Share

CHAPTER EIGHT

CHAPTER EIGHT

Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny.

"Ano kayang toothpaste niya?" 

Napatawa ako habang patuloy na naglalakad.

"Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin,"

"Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" 

"Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko.

"Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak.

"Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka.

"Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt,"

"Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?"

"Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhaeny.

"Alam mo ikaw? Wala kang kwenta kausap kahit kailan," 

"Why? Common sense, ginang Valerie, alangan naman tawagin mo siyang Dawson. Ano ka formal?"

"No, pwede din naman kasing Carl ang--" 

"Ayaw na niya ng pangalan na iyon," putol niya aa akin.

Napatigil ako sa paglalakad.

"Y-you mean, ayaw niya na sa Carl like how I hate my name, Valerie?" Tanong ko.

"Hmm, somehow. Pero may mas malalim siyang dahilan. Hindi katulad mo na basta na lang umayaw sa pangalan," saad nito at hinila ako na maglakad muli.

"A-anong dahilan?" Mausisa kong tanong.

"Uh, naalala mo noong sinabi niya yung about sa car accident?" 

"Oh, don't tell me magjo-joke ka. Carl accident?" 

"Tatawa na ba ako miss Wright?" Sambit nito at tumigil sa paglalakad nagpameywang.

"Okay na, ituloy mo na babaeng mukhang durog na pasas," tugon ko na lalong nagpaalat ng mukha ni Dhaeny.

"Ever since, Flynt ang gamit niyang name. Sa school, sa bahay, o kahit saan,"

"Wait, wait, wait. Hindi kaya siya magalit na ikaw na ang nagku-kwento ng talambuhay niya sakin?" Pag-antala ko sa kaniya.

"Syempre hindi,"

"At bakit? Ikaw ba si ma’am Charo?”

"Basta makinig ka na lang, napakarami mong patalastas. Ito na, nagbago lang lahat nang may makilala siyang isang tao na masasabi kong the one niya. Hindi ko naman kilala kung sino yun pero siya ang first time ever na tumawag kay kuya Flynt sa first name niya na hindi niya pinigilan. At iyong taong iyon ang first and probably last na taong mamahalin niya," paliwanag ni Dhaeny with matching hand gestures at facial expressions pa.

"So?"

"Wait nga, hindi pa kasi tapos, kakalbuhin kita eh. Two years ago, while on his way on a date with his special someone, naaksidente siya. An eight wheeler truck pushed his car onto a gasoline station. Hindi nga makapaniwala pamilya niya na naka-survive siya e,"

Hindi ako nakapagsalita. Napatahimik ako habang patuloy na naglalakad.

"Yun ang alam ko. Nasa Manila siya nung nangyari lahat iyon eh hindi naman ako nakaalis dito ever since," sambit niya.

"A-anong nangyari after ng accident?" Tanong ko pa.

"Amnesia," 

Hindi na kami nag usap hanggang sa makarating sa bahay ni Flynt. Never sumagi sa isip ko na pwede maging ganoon ka-cute at may abs ang isang may amnesia. Char.

Nadatnan naming nagluluto si Flynt at humalo sa masarap na simoy ng hangin ang amoy ng niluluto niya. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang naa-amaze ako sa mga lalaking nagluluto. Ewan, siguro dahil hindi ako marunong. Siniko ko si Dhaeny na nakataas ang paa sa couch at kinakain ang sitsiryang nadatnan namin sa center table.

"Babae ka di'ba? Umayos ka naman ng upo gurl," sambit ko, sapat lang ang lakas para kaming dalawa lang ang makarinig.

"At sa iyo pa nanggaling, babaeng tinawag na kargador ng pinagpapantasyahan niyang doktor," sagot nito at patuloy na kumain ng sitsirya.

Napatigil ako nang lumakad papalapit si Flynt at nakita kong wala itong damit pang itaas at nakasuot lang ng apron. Ngumiti ito at sinabing sandali na lang ay matatapos na siya.

"M-masarap ba sya?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ayan, diyan ka magaling!" Sagot ni Dhaeny at kinurot ako sa tagiliran.

