Share

CHAPTER 71: An Ally or an Enemy?

THIRD PERSON POV

Inihiga ni Aldric ang sarili niya sa kama. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang sinabi ni Mandy sa kanya.

‘Sinong bumarìl sa kanya?’ nag-aalala niyang tanong sa dalaga.

Naikuyom ni Mandy ang palad niya. ‘It's Eli, your friend,’ diretsahan nitong tugon sa binata.

Naipikit ni Aldric ang mga mata niya. Alam niyang medyo tuliro ang utak ni Eli pero tapat naman itong kaibigan.

Kahit baliw na baliw ito sa ex niyang si Samara ay hindi siya nito ginawan ng masama. Malaki ang respeto nito sa pagsasamahan nila at gano'n din siya.

Tatlong magkakasunod na tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinto ng living room upang buksan ito. Tumambad sa kanya ang apat na pulis na may hawak na mga dokumento. Agad na napakunot ang noo ni Aldric.

“Kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” bungad na tanong ng isa sa mga pulis sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at medyo bugnutin ang itsura.

Naningkit ang m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status