Share

CHAPTER 4: Shadow Raven

SAMARA POV

Ilang oras akong nakatulala habang tinititigan si Marco mula sa malayo. He's studying using braille and audio books.

Hindi pa rin ako nahihimasmasan sa nalaman ko kagabi. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko na tatay na siya.

Wala sa sariling paulit-ulit na tinutusok ko yung hotdog sa pasta na kinakain ko.

"Sis, maawa ka naman d'yan sa hotdog mo, durog-durog na, oh. Kainin mo na yan," biro ni Candice. Natigil pa siya sa pag-ccp niya para lang sabihin yun sa 'kin.

Kasabay kong kumakain dito sa cafeteria ang dalawang kaibigan ko. Well, palagi naman talaga kaming magkasama.

Nagtatawanan sila Candice at Mandy pero hindi ko magawang makisali sa kanilang dalawa. Masyadong occupied yung utak ko.

"Sa tingin niyo posible yun?" wala sa sariling tanong ko.

"What?" kaswal na tanong ni Mandy tapos uminom siya ng milktea.

"Na may anak na si Marco," diretso kong sabi. Sabay silang nabilaukan.

"Uho, uho," ubo ni Candice tapos natawa siya. "Joke ba yan? Kita mong bulag, oh," nagpatuloy siyang kumain.

Natatawa rin si Mandy habang nagpupunas ng bibig niya. "Why so random, Ara?"

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngayon palang ata ako bumalik sa huwisyo ko. "Bakit? Bulag lang naman siya pero mukhang hindi naman siya baog," paliwanag ko sa kanila. They both laughed.

"Ok, fine Ara. Sino naman yung nanay? Ikaw?" pilosopong tanong ni Candice kaya sabay ulit silang natawa ni Mandy. Mukhang wala talaga silang balak na seryosohin yung sinasabi ko.

"What makes that impossible?" panguso kong sabi saka nagpatuloy na kumain.

"The answer is obvious, Ara. Sino naman ang papatol sa bulag? Maybe that woman is just so stupid to burden herself. Look at Marco, oh. Does he looks like he can handle a family? Yeah, he might be handsome, pero sa panahon ngayon, hindi ka mabubusog sa itsura lang 'no. Sixty pesos na kaya ang kilo ng bigas," saad ni Mandy.

Napatitig kami ni Candice sa kanya with our mouth slowly opening na para bang nakakita kami ng genie na lumabas sa bote.

"What?" takang tanong niya.

"Did you just say na nagagwapuhan ka sa kanya?" pagkaklaro ni Candice.

"Why? Oh, c'mon guys," natawa siya. "Totoo naman, diba?" Naiilang niyang ibinalik kay Marco ang paningin niya tapos inabala ang sarili niya sa paggawa ng assignment. "Braso pa nga lang parang gusto ko nang magpasakal," pahina nang pahina ang boses niya.

"I'm sorry, what?" sabay na tanong namin ni Candice kasi halos bumulong nalang siya sa hangin.

Tiningala kami ni Mandy tapos pinandilatan niya kami ng mata. "Wala, ang sabi ko, gumawa na rin kayo ng assignment kung gusto niyong makapasa."

"Ahh," sabay na sang-ayon namin ni Candice sa kanya.

Uminom kaming tatlo ng milk tea. Nagpangalumbaba si Candice. Sa direksyon siya ni Marco nakatingin. "Well, may itsura nga siya. Ano kaya ang feeling ng makipagsex sa bulag?" nakakagat-labi niyang sabi.

"Uho, uho," kami naman ni Mandy ang nabilaukan.

"Grabe, ah? Pati ba naman bulag, papatusin?" hirit ni Mandy.

"Swerte niya na sa 'kin 'no? Baka kapag natikman niya ang isang Candice Dela Rosa, bigla siyang makakita," confident na sabi ni Candice na hinawi pa ang buhok niya para ipakita ang malaking dibdib niya.

"Shut up, Candice," naibagsak ni Mandy ang notebook niya sa mesa kaya nagulat kami. Napakurap kaming tatlo. Nang mapagtanto ni Mandy na nakatulala lang kami ni Candice sa kanya ay pinilit niyang tumawa na sinabayan nalang namin. Naiilang siyang bumalik siya sa pagsusulat pagkatapos. Bumulong-bulong si Candice.

Pasimple kong tinitigan ang dalawa kong kaibigan. Mukhang may gusto ata kay Marco ang dalawang 'to. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang totoong may anak na siya? Dapat ko bang sabihin sa kanila?

Mariin kong pinagpapalit-palit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Sa itsura ng dalawang 'to na mukhang palihim lang na sinasaksak ang isa't isa sa isipan nila ay mas mabuti sigurong manahimik nalang. Napainom ako ng milk tea.

Beep.

"OMG? May bagong post sa fansite ni Shadow Raven," biglang sambit ni Candice.

Napatitig kami ni Mandy sa kanya na parehong walang ideya sa sinasabi niya.

"Hindi niyo siya kilala?" gulat na tanong niya sa amin. Sabay kaming napailing ni Mandy.

