Share

CHAPTER NINE

CHAPTER NINE

Ilang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.

Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?

Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain.

"Si papa?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig.

"Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko.

"Don't talk to me when I am eating because my mouth is always full whenever I eat.”

"Dami mo talagang alam ate Eva. Ba't di ka sumali sa pinoy henyo?"

"Ito naman. Nabasa ko lang yun sa pocket book."

"Nabasa anyenye. Anong taon pa yang pocket book mo? 19kopongkopong? Ano ba iyang ulam mo?" tanong ko.

"Adobo." sagot ni ate Eva dahilan para matawa ako.

"Oh, bakit? Anong nakakatawa?" tanong niya sabay kuha ng tubig.

"Kailangan lahat alam mo? Kain ka lang diyan. Makita lang kitang busog gutom pa rin ako."

"Grabe ka! Iniba mo na pala." sagot niya sa pagitan ng malalakas na tawa.

"Bakit? Kailangan kapag busog ka, busog ako? Magkadugtong ba bituka natin?"

Lumapit ako kay ate Eva at kukuha ng plato nang tumunog ang cellphone ni ate Eva.

"Eva, pakisundo naman ako rito sa taas. Salamat " si papa.

"Sige po kuya Adam." sagot ni ate Eva at dali -aling umakyat sa hagdan.

Nagsimula akong magsandok at hindi ko mapigilan mapangiti habang naaalala ko ang tanghalian namin kina Flynt. Maya-maya pa ay bumaba na sila. Si papa ay tinutulak sa wheel chair ni ate Eva. May part ng hagdan kung saan pwedeng dumaan ang wheelchair kaya hindi na nahihirapan si ate Eva magtulak, hindi tulad noong una.

"At narito na ang tambalan ng taon!" sigaw ko habang hawak hawak ang sandok. Sila naman ay nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.

"Ladies and gentlemen, Adam at Eva! Palakpakan!" tuloy ko pa at napangiti silang dalawa.

"Ang taray niyong dalawa ha! Malakas at maganda." sambit ko at tawa lang ang isinagot nilang dalawa.

"Syempre" sagot ni ate Eva at nag flip hair pa.

"Sabi ko maganda parang si Eba, hindi kasing katawan ni buddha." saad ko at nag pout si ate Eva.

"Kung ako magnanakaw at nakita ko kayong dalawa, iisipin ko na mag asawa kayo." saad ko at ngumiti na parang nang iinis.

"Magnanakaw? Ba't naman." naguguluhang tanong ni ate Eva.

"Wag ka na mag tanong ate Eva, hindi ka human test paper."

Nag pout muli si ate Eva.

"At anong meron sa balikat ni papa at kailangan mong hawakan? May pilay at kailangan ang magical hands mo para gumaling?"

Nagkatinginan sila at saka lamang inalis ni ate Eva ang kamay niya sa balikat ni papa. Ngumiti silang pilit at saka nag-aya na kumain.

Kumain kaming magkakasama at saka kaniya kaniyang pumasok sa mga kwarto namin. Kinabukasan ay hindi ako lumabas ng bahay. Nagkalkal ako ng kung ano anong gamit ko sa kwarto para may pakakaabalahan. Ayokong lumabas, sayang naman ang kutis porselana ko. Ayaw ko rin naman mag bukas ng social media dahil mukha lang ni Charlotte ang maghapong sasambulat sa akin.

Napatakip ako sa bibig at ilong ko nang makapal na alikabok ang sumalubong sa akin paghila ko ng isang kahon sa ilalim ng kama ko. Pinagpagan ko ang ibabaw ng kahon at napangiti nang mabasa ang nakasulat, 'New year 2000 with the fam'. Dahan dahan kong binuksan at nakita ang napakaraming picture na maalikabok pa sa maalikabok. Pinagmasdan ko ang lahat. Halos magkakatulad lang. Kami ni Candice, si papa at mom, kami ni mom at kung anu-anong kombinasyon naming apat. Mayroon ding nagpalit lang ng position, mayroon ding same position pero iba ang damit. Ilang sandali din akong nagmamasid sa mga iyon at hindi na namalayang napapangiti ako.

