Alyssaaa... Alysssaaa... boses ni Daisy ang naririnig niya na tumatawag sa pangalan niya. Bahaw ang boses nito na parang ang lungkot.
Hindi agad nakakilos si Alyssa pakiramdam niya nakapako na ang mga paa niya sa hagdan. Muli niyang iniangat ang paningin, naandon pa din ang tatlo talagang hinihintay siya na makaakyat.
Alyssssaaaa.... Alyssa.....! muling tawag sa pangalan niya na sa pagkakataon na iyon silang tatlo na ang tumatawag sa kanya. Nakita ni Alyssa ang pagtaas ng isang kamay ni Sofia tila inaaya na siyang makaakyat.
Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may kakayahan ang mga ito na mapasunod siya. Napahigpit ang hawak niya sa railing ng hagdan, pakiwari niya dinig niya ang bawat pintig ng puso niya na may kaba. Iniisip niya na baka
SUMILIPmuna si Alyssa sa malaking pinto bago tuluyan pumasok sa mansiyon. Maingat ang mga hakbang na ginawa niya, siguro nasa sala pa din ang mga kasama niya. Tuloy-tuloy ang lakad niya nang makarinig siya ng ingay sa bandang kusina. Ang mga kasama niya ang kanyang nakita, nagmemeryenda ang mga ito habang nagbibiruan. "Alyssa!" bulalas ni Maggie nang makita siya sa bungad ng kusina. "Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" "Huwag na ako na lang." Malumanay niyang sagot. Kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kanyang kape. "Anong nangyari saiyo, bakit parang pasan mo ang daigdig?" Puna ni Maggie sa kanya ng makaupo na siya ng silya.
SA DINING TABLE.Pinagsasaluhan nilang lahat ang niluto ni Aling Iseng na tinolang manok, ginataang pakbet at ginisang gulay na ampalaya."In fairness sayo Aling Iseng, masarap ka din magluto kagaya ni Mang Nestor." Puri ni Maggie sa ginang na kasalo din nila kumain nasa tabi ito ng artist nakaupo.Humigop pa ng sabaw si Maggie na may tunog."Oo nga Aling Iseng, super B!" Segunda naman ni Charlitte na kinamay na ang manok.Mahinhin na ngumiti lang ang ginang sa papuri ng mga ito."Ang tahimik mo yata." Puna ni Maggie kay Alyssa. Napansin niya kasi parang bigat na bigat ang kaibigan sa pagtaas ng kutsara. "Need help?
"ALYSSA!"Tawag pansin ni Carlos sa dalaga na tila natigilan ng malapitan niya. Napakagat labi si Alyssa namomroblema siya ngayon kung ano ang puwede niyang idahilan sa binata, hindi niya napaghandaan iyon basta ang gusto niya lang mapigilan ang artist sa kung ano man na binabalak nito kay Carlos. Narinig ni Alyssa ang pag tikhim ni Carlos kaya napatingin siya sa mukha nito. Ang gwapo mo talaga...sa loob ni Alyssa pero agad din naman sinaway niya ang sarili. Nanganganib na nga ang mga buhay nila nagagawa pa niyang pagnasaa ang kaharap. "A-aahhh e-kasi," nakangiwing simula ni Alyssa, pinaglalaro niya ang daliri sa mga kamay. "
NAPANSIN ni Carlos ang kakaibang ikinikilos ni Alyssa. Nanonood nga ang dalaga sa paglalaro nila ng baraha pero parang ang lalim ng iniisip nito. Para na itong nakatulala at hindi ito kumukurap.Napansin naman ni Maggie ang ginawang pagtitig ni Carlos sa kanyang kaibigan kaya maging siya napatingin na din sa nakatulalang si Alyssa."Uy, Friend!'' Agaw pansin ni Maggie kay Alyssa at ipinaypay nito ang hawak na baraha sa tapat ng mukha ng dalaga."Ha!" Gulat na sambit ni Alyssa. Umayos siya ng upo. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya kay Maggie."Muntik ka ng matunaw dahil sa lagkit ng tingin sayo ni Carlos!" Turan ni Maggie. Kumuha ito ng isang baraha at inilapag sa lamesita na nasa gitna. Kinuha naman ito ni Dia