"H-huh? Ibig ko sabihin, masarap ba siya magluto?" 

"Kung masarap siya magluto, sa tingin mo magsusundalo siya? Natural Cindy lutong pa-ekek lang iyan," sagot ulit ni Dhaeny at may pag-irap pa.

"You mean, hindi siya marunong?" 

"Kailangan pa ipaliwanag? I-elaborate? I-illustrate? Magbigay ng example? Gumawa ng graph? Ano bang nangyayari sa'yo Cindy?"

"Syempre nililinaw ko. Mahirap na,"

"Hindi talaga siya marunong magluto. Pero dahil nandito ang prinsesa niya, kailangan niya. Alam mo na--"

"A-andito si D-Debie ba yun? Yung girlfriend niya?"

"Gaga, Dexie yun," wika nito at tumawa nang napakalakas. "Hindi niya girlfriend si Dexie. Siya yung kasama niya mag-apply sa military school,"

"Talaga?" Tanong ko at tila nagningning ang mga mata ko. 

"Pero wag ka na umasa sa kaniya. Di'ba nga sabi ko, yung first love nya, siya na rin yung last."

"Eh sino yung prinsesa niya?" Tanong ko ulit.

Pumikit ang luka at humawak sa d****b niya.

"Ako," saad niya at ngumiti na parang nang-iinis.

Nag-pout na lang ako at ilang sandali pa ay dumating na si Flynt. May hawak itong spatula at makikitang marumi ang apron nito.

"D-Dhaeny, marunong ka ba magluto ng adobo?" Tanong niya habang kumakamot sa ulo. Ngumiti siya nang medyo awkward.

"Ako? Syempre! Ano ba ang hindi ko alam?" Mayabang na sagot ni Dhaeny.

Ngumisi lang si Flynt na akala mo ay tuwang-tuwa sa kagagahan ng pinsan niya. Lumakad kami papuntang kusina at nawindang kami ni Dhaeny sa kung anong dinatnan namin. Nagkalat ang balat ng sibuyas at bawang, kung hindi ako nagkakamali ay may luya at kamatis pa. Adobo? May luya at kamatis? Baka own recipe? Nakita ko rin na may isang sandok pang-kanin ang nakalagay sa isang tabi. Marahil ay inihalo niya sa adobo dahil may naiwan pang toyo. Nang makita ko ang lababo ay napansing barado ito at hindi makalabas ang tubig.

Nakanganga lang ako sa sobrang gulat dahil sa gulo. Nakita ko rin na nakapatay ang apoy ng kalan kaya nagsalita ako, "Tapos ka na pala magluto eh,".

"H-huh? Hindi pa," sagot ni Flynt at lumapit sa isang lamesa malapit sa lababo. "Ito oh, kumukulo pa lang," patuloy niya at binuksan ang rice cooker.

Seriously? Adobo na sa rice cooker iniluto? Kakaiba din pala 'to eh. Nang buksan niya iyon ay umalingasaw ang amoy nito. Amoy masarap at nakakatakam.

"Gurl, tulungan mo siya, marami na siyang ginawang kahindik-hindik na bagay sa kusina," bulong ni Dhaeny habang hunahakbang palayo kay Flynt.

"Huh? Akala ko ba marunong ka? E'di ikaw na tumulong," sagot ko.

"Alam mo naman na yabang lang 'yun di'ba? Kaya sige na, tulungan mo na siya. Bago ka pa nya pakainin ng hindi malunok-lunok na pagkain,"

"Tikman mo nga, Dhaeny," sambit pa ni Flynt at sumandok gamit ang spatula.

Nanlaki ang mata ni Dhaeny at pilit na ngumiti. Wala rin siyang nagawa kahit ayaw niya. Nakahandang humigop at tumikim si Dhaeny, ngunit bago pa man makarating sa bibig ni Dhaeny ang sabaw ay natapon na ito dahil sa spatula nga nakalagay.

"Uh, bakit kase spatula ginagamit mo?" Hindi ko napigilan magtanong. Nakita ko namang nag-cellphone na lang si Dhaeny.

Hindi ako marunong magluto, pero gosh alam ko naman ang mga tamang gamit ng tools sa kusina, pero yung mga simple lang hehe.