Mabilis na lumipas ang araw ng linggo. Ngayo'y nakikipagtitigan na naman ako sa kisame. Nag-iisip ng kung anong mga gagawin ko after grumaduate. Magta-trabaho ako sa manila, mag iipon, bibili ng bahay at papakasalan si Sir Lester. Char. Napakadami kong plano. Pero ‘wag muna siguro puro plano, may additional one week pa kami ni Dhaeny na bubunuin para maka graduate. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok. Lumakad ako palapit sa bintana at akmang isasara na ito nang makarinig ng sipol mula sa ibaba. Isang nakakakalmang sipol na umalingawngaw sa gitna ng katahimikan ng gabi. Sinilip ko sa ibaba kung kanino nagmula iyon ngunit hindi ko natagpuan. Hindi na mahalaga dahil ilang sandali lang ay may nakita akong mas umagaw ng atensyon ko. Dalawang nocturnal birds ang sabay na lumilipad na tila masayang humahanap ng madadapuan. Napangiti ako nang makitang isa sa mga ito ang naghulog ng isang balahibo. Animo'y dahan dahang bumabagsak ang balahibo sa gitna ng gabing pinaliwanag ng bilog na bilog na buwan.

Nag buntong hininga ako habang iniisip ang mga bagay bagay. Ilang saglit lang ay naglaho na ang mga nocturnal birds sa aking paningin at tila natapos ang magandang palabas na pinapanood ko.

Naupo ako sa dulo ng kama at dinampot ang phone ko. Nakita kong nag message si Dhaeny ngunit hindi ko na in-open.

Kinabukasan ay bumangon akong maaga. Balik na naman sa katotohanang kailangan harapin ang mga gawain sa hospital at si Sir Lester. Pagkababa ko ng jeep ay natanaw ko na ang kaibigan kong pugad na kumakaway. Lumakad ako papalapit sa kanya at sinalubong nya ako ng isang napakahaba at nakakabinging sigaw.

"Ano ba? Bakit ka sumisigaw? Ano? Sigaw sa pugad lawin?" inis na tanong ko dahil pakiramdam ko ay naalog pati mga earwax ko.

"Eh paano ba naman. Nanggagalaiti ako sa mga kaganapan...." inis niya ring sagot.

"Ano ba nangyari?"

"Oh sige. Ito ha, pakinggan mo." sagot niya at binuksan ang phone niya.

Oh, so you're friendly too? How come no one knew it? Boses ng isang babase ang narinig ko sabay tawang pabebe.

Do I have to show it? Walang emosyong sagot ng lalaki.

"Teka nga muna. Ano ba yan? Teleserye?" pag-antala ko.

"Basta makinig ka"

Of course! You're cute the way you are. What more kung ipaalam mo na friendly ka? saad muli ng babae.

It's my choice okay? What if I didn't act that way? I mean, that rudy trainer you had. You think aayusin ninyong mga interns ang performance niyo? sagot ng lalaki.

"Hang on, anong intern? P-paan-"

"Gaga ka ba? Si Sir Lester yan!" putol sa akin ni Dhaeny.

"What?! Don't tell me-"

"Yeah right gurl, that's Carlota."

"So…?"

"Seriously? Hindi ka man lang ba maiinis or what? Inaagaw niya sa'yo si Sir Lester!" gigil na sambit ni Dhaeny.

Tumawa lang akong mahina.

But now that our training's done, would you be open for...

Friendship? Why not? putol ng lalaki.

Tumawang pilit ang babae.

Have you ever realized how cute you are? tanong pa ni Charlotte.

Do I have to?

Of course my boy. You're that boyfriend material. Please stop being humble, huwag mo nang dagdagan ang pagiging attractive mo.

I heard Sir Lester chuckled.

You have the looks. You have my ideal eyes, perfect kissable lips, nice skin, manly built body. Plus the intelligence, skills and you really are a good doctor... And a trainer. Tell me what more of good traits do you possess? papuri ni Charlotte kay Sir Lester.

Really? I didn't know someone sees those things from me.

Oh come on, I told you stop being humble.

"Itigil mo na nga iyan." saad ko at pinatay ni Dhaeny ang phone niya.

"Saan mo ba nakuha yan? Wala namang sense." tuloy ko pa.

"Carlota posted it last night on all her social media accounts. Kung hindi ba naman papansin at kalahati. Hindi na nahiya, nilalandi niya yung trainer niya."

Nang makarating kami sa hospital ay tila walang nagbago. Kung ano ang hospital na iniwan namin last friday ay ganoon pa rin, but of course, madami nang nagbago. Kami na lang ni Dhaeny ang intern at mga professional na ang kasama namin. Alam naming hindi magiging madali at mababawasan ang comfortability sa bawat kilos namin. Mas mapaglalaanan kami ng pansin at mapupuna ang mga pagkakamali namin.