PAGPASOK ng kuwarto ng magkaibigan, patakbong lumapit ng kama si Alyssa. Padapang nahiga ng kama ang dalaga.Ini-lock ni Maggie ang pinto at pagkatapos humakbang na ito palapit sa kaibigan."Alyssa," tawag niya sa kaibigan. Narinig ni Maggie ang mahinang hikbi nito. Nag-alalang hinagod naman ni Maggie ang likod ng dalaga."Huwag ka ng umiyak," alo ni Maggie kay Alyssa. Iniisip nito na umiiyak ang kaibigan dahil napahiya ito."Maggie, ikaw ba naniniwala ka saakin?" tanong ni Alyssa sa kaibigan. Nakasubsob pa din sa unan mukha ng dalaga."Oo naman kaibigan kita eh." Sagot ni Maggie."Nanganganib ang mga buhay natin, hindi na tayo ligtas sa mansiyon na ito." Sagot ni Alyssa. Bakas sa luhaang mukha ng dalaga ang pag-aalala para sa mga kasama."Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, matulog na tayo dahil hating-gabi na." Pag iwas ni
"TAPOS NA PO SIR." Masayang turan ni Maureen. Hindi nito inaalis ang paningin sa painting. Sobrang ganda ng painting na kahit siguro sino makakita nito, pangangarapin na maangkin. Ang suwerte niya dahil sa kanya ibinigay ni Sir Gregorio ang painting and take note, libre pa!Tumayo ang artist at lumapit sa dalaga."Mas lalo pa gaganda 'yan kung ilalagay mo ang iyong pangalan," masuyong sabi ni Gregorio, malikot ang mga mata nito. Panay ang sulyap nito sa mahabang hagdan na baka may magising pa na estudyante at maabutan sila ng dalaga sa sala."Okay lang po ba Sir, kung ang pangalan ko ang nakalagay na artist imbes po na ikaw?" Tanong ni Maureen, pero sa isip nito iyon talaga ang gusto niya para maipagmayabang niya na isa ito sa mga obra niya.Tumango si Gregorio. "Sige na pumirma ka n
DAY SIX SA MANSIYON, nagising si Charlotte na wala na sa tabi niya ang kaibigan na si Maureen."Ahhhhhhhh..." hikab ng dalaga.Nung una, inisip ni Charlotte na baka nasa banyo lang si Maureen. Alas-sais pa lang ng umaga kaya nanatili muna siyang nakahilata sa kama. Muling ipinikit ni Charlotte ang mga mata pero gising naman ang kanyang diwa.Ang tagal naman yata mag banyo ni Maureen!sa isip-isip niya.Nag desisyon ng bumangon sa kama ang dalaga agad nitong tinungo ang banyo. Kunot-noong inilibot ni Charlotte ang paningin sa loob ng banyo nang mabuksan nito ang pinto, malinis ang loob ng banyo walang bakas na may gumamit dahil tuyo ang tiles.Kakamot-kamot sa ulo na bumalik ng kama si Charlotte para ligpitin ang mga kumot at unan.Nauna na sigurong
"ANO ANG TUNGKOL SA PAINTING?" muling tanong ni Alyssa sa kaibigan, hinagod niya ang likod nito para pakalmahin."May kakaiba sa painting," nginig ang boses na sagot ni Maggie. Mahigpit itong yumakap kay Alyssa."Ha?" Sambit ni Alyssa na bakas sa mukha ang pagkalito.Muling pinagmasdan ni Alyssa ang nakasabit na painting sa wall pero wala pa din siyang napansin na kakaiba. "Wala naman akong nakitang kakaiba,"Pumiksi si Maggie, pinadyak nito ang mga paa."Meron. Ang isang babae sa painting, nakita ko siyang humarap saakin!" nginig ang boses na kuwento ni Maggie, mahigpit pa din itong nakayakap kay Alyssa.Muling pinagmasdan ni Alyssa ang painting, parang wala naman nabago. Ang tatlong babae sa batis na parang tumatakbo naandon pa din naman. Ang dalawang babae magkatapat an