Share

CHAPTER SEVEN

CHAPTER SEVEN

Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. 

Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny.

Ang saya mo raw kausap. 

Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open.

Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no?

Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa. 

"Cindy, kumain ka na," halos hindi ko naintindihan ang sinabi ni papa dahil sa pagnguya niya. 

Umupo ako sa tabi ni ate Eva at nag-umpisang kumain. Hindi ako nagsalita. Parang may kung anong bagay na ‘di ko maintindihan. Tinatamad ako magsalita.

"Having your breakdowns again? Akala ko--" tanong ni papa.

Umiling ako saka ngumiti.

"Oh, I just thought. Anyway, next week, friday to be exact, I'll be going with my friend somewhere. You know, hangout with colleagues and friends. That'll be a three day event so I won't be around for you," paalam ni papa.

"O...kay?" Sagot ko.

"Well, you see, there's nothing to worry. Andito naman si Eva and she won't leave, right Eva?" saad ni papa at pinanlakihan ng mata si ate Eva.

Ngumiti lang nang pilit si ate Eva. At sa pagkakataong iyon, tila isang bumbilya ang nagliwanag sa ibabaw ng ulo ko.

"Pa?" sambit ko at ngumiting malawak pa sa buong pulo ng palawan..

Itinaas niya ang kilay niya bilang pagtatanong.

"C-can I bring Dhaeny here sa friday?" Saad ko at inilabas ang alindog kong nagpapalambot sa lahat ng pusong bato.

"Dhaeny?" Tanong ni papa at nag-isip. "Yung friend mong kulot? Oh, sorry for the term. That's just how I remember her. Besides since you had the training, madalang na siya pumunta dito," tuloy ni papa.

"So... Pwede?" Tanong ko habang kumukurap-kurap at nagpapacute effortlessly.

"Why not? Bring her," pagpayag ni papa.

Halos mapunit ang mukha ko sa lawak ng ngiti ko. 

"Uh, ate Eva, since ang kontrata mo ay papasok ka lang kapag kailangan ni papa ng assistance, you can have your leave. I can handle myself," sambit ko at ngumiti sa kaniya.

"Talaga?" Tila nagniningning ang mga mata ni ate Eva at hindi makapaniwala.

"Ayaw mo?" Tanong ko nang may halong pang-aasar.

"Syempre gusto. Kung pwede nga lang ngayon na eh," sagot ni ate Eva.

Nang mga pagkakataong iyon ay napakarami nang tumatakbo sa isip ko. Kung ano ang pwedeng gawin namin ni Dhaeny, kung gaano katagal namin pagpapantasyahan si Sir Lester at si Zach, at kung anong kakainin namin since hindi kami pareho marunong magluto.

Kinabukasan, mas iniisip ko pa ang magaganap sa friday kaysa sa additional one week namin ni Dhaeny. Siguro naman ay hindi na namin mapapansin ang one week na yun kung eenjoy-in namin. Naka-survive nga kami ng isang buwan, ano na lang yung one week? 

Nag-message ako kay Dhaeny at kating-kati na ako bumili ng mga lalamunin namin pag-alis ni papa. Napag-usapan namin mag-meet sa plaza at pagkatapos ay pumunta muna sa bahay na tinutuluyan niya.

Mabilis pa sa alas kwatrong nakarating ako sa plaza. Sa sobrang pagmamadali at sa kagalgalan, naiwan ko ang wallet ko. Napakagaling mo talaga Cindy. Buti na lang ay may pera ako sa case ng cellphone. 100 pesos, sapat lang na pamasahe papunta at pabalik. Nagbuntong hininga ako. Naglakad ako papalapit sa kumpol ng tao nang marinig na may nagsasalita. Hindi malinaw ang mga salitang naririnig ko pero sa boses ng nagsasalita ay tila hinihila ako papalapit sa kaniya. Nakipagsiksikan ako sa dami ng tao at pinilit mapalit sa unahan ng crowd. Nabigo ako. Halos madurog ako sa sobrang dikit-dikit ng mga tao. Nagmukha na akong pinitpit na bawang, nakangiwi na rin ako sa halo-halong amoy na pumasok sa ilong ko.

Dahil hindi kinaya ng kapangyarihan ko, bumalik na lang ako sa likod at doon na lang nakinig. Nagpalinga-linga ako hanggang sa may makitang monoblock, sadly putol ang isa nitong paa. Tila awtomatikong lumakad ang paa ko papalapit sa monoblock as if I badly need to see the person behind that calm yet quite seductive voice. 

