Share

CHAPTER 2: Marco and Aldric

SARAMA POV

"Carbon emissions contribute to climate change by trapping heat in the atmosphere and causing global warming..." the guy on the board continued reporting kahit wala namang nakikinig.

He's Marco Villaflor, a scholar. He transferred here out of nowhere with his not so awesome fashion style.

Mas catchy pa nga ata ang baduy at mumurahin niyang damit kaysa sa pinagsasabi niya sa reporting niya.

Dagdag mo pa ang tingin niyang diretso lang kasi bulag. Kung minsan ay napagtitripan pa naming iwan siya habang nagdidiscuss.

Nagpangalumbaba ako habang bagot siyang tinititigan.

I must admit it. May itsura naman si Marco. His face is chiseled with a strong jawline and high cheekbones. Kaakit-akit din ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata.

He looks like a Hollywood American celebrity. Maganda ang postura, matipuno ang dibdib at may katangkaran. Kapag naglakad nga siya hallway ay mala-modelo at malakas ang dating. Matalino rin siya at madiskarte.

Ikaw ba naman ang maging bulag na mag-isang nag-aaral as college student. Imbis na tulungan ay pinagkakatuwaan pa siya ng mga estudyante.

Sa totoo lang, kung hindi siya bulag at mahirap ay baka kaliwa't kanan na ngayon ang mga babaeng naghahabol sa kanya.

Candice leaned on me na bahagya kong ikinagulat. Agad kong nilihis ang paningin ko mula kay Marco at tumingin kung saan. "Shocks Ara, sikat ka na naman," pinakita niya sa akin ang scandal kong kalat na sa social media.

Chineck ko ang phone niya at bahagyang natawa. "The netizens are good in getting good angles. Sana pala pinakita kong lahat," sarkastiko kong sabi.

Mandy suddenly joined us. "See? I told you. Another trouble, Ara. Pinagsabihan na kita, diba?" She looks so paranoid na para bang siya yung nasa video'ng kumakalat.

I just laughed at her reaction. "Relax Mandy. I don't even mind kahit pagsawaan nila yan. I'm enjoying the attention. I need to make issues every now and then to stay relevant."

"Relevance? Can't you make it in a good way? Mag charity works ka. Walisin mo yung buong EDSA, mga ganun. Everyone knows you in a negative way and I don't think that's cool," pangaral ni Mandy.

"Hindi catchy maging mabait, Mandy. Everyone wants something wild. The way na mas inooffend mo yung prinsipyo ng mga tao, mas madali ka nilang maaalala," Candice defended my side.

I giggled. "True, it's just a matter of personal choice. Safe but boring, or fun but dangerous. You should taste what dangerous felt like sometimes. You might realize one day, you haven't achieved anything farther kasi gusto mo safe ka lang."

"Yeah, Mandy. You'll grow old with regrets of all the fun things you didn't try. Don't miss out on life's wild ride," Candice insisted.

Napapikit nalang si Mandy. "Why do I have friends like this? Puro bad influence."

We just ended up giggling.

***

"Salad with grilled chicken, avocado toast, and a smoothie, please," I ordered at the cafeteria's counter.

Pansin kong pinagtitinginan ako ng ibang estudyante habang ang iba naman ay nakatutok sa phone nila.

Sinilip ko ang pinagkakaabalahan nila at saglit akong natigilan.

It's my scandal.

Kaya naman pala trending dahil pinapanood nila bente kwarto oras.

"Where should we sit?"

Palinga-linga sila Mandy at Candice nang makita ko ang baduy na si Marco na mag-isang kumakain.

Isang pilyang ideya agad ang pumasok sa isipan ko. Kulang ang linggo ko rito sa Northford University kung hindi ko siya napagtitripan.

I immediately walked towards his table at sumunod naman sila Candice at Mandy.

"Get out, uupo kami," utos ko sa kanya.

I don't know why but it really gives me satisfaction bullying people na hindi ko ka-level.

"Hindi niyo ba nakikitang kumakain pa ako?" pagmamatigas niya. Napansin pa namin ang baon niyang tortang talong at kanin na agad naming pinandirihan.

"How dare you asking us kung may nakikita kami eh ikaw yung bulag," pilosopong tugon ni Candice.

"Hmm," nababagot na sabi ni Marco. "Kung kayo naman pala ang nakakakita, bakit hindi kayo maghanap ng bakanteng mesa?"

Agad kaming napasinghap sa inasta niya. This brat has the guts na sagutin kami? Sa makailang beses naming pangbubully sa kanya ay marunong na siya ngayong lumaban?

Pangiti-ngiti siya nang mapansing hindi kami agad na nakasagot.

Pagkatingin ko sa paligid ay napansin ko na nasa amin ang atensyon ng lahat. I won't let him win in front of everyone. Never.

He might have forgotten the social pyramid at kailangan kong ipaalala sa kanya.