"Uh, a-ano ba dapat?" Tanong niya.

"Malamang, may sabaw di'ba, e'di yung palalim na sandok. Bobo mo naman," pakisali ni Dhaeny at doon ko nakitang mainit na naman ang ulo niya. 

Ang cute naman niyang bobo. Iba talaga takbo ng utak nitong babaeng 'to. Kanina lang ang saya-saya kumakain ng chips tapos ngayon parang magwawalang buwitre.

"Wala ba kayong home economics nung elementary?" Biro ko.

Hindi nag react si Flynt at hinalo ang niluluto niya. At saka nag-sink in sa utak ko. Gosh, may amnesia si Flynt. Napatakip ako sa bibig ko at ipinagsawalang bahala iyon, kunwari ay walang nangyari.

Natigilan ako nang makitang napakalakas ng paghahalo ni Flynt at nagtatalsikan na ang sabaw ng adobo sa aming tatlo.

"Alam ko namang nagsusundalo ka, pero huwag mo naman ilabas ang gigil mo riyan sa manok. Hindi iyan dapat hinahalo nang sobra," saad ko at napatigil si Flynt.

Kumuha ako ng akmang sandok at lumapit sa rice cooker. Nang makita ang laman ng rice cooker ay nanlaki ang mata ko. Buo pa ang chest part at ang nakahiwalay lang na hiwa ay ang thigh at neck part.

"Uh, Flynt?"

"Yes?"

"I-ilang hiwa ang ginawa mo sa manok?"

"Wait, I'll do the math. Bumili ako ng whole chicken. Inalis ko ang ulo at paa kase wala rin naman kakain no'n. Hiniwa ko sa part ng wings, thigh at neck. And that's it," sambit niya at nakangising tila proud pa sa math niya.

"So... Bale ilan lahat?" Tanong ko.

"Hmm, two wings, two thighs, one neck and the rest. Bale six parts. Sakto lang sa atin, tag-dalawa tayong tatlo," sagot niya with matching palakpak pa.

Pinilit kong ngumiti at tumango.

Napansin kong napakaraming sabaw at lumalangoy ang mga sahog. Halos mapuno ang rice cooker dahil sa sabaw. Naglinga-linga ako at nakitang may kalahating bote ng toyo. Ibig sabihin, kalahati ang inilagay niya, tama lang.

"Uh, parang napakadami naman ng tubig ang inilagay mo?" Saad ko bago tikman. 

Hindi siya sumagot. Paglingon ko ay inaayos niya ang kalat sa lababo. Sumandok ako at dahan-dahang tinikman. Halos malukot ang mukha ko at muntik nang mapadura sa sobrang alat. Napangiwi ako. Sa pakiwari ko ay magkaka-UTI ang kakain kahit isang kutsara lang.

Bumalik si Flynt na nag-pupunas ng kamay sa kanyang apron.

"Sorry, anong sabi mo uli? Inayos ko kasi yung lababo, nagbara," tanong niya.

"Sabi ko parang naparami ng tubig, ang dami kasing sabaw," sagot ko at hindi pa rin maka move on ang neurons ko sa napakaalat na adobo.

"H-huh? Nilalagyan ng tubig ang adobo? Sorry, di ko alam. Wait kukuh--"

"No need, ako na," I cut him off.

Pagdating ko sa tapat ng lababo ay tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nakita kong may isang bote ng toyo na wala nang laman at dalawang pakete ng seasoning salt. So kaya napakaalat? Isa at kalahating bote ng toyo at dalawang pakete ng seasoning salt? At hindi niya nilagyan ng tubig. Ayos.

Inilipat ko sa mas malaking lalagyan ang adobo at sa kalan nagluto. Ilang minuto ko rin inayos ang lasa ngunit wala na talagang magagawa. Halos lumangoy na yung manok sa sobrang dami ng nailagay kong tubig pero napakaalat pa rin. Halos madurog na rin ang manok sa sobrang tagal nang pinakukuluan.