Nang makalapit ay napansin kong putol ang isang paa ng upuan. Ngunit walang makakapigil sa isang Wright. Isinandig ko sa isang kahoy na bakod na may tamang taas. Tumaas ako sa upuan, bahagyang umuga nang simula ngunit ipinagkibit balikat ko.

I tiptoed trying my best to look at the one speaking. Until I finally saw him. A guy on his plain red polo matched with a decent well ironed slacks. His dashing eyes and smiles that met the crowd and made everyone nod with agreement. I didn't hear his words clearly yet I found myself nodding too. I wanted to hear what he says so I focused on him and ignored any noise my ears met.

"Schoolworks?" He chuckled.

I was just listening to him.

"Is that even important? No, do not misinterpret, I mean, is it something to prioritize? I don't know if you all know this but I know I should tell you this story," he continued.

I started shaking. I don't know why but his simple words made everyone remain in silence and anticipate what he'll say.

"A strong typhoon hit a certain country and flooded up low lying regions. The flood rose up to more or less 15 feet. People started staying on their house roofs. They spent days there, some were starving, some died. Amidst the nonstop rain and strong winds, the government didn't allow some rescuers saying they didn't have the medical papers. Some rescuers on the other hand asks for payment, 600 pesos for each person. Damn! I mean, the situation gives them a clear conclusion that the people there have nothing. If they have the money they could've rented a plane and rescue them all. Right?" He chuckled as the crowd agreed with him.

"Then after that disaster, some young ones saw their schoolworks, modules and papers soaked in mud. Their teachers, instead of having that tiny little consideration, scolded them and pushed them through their deadlines. Students cried for their understanding yet they didn't hear them out. What did the education department secretary said? 'Maghanap sila ng paraan, siguro ibibilad nila, yung iba pinaplantsa'. Fvck it!" He laughed. The whole crowd murmured softly. Laughs covered the place.

"Stupid!" the man speaking in front said in between his laughs. "One more funny thing? A known personality donated five million cash for the victims. Turned out, the ones who distributed it gave soups to the evacuees. Lugaw!" he shouted. "I think I want to be an evacuee just to taste that five million peso soup," he joked.

Bahagyang tumalikod siya at sa paggalaw ng balikat niya ay napansin kong tumatawa siya.

"Do not misinterpret huh?" Saad niya at itinaas ang hintuturo. "What I'm trying to say is that, we need accountability, not resilience." saad niya at nawala ang kaninang ngiti sa mukha niya.

"Again, do not misinterpret. I am not against the government, but the bad governance." he continued. 

I almost shouted midair when I lost my balance as someone pulled the end of my sleeve. I ended up lying on the grassy area behind a post and I felt my knee slightly broken.

"Huy gurl!" Bulyaw ni Dhaeny habang nakatingin sa akin. "Sorry...." mahabang usal niya at dali-dali akong tinulungan bumangon.

Sobrang inis ko nang mga panahon na iyon. Gustong-gusto kong tirisin si Dhaeny ngunit hindi ako makatayo. Hirap na hirap siyang inakay ako hanggang sa isang bench at saka nagpakawala ng buntong hininga.

"Sorry gurl..." saad niya habang nakayuko.

"Tss. Tirisin kita e," biro ko.

Ilang sandali pa ay hindi ko pa rin maigalaw ang binti ko. Hindi pa rin tapos ang nagsasalita at kating-kati ako tumayo para titigan pa siya. Ilang beses ko rin pinagalitan si Dhaeny sa dami ng kasalanan niya.

Late sya ng kalahating oras.

Nahulog ako sa upuan dahil sa kaniya.

Hindi ko na makita si kuyang nakared kasi nga nahulog ako.

At wala rin pera ang gaga. So ako talaga inaasahan niya bumili lahat?

Maya-maya pa ay narinig kong nagpalakpakan ang lahat. Hindi ko man alam kung bakit ay nakipalakpak din ako. Sumabay rin si Dhaeny habang nakanganga at parang batang walang muwang sa mga nangyayari.

"Maraming salamat sa ating guest spea--" rinig kong announce ng isang lalaki.

Halos ibuka ko ang tainga ko para marinig kung babanggitin ang pangalan ni kuyang naka-red. Auto search na 'to sa social media hehe.

Abang na abang na ako sa pangalan ni kuyang speaker at halos hindi na humihinga.

"Isa po syang graduate sa--" 

Nakita kong naglakad palayo si Dhaeny at pilit sumilip.

"Agai, Mr--" sa halip na pangalan ni kuyang naka-red ang marinig ko ay isang malakas, matinis at mahabang tili ang pumasok sa tainga ko.

"Aahhh! Ang sakit! Ouch, ouch," rinig kong pag-inda ni Dhaeny.