Tumaas ang gilid ng labi ko. "So you're still eating?" sarkastiko kong sabi. Umabante pa ako para magkatapat ang mukha naming dalawa.

Hindi siya umimik o kumurap man lang. Abala lang siyang ngumunguya.

Nagsalubong ang kilay ko. Ang pinaka nakakabadtrip talaga sa pang-aasar ay yung parang tuod na walang pakialam ang inaaway mo. Bahagya akong natawa.

'Tingnan natin kung hindi mo pa rin ako pansinin dito sa gagawin ko.'

Yumuko ako sa natitira niyang pagkain. Kinuha ko ang baonan niya at itinapon ito sa sahig.

"Woooah," hiyaw ng lahat. Ang iba pa nga'y natawa.

"Ops, my bad," I chuckled, teasing him. "I guess you're done now," nagpangalumbaba ako sa harapan niya.

Kinapa ni Marco ang mesa. Nang hindi niya mahanap doon ang baonan niya ay sa sahig naman siya gumapang.

Candice and I lauged on how pathetic he looks like. Ganun din ang ibang nakakita sa kanya.

I guess I finally emphasized it to him.

Walang puwang ang pagmamatapang ng isang tulad niya sa mundong ang nagpapagalaw ay pera. Ang lugar ng pobreng tulad niya rito sa school ay laruan lang naming mayayaman.

Mandy wants to help, kita mo sa naging reaksyon ng mukha niya. But she knows she can't do that in front of everyone so she just pretended not to see it. She's the type of person na playing safe.

Nang mahanap ni Marco ang baonan niya ay nilagay niya iyon sa bag niya. Wala na siyang sinabi at umalis nalang ng cafeteria. Iminuwestra ko ang kamay ko na parang nagbubugaw ng langaw while still laughing.

He's really a fun toy to play.

***

"Hi, babe," I kissed Aldric bago kami pumasok sa kotse niya.

Isa-isa kong tinanggal ang butones niya pero hindi man lang siya gumaganti sa akin.

"What's wrong?" nag-aalala kong tanong.

"You know I'm just resisting myself to get your virginity kasi gusto mong magtapos muna tayo ng college at magpakasal, and then madadatnan kitang nakikipagsex sa bar?" he replied to me, sulking.

I chuckled. "Hindi ko naman binigay ang virginity ko sa kanya. It was just a mild sex. Sayo pa rin naman ako uuwi. I'm all yours," I looked at his lips intently and kissed him again.

He then touched my body randomly. Agad akong nag-init sa mga haplos niya kaya tinanggal ko ang damit ko pang-itaas para sa kanya. In response, ay marahan niyang hinalikan ang leeg at dibdib ko.

"Kelan mo ba kasi ako ipapakilala sa pamilya mo? We're almost three years," he whispered making me push him a little. "Why?" nagtataka niyang sabi.

"You know what kind of family I have, right? Anak ako sa labas. It's my dad's family. Nakikibahay lang ako," nakasimangot na saad ko.

"You're still your dad's child. I just wanted to make things legal. Sa tagal mo 'kong ipakilala sa kanila ay naiisip kong wala ka naman talagang balak na gawin yun. Napapangitan ka ba sa 'kin? Nakukulangan ka ba sa abs ko? Baka may asawa ka nang iba at may anak na kayong dalawa. Mas mabuti na yung kilala ako ng pamilya mo para magkabistuhan na," he kissed me again.

"What?" Bahagya akong natawa. He's really cute.

Batchmates kami ni Aldric sa highschool. Ang tatay niya ay may-ari ng isang kilalang traveling agency. Ang nanay niya naman ay CPA.

He got all the qualities that every woman could wish for. Gwapo, mayaman, matalino, mabait at understanding.

At a young age ay isa na rin siyang achiever. Kasali siya sa national team ng football na nagko-compete internationally.

He's the ace player.

Kahit maraming babaeng umaaligid sa kanya, he remained loyal and faithful to me.

I know in my heart that he'll always be my safe haven, my protector and my soulmate. I can't see myself growing old without him.

The day I met him, I never felt alone anymore.

Gaya nga sa lyrics ng kanta ni Taylor Swift. He's the best thing that ever been mine.

I played my fingers on his lips while his arms were hugging me towards him. "I'm already the luckiest girl to have you. It will be stupid na pakawalan ka pa."

He looked me intently. Piercing through my soul with so much love. Leaving a mark of happiness and warmth. "So kelan nga?" Marahan niyang inayos ang mga hibla ng buhok ko.

"How about a night before my birthday? Let's have a dinner sa bahay?" I suggested with my sweet voice.

Agad siyang napangiti. "I guess that would be fine," hinila niya ako palapit sa kanya at muli akong hinalikan.

I'm still devouring his kisses. Giving me that sense of pleasure. Tatanggalin ko na sana ang polo niya nang mapansin ko ang isang taong naka-hoody jacket ng itim na kinukunan kami ng video. Madilim kung saan siya nakatayo kaya hindi ko naaninag ang mukha niya.

"AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status