"For real?" hindi niya makapaniwalang sabi. "Lagi siyang trending sa twitter. Isa siyang famous secret billionaire. Sa yaman nga niya ay kaya niyang bilhin ang buong Pilipinas— or even the whole Asia. Madalas siyang mapag-usapan sa socialite groups na nasasalihan ko. Nobody knows kung babae ba siya o lalaki. Iilan lang din ang nakakaalam sa itsura niya. At age of seven ay natuto na siyang maghandle ng malaking kompanya. At age eleven ay meron na siyang isang business empire. Tapos nung tumungtong siya ng seventeen ay bigla siyang nagbitiw sa pwesto niya. Nobody knows the reason pero may malalaking businessmen na nagsasabing nagkakaroon pa rin sila ng business transaction kay Shadow Raven. And you know what? Yung mga detalye tungkol sa pagkatao niya ay tagong-tago talaga. Nag-uutos pa siya ng mga tauhan niya na sila ang makipag business deal para hindi siya matrace. Masyado siyang mysterious kaya na rin siguro maraming nagkakainteres na malaman ang kahit katiting na information ng buhay niya. Malaki pa nga ang bayaran sa social media just to get leaked infos tungkol sa kanya," uminom si Candice ng milk tea matapos ang mahabang paliwanag.

Actually, minsan ko na rin siyang narinig. Kahit si Tita Olivia ay nabanggit siya ng isang beses. Pero alam mo naman ang social media diba? Kahit nga siguro sabihin kong ako si Darna, pwede. Madali lang namang gumawa ng kwento at pati na rin ebidensya online. May mga apps na nga ngayon to manipulate things. Tapos may mga taong makikisabay din at magpopost kahit hindi naman sila sure, makasakay lang sa kasikatan ng issue na yun. Hindi mo na alam ngayon ang totoo dahil ang iba ay gumagawa nalang naman ng kwento para mapansin.

"Nagpapaniwala ka talaga run? Masyadong maganda ang descriptions niya. Halata mong gawa-gawa," saad ni Mandy kay Candice na natatawa pa. "Hindi mo ba alam yung kasabihan? If it's too good to be true, then it isn't true. Kaya maraming nai-scam ngayon kasi maraming uto-uto. Alam na ngang imposibleng mangyari tapos papatulan pa talaga."

"Hey?" pinandilatan siya ng mata ni Candice. They giggled. "Hindi ka talaga risk taker 'no? Wala kang mararating sa buhay."

"Shadow Raven," Mandy murmured na hindi pa rin naniniwala. Tinuloy niya nalang ang paggawa ng assignment niya.

"Totoo nga siya, ano ka ba?" pagpupumilit pa rin ni Candice.

"Kapag bumagsak ka mamaya, totoo rin. Gumawa ka na nga ng assignment," pangaral ni Mandy.

"Ewan ko sayo, LOLA."

Sisimulan ko na rin sana ang assignment ko nang tumawag si Aldric. Iniwan ko muna sila Mandy at Candice para maghanap ng location na 'di gaanong maingay.

"Excuse me," paalam ko sa kanilang dalawa. Lumapit ako sa bintana saka sinagot ang tawag. "Hello, babe?" pangiti kong sabi.

"You asked me na magpapasama ka sa company niyo, diba? To visit your dad," paninimula niya.

"Yes I did, what time mo ako susunduin?" tanong ko.

"I'm sorry, Ara. Bigla kasing nagkayayaan ang team. Hindi ko naman sila mahindian kasi kasama si coach. May sasabihin daw," paliwanag niya.

"Uhm, sure, ok lang," sagot ko sa kanya. "I can ask manong to drive me naman."

"Just call me kung nagkaproblema, ok? I love you," malambing niyang sabi.

"I love you more," tugon ko.

"Ara," aligagang lumapit sa akin si Mandy. Agad niyang ipinakita ang isang putol na bracelet sa 'kin. "Really?" Tapos nag-aalala siyang tumingin kay Candice.

Nagulat ako at chineck ang kanang kamay ko. Natanggal ko pala ang bracelet ko nang hindi ko namamalayan.

"Sorry," pinilit kong ngumiti at kinuha yun mula sa kanya. Sabay na kaming nakalingon ngayon kay Candice.

Matampuhin pa naman siya lalo na kung tungkol sa mga gamit na binibigay niya. Mabuti nalang at abala siya sa cp niya kaya hindi niya napansin.

"Nahahalata kong masyado kang absent minded. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mandy sa akin habang sinusubukang isuot ulit ang bracelet ko.

Hindi ko alam na sobrang lutang ko pala kanina. Siguro ay nasagi ko ang bracelet ko kung saan nang hindi ko namamalayan.

Umiling si Mandy. "Sira na talaga," tinanggal niya yung bracelet niya. "Magpalit nalang tayo tutal pareho lang naman ng itsura. May lakad ka ngayon, diba? Ako na ang magpapaayos nitong sayo," tinago niya yung bracelet ko sa pitaka niya at isinuot yung kanya sa akin. "Baka umiyak pa si Candice," biro niya.

Bahagya akong ngumiti. Naalala ko pa nung nabali ni Mandy yung niregalong headband ni Candice. Isang araw siyang umiyak tapos hindi kami pinansin. Mabuti nga at napatawad niya pa si Mandy. Kaya siguro ganito yung reaksyon ni Mandy ngayon, nadala na siguro.

"Girls, baka malate tayo sa next subject," tawag sa amin ni Candice habang inaayos ang shoulder bag niya.

Nagkatinginan kami ni Mandy. Nagsisenyasan kami. Agad niyang tinago sa bulsa niya ang kamay niya bago kami naglakad papunta sa classroom namin.

***

THIRD PERSON POV

Mr. Frederick Licaforte, CEO of Licaforte Corp. hastily walks towards the meeting room. Kasunod niya ang lahat ng key executives ng kompanya at iilang financial advisors. They are all wearing formal attire at pare-parehong seryoso ang mukha.

Ramdam mo ang tensyon sa paligid. With this kind of aura ay paniguradong may nangyaring hindi maganda.

"Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya.

"Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at saka naglakad paalis.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Love Reinn
thanks for reading dhai <33
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
parang may tinatagong pagkatao tong si mandy
goodnovel comment avatar
Love Reinn
weh? hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status