Hindi siya magkamayaw sa pagpadyak at pagtili. Tumakbo siya palapit sa akin at hindi tumigil sa pagpadyak.

"A-aray... Huhu mga baby ants... Why naman ganon?" Saad nito at hinaplos ang mga paa at binti niya.

Napatawa ako sa inasal niya.

"No biting, baby, okay?" Dhaeny hissed feeling the pain.

Tumawa ako nang mas malakas.

Napalingon ako nang makarinig na malakas na busina mula sa isang bus. Pumarada ito at nagsibabaan ang mga pasahero.

"Cindy... huhu," wika ni Dhaeny at nakangusong tumabi sa akin.

"Karma mo yan, gurl," sagot ko at tumawa.

"Masyado ka. Eh hindi ko naman sinasadyang malaglag ka. Tingnan mo oh! Puro pantal na paa ko," reklamo pa niya.

Tawa na lang ang naisagot ko.

Ilang sandali ring nagpahid ng kung ano-ano si Dhaeny para maibsan ang sakit ng kagat ng langgam. Nilagyan niya na ng lotion, pulbo pati alcohol. Para siyang batang malapit na umiyak. Natatawa ako habang pinapanood siya. Medyo gumaling na naman ang binti ko at naigalaw ko na ng ayos. Nang ilang saglit pa ay may isang umagaw sa atensyon ko. Isang lalaking nakasuot ng black sweater at sweat pants. Nakasuot din ito ng headphones at shades at may hinihilang maleta. Lingon ito ng lingon at tila may hinahanap.

Tila bumagal ang lahat. Simple lang ang suot nya pero napakalakas ng dating. Bawat paghakbang ay nagdulot ng kakaiba sa akin. Hanggang sa tumigil siya sa harap namin at inalis ang shades. Tumambad sa akin ang singkit nitong mga mata na nakangiting kasabay ng kanyang mapulang labi. Ang buhok nitong itim ay bagsak na nagdulot na makita ang puti ng kaniyang balat.

"Excuse me," he said in a manly yet lively voice.

"Y-yes?" Sagot ko.

"No, not you," sagot nito.

Ouch. Nakakahiya.

"Ikaw, miss kulot na nakataas ang paa sa isang public bench," saad nito at napatawa ako.

"Ako?" Tanong ni Dhaeny habang patuloy na hinahaplos ang mga paa niya.

"Well, ikaw pa lang ang nakita kong babae na nagtaas ng paa sa public bench. So probably--" sagot ng lalaki na parang nanunuya.

"Anong pake mo? Teka sino ka ba?" Sagot ni Dhaeny at ibinaba ang paa niya.

"I'm--" putol niya.

Itinaas ni Dhaeny ang kilay niya.

"I'm lost," patuloy nito.

Mahinang tumawa si Dhaeny.

"Sinong nanay mo? Ang corny naman ng pangalang Lost," asar ni Dhaeny.

"Gaga. Nawawala raw siya," pakisali ko at siniko si Dhaeny.

"Mukha ba akong mapa?" Tanong ni Dhaeny.

"Nope. A nest," sagot na naman nito at ngumiti. Doon, nakita ko ang mapuputi niyang ngipin.

"Tara na, Cindy," saad ni Dhaeny at hinawakan ang kamay ko.

"Ay, wait, masakit pa pala paa ko." wika niya at umupo muli.

"OA mo," angil ko.

"Why? What happened to your feet?" Tanong ng lalaki sa aming harapan.

Nang umihip ang hangin ay kasamang humampas sa akin ang mahalimuyak na amoy ng lalaki.

"Bakit? Doktor ka? Hello, nurse kaya ako. Saka may dala kang gamot? Injection? Nevermind, takot ako sa injection," sambit ni Dhaeny.

"Nope. I'm a dentist actually. Takot ka sa injection? Parang kagat lang yun ng langgam," saad nito at natawa.

Napangisi si Dhaeny. Parang kagat ng langgam eh kaya nga masakit ang paa niya dahil sa kagat ng langgam. I smiled.

"We're better be going. Nice to meet you," sambit ko at hinawakan na si Dhaeny.

"Wait, I want you to know me," sambit ng lalaki sa harap ko at pinigilan kami.

"Bakit? Sino ka ba?" Mataray na tanong ni Dhaeny.

"I'm a graduate from a prestigious school who was invited to be a guest speaker in an event, but I didn't make it to the time so they looked for someone in replace. It's fine though. Nagpunta pa rin ako dahil may iba din akong sadya," paliwanag nito dahilan para mapanganga ako.

"I'm Yuki, Yuki Gekido. Your friendly japanese dentist. Always smile!" He said as he smiled widely and his eyes can hardly be seen.

Just then, he left us.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status