Nang mag-tanghali ay magkasama muli kami ni Dhaeny. Napagdesisyunan namin na hindi na lumabas dahil baka kung anong mangyari at kailanganin kaming dalawa. Atleast, mahahanap kami immediately. Sa room ng mga intern kami kumain. Sobrang nakakapanibago, ang dating puno ng mga nagsisipag-pulbo at liptint ay wala na. Kami na lamang ni Dhaeny ang naiwan at kakalog kalog kami sa malawak na room.

"Gurl, sa friday, sigurado ka na bang sasamahan mo ako?" tanong ko kay Dhaeny na nakaupo sa harapan ko.

"Oo naman! Alam mo naman na palaboy ako di'ba?" sambit ni Dhaeny at tumawa.

"Grabe naman sa palaboy. Pinalayas lang ng tatay kasi suwail." sagot ko pa at tumawa rin.

"Gurl, mukhang mas masakit yung sinabi mo?"

"Uhm... Atleast may poging pinsan na kumupkop sa'yo." palusot ko.

Maya-maya pa ay may biglang kumatok at nakita kong pumasok si Sir Lapaz.

"So, how's your day you two?" tanong nito habang nakapamulsa.

"Uh, okay lang po?" sagot ni Dhaeny at natawa si Sir Lapaz.

"Good to know. Pero hindi ba kayo nahihirapan?" tanong pa ni Sir Lapaz.

"H-hindi naman po."

"Good. Ipagpatuloy niyo lang iyan. Kaunti na lang."

"Uh, Sir Lapaz?" tanong ni Dhaeny.

"Yup?"

"S-si Sir Lester po? Bakit parang hindi ko pa po siya nakikita simula kanina?"

"Oh, Lester won't be around today. As I heard, dumating ang step bro niya from Japan." sagot ni Sir Lapaz.

"Japan?!" gulat na sigaw ni Dhaeny. Tumango si Sir Lapaz. Napangiti ako. "Cute din ba siya Sir?".

"No idea. I am the only cute person I know." saad ni Sir Lapaz at saka umalis.

"Hoy gaga. Ano naman ang pumasok sa isip mo at tinanong mo kung cute ang step brother ni Sir Lester?" tanong ko kay Dhaeny na hindi pa rin gumagalaw.

"Uh, kase di'ba sa'yo si Sir Lester, malay mo para sa akin na ang step bro niya. Malay mo lang naman." sambit ni Dhaeny at ngumisi.

Napatawa ako. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang iniisip na si Yuki ang iniisip ni Dhaeny na para sa kaniya. Eh nung first meeting pa lang nila, grabe na makapagtaray 'to si Dhaeny.

"Sa tingin ko hindi yun cute." saad ko.

"Ay wow, akala mo kilala niya."

"Narinig mo si Sir Lapaz di'ba? Siya lang ang cute."

"Cute naman si Sir Lapaz." sagot ni Dhaeny at ttumatang-tango pa. "Kung hindi nga lang kumikintab ang noo niya, saka amoy aparador. Lagi pa naka-tuck in hindi naman maganda tingnan."

Napatawa naman ako at si Dhaeny ay tumayo at nagsimulang magpulbo. Matapos kumain ay maaga kaming bumalik sa aming gawain at ipinagpatuloy ang lahat. Nahihirapan man ay pilit naming ginagawa lahat sa kaayusan. Nang maghapon ay bakas sa mukha namin ni Dhaeny ang pagod ngunit alam namin na tama ang ginagawa namin.

Kinabukasan, wala masyadong pinagawa sa amin dahil napansin nilang napagod kami kahapon. May ilan lamang ipinaasikaso na paperworks at sinabing pwede na kami kumain.

Matapos kumain ay naisipan namin ni Dhaeny na puntahan si Zach. Nalaman kase namin na malapit na sya lumabas since hindi na ganoon kalala ang sakit niya.

Pagbukas namin ni Dhaeny ng pinto ay nadatnan kami ni Zach na nakaupo sa wheelchair, nakaharap sa bintana. Nagh-hum pa sya habang nakatitig sa labas.

"Sabik na sabik na?" tanong ni Dhaeny dahilan para mapalingon si Zach.

"Yeah. Ilang linggo rin ako naimbak dito." sagot ni Zach at ngumiting malawak.

Kung titingnan ay mukhang ayos na si Zach. Walang mababakas na sakit, kung hindi nga lang sya nakasakay sa wheelchair.

"Lalabas ka na ng hospital... Kami naman last week na..." saad ko.

"Ending na ba? I mean, wala ba kayong plano na mag hang out or something like that pagkatapos ng graduation niyo?" tanong ni Zach.

"As if naman makakatayo ka riyan." sagot ni Dhaeny at mahinang tumawa.