Nang ihain ko iyon ay wala 'ni isa sa amin ang nangunang kumain. Tahimik lang kaming tatlo na nakatitig sa isang napakalaking bowl na may adobo. Nag-mukha nang aquarium yung bowl at yung manok ang isdang lumalangoy.

Balak ko sanang kanin lang ang kainin at kaunting piraso ng manok kaso nalaman kong sunog ang kanin. 

Nag-umpisa na akong magsandok dahil kung silang dalawa ang hihintayin ko ay baka mamuti na ang mata namin at manigas na lang ay hindi pa rin nakakakain. Nilagyan ko ng pagkain lahat ng plato namin at saka umupo.

"For our menu, tutong na kanin at napakaalat na adobo... Eat well," sambit ni Flynt habang nakapikit at pagtapos ay nagsimula nang kumain.

Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ginagalaw ang pagkain.

"Ganyan talaga siya. Kung ang iba nagdadasal bago kumain, siya, binabanggit kung ano kakainin niya," paliwanag ni Dhaeny.

Napansin kong bahagyang umaliwalas na ang hitsura niya at hindi na siya nagc-cellphone.

"Oh, nagsawa ka na magscroll?"

Tumango siya.

"Nakakasawa na, puro mukha na lang ni Carlota ang nakikita ko. Puro naman mirror shot na nakatabingi. Halos walang pinagkaiba, in-adjust lang ata yung filter ng isang kembot,"

"Ooh, kaya kanina ka pa nakasimangot at mukhang singit ng penguin?" Tanong ko.

"Eh kasi naman, napakaraming painggit sa social media. Lahat ng nursing student nagp-prepare na sa graduation party nila. Dumagdag pa 'to si Carlota na puro parinig na may dalawa rae na hindi kasama kasi engot," reklamo niya at nagsimula na rin siyang kumain kaya ako rin.

"Hayaan mo na lang sila gurl. Atleast may one week pa ako para makita si Sir Lester," sambit ko at ramdam ko ang kilig sa kaibuturan ng bunbunan ko. Char. 

"Tama, alam mo may utak ka rin pala minsan, iniimbak mo lang," sagot niya at nag-apir kaming dalawa.

Matapos ang pag-kain ay naupo kami sa sala.

"Bakit ba kasi sa rice cooker ka nagluto?" Tanong ni Dhaeny kay Flynt.

"Eh kasi nga di'ba? Nasunog yung kanin nung sa kalan ako nagluto, so sabi ko hindi na ako pwede pumalpak sa sunod kong dish, hindi na pwede masunog," sagot niya na punong-puno ng kumpiyansa at bilib sa sarili.

"Feeling brainy kasi, utak munggo naman," hirit naman ni Dhaeny.

Hanggang ngayon ay hindi kami maka-get over sa issue ng menu kanina.

"Uh, araw-araw ba ganyan ang kinakain niyo?" Tanong ko.

"Syempre hindi," 

"Oh, don't tell me, puro de lata,"

"No, Dexie cooks for me. For us,"

"N-nasaan ba siya?”

"Hindi ko alam. Oo nga 'no, maghapon din siya hindi nagparamdam,"

Ilang oras pa kami nag-usap at hindi na namalayan na dumidilim na. Nagpaalam na ako sa kanila at sinabi ni Dhaeny na sasamahan niya ako hanggang sa sakayan. Matapos ang ilang minutong pagkutata na parang hindi nagkakasawaan ay narating na namin ang paradahan ng jeep.

Nagpaalam na si Dhaeny nang makasakay ako ng jeep. Sa pinakadulo ako nakaupo dahil ayokong naiipit ako 'pag maraming nakasakay. Nakahawak ang isang kamay ko sa metal bar at ang isang kamay naman ay nac-cellphone. Gaya ng sinabi ni Dhaeny, nagkalat ang pagmumukha ni Charlotte sa social media. Ini-off ko na ang phone ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Mahabang araw rin ang lumipas, nakakapagod pero masaya.

Nakapikit akong matagal habang hinihintay umalis ang jeep nang may makaagaw ng atensyon ko sa labas ng jeep.

"Sumakay ka na! Bilis!" Dinig kong bulyaw ng isang lalaki sa isa pang lalaking nakatayo sa labas ng magarang kotse niya.

