Share

CHAPTER 21: Mama?

SAMARA POV

“Uhmm, busog na busog ako. Salamat Tita Ganda,” masiglang naglakad si Lolly sa unahan namin ni Marco.

Panay masahe ko sa braso ko kapag hindi siya nakatingin. Grabe, nakakangalay palang magbitbit ng bata.

“Tita,” lumingon si Lolly sa akin kaya umayos ako ng tayo at ngumiti.

“Yes?” tugon ko sa kanya.

Lumapit siya sa ‘kin at sumenyas na yumuko ako para sa kanya.

“Ikaw po ba ang totoo kong mama?” sabik na bulong niya.

Napawi ang ngiti ko. Paano ko sasabihin sa isang inosenteng bata na iniwan na siya ng mama niya?

“A-Ah,” nauutal kong panimula.

May kislap sa mga matang tumitig siya sa ‘kin na nag-aabang ng sagot. Ayokong madismaya siya.

“Lolly kasi—”

“Mali-late ka na sa klase mo,” bigla siyang kinarga ni Marco. Para siguro hindi na siya magtanong.

“Maaga pa naman, dada,” nakasimangot na sagot ni Lolly.

“Diba sabi ko, early bird catches the worm?” pag-aalo ni Marco sa bata.

“Paano kung ako yung worm? Ayoko naman makain ng bird,” inihiga ni Lolly ang ulo niya sa bali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status