Share

CHAPTER 26: Trouble

SAMARA POV

Naningkit ang mga mata ko. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at panay tingin sa phone ko.

“Hindi pa rin nagrereply si Aldric. Nakakainis na, ah,” nakabusangot kong sabi.

Anong gusto niya? Ako pa ang sumuyo sa kanya? Napailing ako.

“Ako kaya si Samara Licaforte. Hindi ako maghahabol kahit na kanino,” kausap ko sa sarili ko saka confident na ngumiti.

Tumayo ako at parampang iniwan ang phone ko sa kama.

“Hay naku, ba’t ko ba pinoproblema ‘to? Kung ayaw niya na, edi ayoko na rin. Madali naman akong kausap at madali ring makakahanap ng iba,” bahagya akong natawa. “Sino-sino ba ang mga nagpapansin, makuha lang ang atensyon ko?”

Isa-isang rumehistro sa utak ko ang mga lalaking umaligid at nagpasaring ng pag-ibig nila sa ‘kin kahit kami na ni Aldric.

Let's start with Cole Marion Villanueva.

Basketball MVP, kasali sa national team at nakalaro na sa FIBA World Cup.

Marami siyang fans at meron pa ngang dumadayo mula sa ibang bansa para lang mapanood ng live ang games niya.

‘COLE
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status