Umiling lang ang lalaking nakatayo sa labas.

"Sasakay ka o sasagasaan kita?" Bulyaw ulit nung lalaki sa loob ng kotse.

"I told you, I can take taxi," sagot ng lalaki sa labas.

"Shut the fvck off dude! Walang taxi dito!" Mukhang galit na sambit muli ng lalaking nasa kotse.

"Then I'll take a jeepney," sagot naman nung isa.

"Damn it! We're making a scene! Why don't you just ride?" Gigil na sabi ng isa.

At doon, napansin kong halos lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanilang dalawa. Ngumiwi ang lalaking nasa kotse at isinara ang bintana niya. Sa isang iglap, nawala sa paningin namin ang kotse niya. Nakita kong nakayukong lumalakad ang lalaking naiwan. Napaatras ako nang umakyat siya sa jeep. Nagulat ako nang makitang may hinihila siyang maleta.

"Yuki? Di'ba ito si Mr. Lost?" Bulong ko sa sarili ko.

Nang makaupo sa tapat ko ay saka lamang niya inalis ang face mask at shades niya. Nagpunas siya ng pawis at halatang naiinitan.

Hindi ko na lamang siya pinansin at pumikit. Bakit? Close ba kami?

"Miss?" Dinig kong wika niya matapos tumikhim.

Iminulat ko ang mata ko at itinaas ang kilay.

"Tama! Ikaw nga yung kanina," saad nya at kita kong nagliwanag ang mukha niya. "What's your name again?"

"Cindy." tipid kong sagot.

"Nasaan na yung friend mong kulot na nurse daw?" Tanong niya pa.

"Oh, ewan ko lumipad na yata sa langit. By the way, parehas kaming nurse," paliwanag ko. "Nursing student pala," pagtatama ko.

Di kami close pero hindi ko talaga mapigilan ang kadaldalang taglay ko.

"Cool. Where would you work after college?"

"Hmm, Manila? Ewan, hindi ko pa sigurado,"

"Aw, sad to know. I'm from Manila and from now on, dito na ako," saad nya at nag pout. Napangiti ako dahil ang cute niya nang magpout ang pinkish lips niya.

"Why? Ako kase kaya sa Manila plano ko, para malaki income. Ikaw? Nagsawa ka na sa malaking income?" Saad ko at mahinang tumawa.

"Nope. It's not my decision actually. Wala pa akong one year sa Manila since umuwi ako from Japan,"

"Oh? Bakit ang galing mo na mag-tagalog? Saka bakit kailangan pa makialam ng parents mo kung saan ka magtatrabaho?" Tanong ko.

"You know, I am half Filipino. My dad's a Filipino and we live together in Japan,"

"Woah," gulat kong tugon.

"Actually hindi lang dahil sa work kaya ako pinapunta dito nina dad," paliwanag niya.

"Hmm? Ano pa? Unwind?" Napatawa ako sa huli kong sinabi.

"No, they want me to work with my step brother and get close to him. Funny, ako lang ang tumaliwas sa business track sa aming pamilya and so as my step brother. Lahat din sa pamilya nila ay nasa business track, syempre chinese, pero siya lang ang napunta sa med track. And I'm a dentist! A friendly dentist. So apparently, we fit!" Saad nya at bahagyang ngumisi. Hindi ko rin masisi si Dhaeny na napansin niya ang ngipin ni Yuki. Maganda nga siya at parang hindi nalalapatan ng kung anong mikrobyo.

"Chinese ang step brother mo? Cool. Isang japanese at isang chinese mag step bro,"

"Yeah. But I worry something. Ilang taon na rin na hindi ko siya nakikita,"

"Okay lang iyan. Di'ba nga friendly dentist ka? You'll have the bond still," sambit ko at ngumiti.

Nakangiti lang ako sa kaniya at hindi na namalayan ang pag-andar ng jeep. Ngunit nanlaki ang mata ko sa mga sumunod ma sinabi ni Yuki.

"We'll bond step bro. This friendly dentist will bond with you, Doc. Lester Harvey Parkinson,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status