"Teka, wait, wait, bakit ka ba nakawheelchair? Eh hindi ba pneumonia ang sakit mo? Ibig sabihin, sa lungs yan. Baga mo ba ang tumatayo?" mausisang tanong ko.

Napatingin sa baba si Zach at saka ngumisi.

"Zacharias Carlin Smith... Anong nakakatawa sa tanong ko? Tama naman ah. Lungs ba ang tumatayo sa'yo?"

Tumawa rin si Dhaeny.

"Gusto mong malaman kung anong tumatayo sa akin?" sagot ni Zach na nakangisi pa rin at nakatitig sa mata ko.

Itinaas ko ang kilay ko, hinihintay ang sagot niya.

"Paa. Malamang." sagot ni Dhaeny.

"Yep. Ano pa bang ibang tumatayo? As if makakapaglakad ako with the one you're thinking." sambit ni Zach at humalakhak ng napakalakas.

"Alam mo, mukha kang pugad pero ang baboy mo." saad ko kay Dhaeny na hindi matigil sa pagtawa. "Isa ka pa!" turo ko kay Zach.

"Kidding aside, t-two weeks after we resided here, nadulas ako sa hagdan. Clearly, wala siyang kinalaman sa pneumonia pero hanggang ngayon, nahihirapan ako igalaw. Then days after, nahirapan ako sa paghinga and naadmit ako here and discovered that my pneumonia worsen." paliwanag ni Zach.

"So... Saan ang hang out?" sambit ko sabay pilit na ngiti. Sinusubukang i-divert ang topic.

"Seryoso? Nagtatanong ka pa? Sino ba hindi makalakad? Malamang siya ang pupuntahan." hirit ni Dhaeny.

"Sa bahay na lang." saad ni Zach at ngumiti.

"S-saan ba ang bahay nyo?" tanong ni Dhaeny.

"Oh, Cindy knows. She used to go there back then." sagot ni Zach.

"Ako? Hindi ko-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumawa nang malakas si Zach at napakamot sa ulo.

"That's Candice. I really do get confused with you two, sorry." ani Zach.

"It's okay. Anyway, kailan ba labas mo?" tanong ko.

"Bukas? Not so sure pero pwede na daw starting tomorrow."

"Dhaeny kailan ba? Di'ba ikaw naka assign sa kaniya?"

"Ay huwag ako ang tanungin mo. Matagal na ako inilipat dun sa isang patient." sagot ni Dhaeny.

"So kailan nga?" tanong ko.

"Ang hang out or ang alis ko?"

"Parehas."

"Probably bukas. And about the hang out thing, what's social media for?" sambit ni Zach at ngumiti.

Umalis na rin kami ilang sandali pa ang nakalipas at iniwan si Zach. Ilang araw ang dumaan at nasanay rin kami ni Dhaeny sa mga bagay bagay. Si Zach ay umuwi na, si Sir Lester ay pasulpot sulpot, at si Sir Lapaz ay patuloy sa pagpapacute kay Dhaeny. May tatalo na ata sa tambalan ni papa at ate Eva. Nahuhuli ko din na nagwi-wink si Sir Lapaz kay Dhaeny at saka iirapan ni Dhaeny.

"Sure ka ba gurl? Ayaw mo talaga kay Sir Lapaz?" pangasar na tanong ko kay Dhaeny.

"Tss. Kung sa tingin mo matchmaker ka, utot mo blue." sagot ni Dhaeny at inirapan ako.

Nagpatuloy siya sa pagaayos ng gamit niya na dadalhin sa bahay. Huwebes na ng gabi at bukas na aalis si papa. Bukas ng umaga ay uuwi na rin si ate Eva pagkaalis ni papa kaya isasama ko na si Dhaeny sa bahay para dun matulog.

"Ayaw mo ba no’n? Ikaw ang pugad at siya ang itlog. You complement each other ‘ika nga." saad ko at ngumising nang-aasar.

"Hays. Ewan ko sayo. Bakit ba pilit mo akong itinutulak sa kwarenta anyos na mama na yun. Mukha namang balot puro pa pa-cute." inis na sagot ni Dhaeny.

Humagikhik ako at tinulungan siya sa pagsilid ng mga damit sa bag niya.

"Akala ko ba nasa bucket list mo ang mag-ipon ng sugar daddy?" wika ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"Ang sagwa sa pandinig gurl. Itigil mo iyan, kinikilabutan ako."

"Sigurado kayo hindi niyo ako isasama? Hindi kayo makakakain ng masarap." nagulat ako nang marinig si Flynt na magsalita. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko siya at nakatuon ang kamay sa pintuan.

