ko siya hanggang mayupi ang p
SAMARA POVNakahinga ako nang maluwag nang makaalis na sila Candice at Mandy. Muntik na kasing makapagsabi ng hindi maganda si Candice kanina. Baka kung ano pang sumagi sa utak ni Marco at masaktan ang damdamin niya.Malay ko ba na maiisip niyang gawin din yung parte ko sa worksheets. Edi, sana hindi ko na nabanggit kina Mandy yun,…na ok lang sa ‘kin na bumagsak kasi kaya ko namang magbayad at wala akong pakialam sa grades niya.Napalingon ako kay Marco. Ordinaryong polo lang ang suot niya at kupas pa. Hay, mag-organize kaya ako ng paraffle ng mga damit tapos puro pangalan niya lang yung ilalagay ko sa entries? Masyadong busabos ang itsura niya.Sayang naman ang awrahan niya na mala Hollywood American celebrity. Dagdag mo pa ang katawan niyang parang bidang lalaki sa novels na possessive series.Nilapit ko ang ilong ko sa damit niya para singhutin kung anong amoy niya at napanganga ako.‘In fairness, ah? Hindi siya amoy araw kundi amoy mayaman. Ano kayang perfume niya?’Nagpangalumb
THIRD PERSON POVNakaupo sa isang madilim na kwarto. Nakaharap sa laptop kung saan sunod-sunod na nagpiplay ang recordings ng pag-uusap nila Samara at ng mga kaibigan niya. Hindi napigilan ng misteryosong tao na mainis sa mga naririnig niya.‘Ara, diba stepmom mo yun? Sino yang kasama niya?’‘For sure, kabit niya yan. Hindi lang ito ang unang beses na nahuli ko sila.’‘ANO?!’ ‘Alam na ba ng daddy mo?’‘Hindi pa, pero sisiraduhin kong malalaman niya.’Natigilan siya nang tumunog ang phone niya sa gilid ng mesa. Kanina niya pa inaabangan ang tawag ng lalaking naka-fedora.“Hello? Nabasa ko ang message mo na gusto mo akong makausap,” kampanteng saad ng lalaki sa kabilang linya.“Nareceive mo na rin ang recordings na pinasa ko diba? Ba't hindi ka nag-iingat? Muntik na kayong mahuli ng babaeng yun. Ayokong masira ang mga plano natin,” natitimping sabi ng misteryosong tao.Bahagyang natawa ang lalaki. “Alam mo namang kakailanganin din natin si Mrs. Licaforte para tuluyang mapa sa ‘tin ang
SAMARA POVPagkapasok palang namin ni Aldric ay bumungad na agad sa amin ang makukulay na ilaw at masiglang musika ng Ayala Triangle Gardens. Everyone’s enjoying the ‘Festival of Lights.’ Kahit saan ka lumingon ay mamamangha ka. Maraming tao ang nagpunta na nagkanya-kanyang picture at video sa lugar.Lumapad ang ngiti sa labi ko. Magandang pangtanggal stress ang maglakad-lakad dito.“You like it?” Aldric whispered to me habang nakahawak ang isang kamay sa beywang ko. “Yeah,” malambing kong sabi saka humalik sa labi niya.He's really a remedy for my bad days. Nakakawala ng lungkot at pagod.“I told you na may importante akong sasabihin sayo diba?” Pagpapaalala niya sa ‘kin.“Uhm,” tumango ako. “Tungkol saan yun?” Usyusong tanong ko sa kanya.“Wait here,” nakangiti niyang sabi tapos umakyat siya ng stage.I was giggling. Ano na naman kaya ang paandar niya ngayon? Masyado siyang maraming pakulo.Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang tumutok ang mga ilaw sa akin na nakaagaw sa atensy