SAMARA POV“Hay, grabe siya,” hindi ko makapaniwalang sabi habang nakatitig kay Candice na kavideo call ko. “25 missed calls yun, 20 texts at inulan ko pa ng messages sa messenger tapos walang reply?”Gigil na gigil ako at halos madurog na ang steak barbecue sa bowl na tinimplahan ko para ihawin.“Ang labo mo naman kasi, girl. Sinabihan mo ba naman na break na kayong dalawa tapos ini-expect mo na sumagot pa siya sayo? Malamang nag-eemote yung tao ngayon. Tinapon mo pa sa mukha niya yung binigay niyang engagement ring, grabe,” mahabang tugon ni Candice habang nagpapaayos ng buhok at kuko sa paborito niyang high-end salon.“Hindi naman kasi, girl. Diba, kasalanan niya yun? Hindi man lang ba niya naisip na mag-sorry? Ano? Almost 3 years yung relasyon namin tapos ganun-ganun nalang?” Reklamo ko.“Ok? And then kapag nagsorry babalikan mo? Nakipagbreak ka lang ba para magpahabol? Loka-loka ka ba?” Pinandilatan ako ng mata ni Candice. Napanguso ako. “Sayang kasi, eh. Alam mo naman na ikakas
SAMARA POVNaningkit ang mga mata ko. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at panay tingin sa phone ko.“Hindi pa rin nagrereply si Aldric. Nakakainis na, ah,” nakabusangot kong sabi.Anong gusto niya? Ako pa ang sumuyo sa kanya? Napailing ako.“Ako kaya si Samara Licaforte. Hindi ako maghahabol kahit na kanino,” kausap ko sa sarili ko saka confident na ngumiti. Tumayo ako at parampang iniwan ang phone ko sa kama.“Hay naku, ba’t ko ba pinoproblema ‘to? Kung ayaw niya na, edi ayoko na rin. Madali naman akong kausap at madali ring makakahanap ng iba,” bahagya akong natawa. “Sino-sino ba ang mga nagpapansin, makuha lang ang atensyon ko?”Isa-isang rumehistro sa utak ko ang mga lalaking umaligid at nagpasaring ng pag-ibig nila sa ‘kin kahit kami na ni Aldric.Let's start with Cole Marion Villanueva. Basketball MVP, kasali sa national team at nakalaro na sa FIBA World Cup.Marami siyang fans at meron pa ngang dumadayo mula sa ibang bansa para lang mapanood ng live ang games niya.‘COLE
THIRD PERSON POVMatamis na napangiti si Monica habang naliligo sa shower. Marahil ay tapos na ang gabing nagkasama sila ng estrangherong naka one-night stand niya pero hindi pa rin ito matanggal sa isipan niya.Ang malagkit nitong titig at ang nakakaakit na boses. Ang bawat parte ng katawan nito na kanyang nahawakan. Maging ang mga halik nito sa kanya ay nararamdaman niya pa.Tumatak talaga sa kanya ang lalaking yun. Sa tingin nga niya ay mahal niya na.“Shit, tama ba ‘to? Ni hindi ko nga nakuha ang apelyido at number niya,” natatawa niyang sabi sa sarili habang namumula ang pisngi.It's a bit stupid.Parang gusto niya pa ulit makita ang lalaking nakasex niya. Kung papayag nga ito ay baka pakasalan niya na. Iba talaga ang epekto nito sa kanya. Tipong gagawin niya ang lahat para magkatuluyan lang silang dalawa.Pinaramdam sa kanya ng lalaking yun na espesyal siya at walang kaagaw. Kaya ang panalangin niya ay sana siya na nga ang inilaan ng tadhana para sa kanya.Tumingin siya sa salam
THIRD PERSON POVIsa-isang nilapag ng mga katulong ang masasarap na pagkain sa mesa. Cordon bleu, teriyaki salmon, lobster bisque, honey-glazed chicken at strawberry shortcake.Halos lahat ng paborito ni Don Hernan ay nasa hapag kainan.Tumango-tango ang matanda. He's impressed. “You really know how to take care of an old man, Olivia,” puri nito sa manugang niya.“Minsan ka lang dito sa Pilipinas, dad. I want you to enjoy your stay here,” nakangiting tugon ni Mrs. Licaforte. Hindi makakailang malapit sila sa isa't isa.“Hindi ba makakahabol ngayon si Fred?” Tanong ni Don Hernan habang naglalagay ng teriyaki salmon sa plato niya.“Uhm, he's busy now, dad. May meeting kasi siya for the expansion of our business sa Malaysia. May bumisita ring foreign investors kaya baka bukas pa mababakante ang oras niya,” paliwanag ni Mrs. Licaforte.Napagdikit ni Don Hernan ang labi niya. “My son is really workaholic,” pagpuna niya, bagkus, proud naman siya sa attitude ng anak niya.Napatingin siya k