"Wag na! Baka magka-hepatitis ABCDE at lahat ng letters sa alphabet pa kami dahil sa kanin mo." angil ni Dhaeny. Natawa naman si Flynt.

"Saka ‘wag ka nga pabebe diyan. Ilang beses ka na tinanong kung sasama ka, ayaw mo naman." tuloy pa ng gaga.

Tumawa lang si Flynt at saka umalis. Pagbalik niya ay may bitbit syang tinapay at sa kabilang kamay ay isang baso ng juice na kulay brown. Patapos na din kami mag ayos kaya lumabas na ako.

"Gusto mo?" alok ni Flynt sa akin.

Umiling ako.

"Sige ka, hindi mo matitikman ang sandwich ala Flynt." saad niya sabay kagat sa sandwich.

"Ala Flynt?"

"Yup, made my own recipe." sagot niya na parang proud na proud. "Alam mo, feeling ko talaga minsan, chef ako sa past life ko."

Tumikhim ako.

"Oo nga! Try mo na kase sandwich ala Flynt. May dalawa pa dun sa freezer." ani Flynt sabay turo sa kusina.

"Freezer? Sandwich sa freezer? Ice cream sandwich ba iyan?" naguguluhang tanong ko.

"Nope. Actually mixture lang sya ng masasarap na flavor. Three layers ang sandwich ala Flynt. First layer, peanut butter, next layer, cheese and the last layer has egg. Nakakatakam 'no? Ano ikukuha na ba kita?" wika ni Flynt.

"H-hindi na. Seryoso ka? Pinagsama mo sa isang sandwich lang ang lahat ng yun?"

"No, it's not a sandwich lang. It's sandwich ala Flynt. With matching kiwi juice with pineapple juice." saad niya saka umalis.

Umalis na din kami ni Dhaeny at pumunta sa bahay. Nadatnan namin ang mga gamit ni papa na nasa sala. Dumiretso muna kami sa kwarto at saka iniayos ang gamit ni Dhaeny.

Kinabukasan ay umalis na si papa at Ate Eva. At sa pinakahuling pagkakataon, pumasok kami ni Dhaeny as intern. Medyo frustrating dahil sa mga pasyente mula sa naaksidenteng jeep, pero kinaya naman. Last hour na namin ay nagkaroon pa ng ilang gawain. Matapos ang isang buwan at isang linggo, tapos na ang On Job Training namin.

Nagpaalam na kami ni Dhaeny sa lahat ng naka-close namin at saka akmang aalis na nang lumapit si Sir Lapaz at nag wink kay Dhaeny.

"You did well ladies. So proud of you." saad nito at kunwari pang teary eyed.

"Thanks Sir Lapaz."

"Worth it isn't it?" tanong niya uli.

"Of course sir."

"Sir Lapaz?" tinig mula sa likuran ni Sir Lapaz ang nangibabaw sa pasilyo.

"Yes Sir Parkinson?"

"Andiyan pa ba sina Ms. Wri-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya kami ni Dhaeny.

"I just want to congratulate you two. Thanks for your patience. Just want to thank you dahil lahat ng sermon ko, you took it as a challenge. And now, andiyan kayo, well trained and standing as a professional nurse." sambit ni Sir Lester sa malumanay na paraan. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Noon ko lang nakita si Sir Lester na ganoon kaamo.

"Thank you Sir. You really are a great help para mahubog kami as professional nurses." sagot ko at ngumiti.

Ngumiti naman si Sir Lester at tila bumagal ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanghina ang tuhod ko. Napakaganda ng ngiti ni Sir at bumagay ito sa kanya.

"Thanks po talaga Sir." sambit ni Dhaeny.

"It's my job to do so." saad niya at ngumiti.

Tumikhim si Dhaeny.

"W-wala po bang pa-graduation party dyan?" parinig ni Dhaeny. Tumawa lang sila Sir Lapaz at Sir Lester.

Ngayon ay nakatunganga kami ni Dhaeny sa harap ng tv. Lahat ng pinlano namin ay hindi natuloy. Hindi ko alam kung dahil ba pareho kaming pagod o ewan. Maya-maya pa ay nag beep ang phone ko at nakitang may nag message.

We thought of what Ms. Scrimgeour said earlier about the graduation party and came up with a decision. Tapos na ang graduation party kaya hindi na tayo pwede mag organize pa. But we are inviting you for a dinner on Saturday, 7pm. We'll fetch you, just reply if you want to join.

-Harvey...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status