SAMARA POV“Ahhh!” Nanggigigil kong sigaw nang makasakay ako sa kotse. Nagulat pa at napatingin sa akin ang driver naming si Manong Vonn. Sinenyasan ko siya na i-start nalang ang sasakyan.Marunong naman akong magmaneho, pero sa t'wing mainit ang ulo ko ay nakikisuyo akong ipagdrive ako.Mahirap na kasi, baka sa sasakyan ko maibuhos ang inis ko at maibangga ko ito kung saan.“Mukhang masama ang gising mo Ma'am Ara,” paninimula ng usapan ni Manong Vonn.Minasahe ko ang ulo ko. “Si Monica kasi nagbida-bida na naman. Masyadong Jollibee,” naiusal ko. Hindi pa rin ako nakakamove on sa ginawa niya sa ‘kin nung kasabay naming kumain si lolo.Natawa si Manong Vonn. “Baka nilalambing ka lang ng kapatid mo. ‘Wag mo na gaanong isipin.”“Hay,” napairap ako sa hangin. Binuksan ko ang facebook ko para pakalmahin sana ang sarili ko, pero ilang scroll lang ang ginawa ko ay napasalubong na agad ang kilay ko.Paano ba naman kasi, trending pa rin kami ni Marco. May ibang tao pa na napagkamalang siya an
SAMARA POV“It's Ara's friend, right?” Bulungan ng mga estudyante.Parang nawala ako sa sarili ko nang makilala ko ang babaeng humarang na wala na ngayong malay sa harapan ko.Sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Hindi ako agad na nakagalaw.It's Mandy, ang best friend ko.Tumakbo si Candice sa kanya. “Help us, please. Dalhin natin siya sa clinic,” paghingi niya ng tulong habang patuloy pa ring umiiyak.Napilitan ang lahat na kumilos dahil naroon ako. Alam nilang malalagot sila kapag may nangyaring masama kay Mandy.“Dali, help them, move,” pangunguna ng iilan sa mga estudyante. Pinagtulungan nilang buhatin ang kaibigan ko.Nakita kong nakahandusay rin at walang malay si Lolly sa sahig. Hindi naman ito napuruhan dahil nasa bisig siya ni Marco at naprotektahan nito. Bumigay lang siguro ang katawan niya dahil sa sobrang takot.Naiinis akong bumaling sa apat na lalaking nagpasimuno ng lahat ng ‘to. Buong pag-aalala silang tumingin sa ‘kin na para bang gusto pang magturuan
SAMARA POVNapahinga ako nang malalim. Mababatid mo ang pagdadalawang-isip ko.‘Dapat ko bang alamin kung kaano-ano ni Marco yung matandang lalaki?’ Napaismid ako. ‘Ano naman ang mapapala ko kapag ginawa ko yun? Napakawalang-kwenta.’Aalis na sana ako kasi mukhang matatagalan pa bago lumabas yung bisita ni Marco nang makita kong naglalakad ang isang nurse. Naalala kong isa siya sa mga nurses na nakaassign na magbantay kina Marco at Lolly. Baka may alam siya.“Hmm, nurse,” habol ko sa kanya. May hawak siyang patient chart, folders at ballpen. “Yes, Ma'am?” pangiti niyang tugon sa akin.“Y-Yung pasyente na dinala namin dito na nasa Room 345. Sino yung bisita niya?” agad kong tanong sa kanya.“Room 345?” chineck niya ang records niya. Nang may mabasa siya run ay napanganga siya at bahagyang natigilan. Naiilang siyang tumingin sa ‘kin. “Confidential po, Ma'am,” sambit niya.Napakunot ang noo ko. “Confidential?” Nilingon ko ang kwarto ni Marco. Sino ba kasing Poncio Pilato yang bisita niy
THIRD PERSON POV[NP: “Bully” by Shinedown]‘Hey! Hey! Hey!It’s 8 A.M.This hell I’m inSeems I’ve crossed the line againFor being nothing more than who I amSo break my bonesAnd throw your stonesWe all know that life ain’t fairBut there is more of usWe’re everywhere~’Mabigat na huminga si Eli bago humiga sa couch. Mukhang malalim ang iniisip niya.“Are you still thinking of Samara?” pang-aasar ni Drake nang mapansin siya.Binato siya ng unan ni Wesley. “Who wouldn't?”Tumambay ang apat na magbabarkada sa condo ni Drake matapos ang nangyaring kaguluhan sa Northford University.“Trending pa rin yung grades natin sa social media,” napapakamot na sabi ni Brent, “hindi ba natin pwedeng ipadelete ‘to?”Naiinis na bumaling si Eli sa kanya. “Kung pwede, sana kanina pa natin ginawa, diba? Kaso kahit ipadelete pa natin yan, nakita na ng parents natin yan. Malalagot sa ‘kin yung registrar.” “Woah, chill,” ani Wesley. “Ba't mo kasi hinampas ng upuan si Mandy? Semplang ka rin kung minsan,